Chapter 23

52 0 0
                                    


CHAPTER TWENTY-THREE

Umuwi ako na nanlalata. Walang gana. Namamaga pa rin ang mata. Alam kong napapansin na 'yon ni Tita Maggie. Gusto kong umuwi sa Sta. Monica kaya lang ay magkikita kami don ni Dino at ayoko siyang makausap. Kahit sino. Ayoko.

Naghuhugas ako ng plato ng pumasok sa kusina si Tita.

"Ano bang inaarte mo Kristine? Kanina ka pa ganyan." Aniya sakin.

"Wala po. Masama lang yung pakiramdam ko." Sagot ko sa kanya. Alam ko namang kapag sinabi ko sa kanya ang totoo ay tatawanan lang niya ako. Sasabihing hindi naman totoo ang sakit na meron na ako. Sasabihin niyang gawa-gawa ko lang yun.

"Huwag ka ngang umarte na para bang hirap na hirap ka dito!" sigaw niya at hinablot ang braso ko para mabitawan ang hawak kong plato.

Gumawa yon ng ingay.

"Tingnan mo nga! Ang clumsy mo kasi! Linisin mo yan! May mga bata dito ang gaslaw mong kumilos!" aniya pa.

Napairap ako ng palihim. Siya pa may gana magalit. Siya naman yung dahilan kung bakit ko nabasag yung pinggan.

Nag-squat ako at pinulot ang mga basag na bahagi ng plato. At siya? Nanunuod lang sakin. Sige, kuha ka na din po ng pop corn.

Nag-iinit ang mga mata ko. Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan ang pag-iyak. Hindi dapat ako umiyak dahil paniguradong malalagot ako nito.

"Ah!" nabitawan ko ulit yung pinggan at tiningan ang nasugatan kong daliri. Napapikit ako at mabilis na tumayo. Lumapit sa gripo at binuksan yon. Hinugasan ko sa tubig ang sugat ko.

"Alam mo clumsy ka na nga pero disgrasyada ka rin pala! Hindi ka rin kumuha ng daspan saka ng walis! Hindi mo ginagamit yang utak mo!" asik niya bago ako iniwan sa kusina.

Nang wala na si Tita Maggie ay saka palang ako nakaiyak. Duon ko palang napakawalan yung luhang kanina pa gusting tumulo. Kinagat ko ng madiin ang lower lip ko. Hindi alintana ang sakit non. Pinatay ko ang gripo at napa-upo ako.

Sinandal ko ang ulo sa cabinet sa ibaba at kumuha ng lakas sa lababo para hindi ako tuluyang mapahiga sa mga bubog.

Ayoko na. hindi ko na yata kaya.

Ilang sandali pa akong nasa ganung posisyon ng napilit ko ang sarili kong tumayo at lumapit sa isang pinto. Kinuha ko don ang walis at dustpan. Winalis ko ng mabuti ang lapag dahil baka mamaya may matibo dahil sakin.

Sisinghot singhot ako habang inilalagay ko sa separated na plastic yung mga bubug. Nilagyan ko rin ng lumang diyaryo para di mabutas kung sakali. Inilagay ko sa basurahan at ibinalik sa dati ang walis at dustpan.

Pumanik na ako sa hagdan at papasok n asana sa loob ng kwarto ko ng marinig ko ang sigaw ni Tita Maggie. Masama ang makinig sa usapan ng may usapan pero isa lang din ako sa makakasalanang nilalang sa mundo.

"HINDI BA PWEDENG PAALISIN DITO SI KRISTINE?!"sigaw niya. mukhang may kausap siya sa phone at hindi nasarado ng maayos ang pinto.

"Bakit hindi? Wala namang.... Oo alam ko. Hindi ko nakakalimutan! Perwisyo ang batang yan! Aba, wanpipti na nga yung baon niya! oo, tas ngayon ayan. Tumamlay. Anong ibig niyang sabihin?!" galit niyang asik.

Ikukuwento lang din pala sa iba. Psh. Hindi ko naman hiningi yun. Kusa niyang binigay.

"Kaya nga! Ayun, nakabasag pa kanina ng plato. Nagdadabog yata."

Napailing nalang ako sa sinasabi niyang puro kasinungalingan lang. Kung nagdadabog ako baka hindi lang plato ang binasag ko. Hindi ko na kayang makinig kaya naman umalis na ako at lumakad papasok sa loob ng kwarto. Ni-lock ko ang pinto at agad nahiga sa kama.

Anong klaseng kapamilya ang hihilahin ka pababa? Tss, kung ibang tao sana pwede pa. kaya lang sila na kadugo mo pa.

Pumikit ako at pinilit ang sarili kong matulog. Ang huling naalala ko ay ang pagtunog ng phone ko.

"Lola?" sigaw ko ng makita ang Lola ko na nakaupo sa isang pang-isahang upuan. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. Umupo ako sa katabing upuan nito. "Anong ginagawa mo dito, Lola? Baka mahamugan ka." Sabi ko pa. Nandito kami ngayon sa terrace. Palubog na ang araw. Kulay kahel na rin ang langit.

Tumawa siya ng mahina at tumingin sakin. Hinawakan niya ako sa pisnge at napapikit ako dahil don.

"Gusto ko kasing makita ang pag-lubog ng araw." Sabi niya habang nakatingin sa araw.

"Maganda po pala yung sunset ngayon" puri ko habang nakatingin din sa papalubog na araw.

"Lagi namang maganda ang sunset, tin." Tumingin ako sa kanya saka ko nakitang nakatingin rin siya sakin.

"Pero ang ibig sabihin ng sunset ay pagtatapos, di po ba?"

Tumango siya. "Oo, pagtatapos. Pero nag-iiwan siya ng isang magandang tanawin ang sunset." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kapag wala na ako. Gusto kong dito kana tumira sa bahay na'to."

Kumunot ang noo ko. "Lola! Wag ka ngang mag-salita ng ganyan. Hindi ka pa mawawala. Hindi mangyayari yon." Sabi ko at niyakap siya.

"Maalala mo ako sa mga pag-lubog ng araw," tumawa ito at hinaplos ang buhok ko. "Dahil katulad nito, malapit na rin akong mawala."

Gusto kong maiyak dahil sa sinasabi ni Lola, pero pinigil ko ang sarili ko. Hindi pwede, ayoko!

"No! hindi pa!"

"Oo, at sinasabi ko sayo, Kristine. Gusto kong dito ka sa bahay na'to. Dito kayo nila Aly"

Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siya. Malungkot ang mata ko ng kabaliktaran ng kanya. Nakangiti at masaya ang mga mata nito.

"Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan? Matagal pa naman yon eh" sabi ko.

Hindi siya sumagot hanggang sa dumilim na ang paligid. Tumingin ako sa kaninang nasaan ang araw pero wala na ito. Lumubog na.

Kasunod nito ang pagkawala ng lahat miski si Lola na kinabahala ko. Baka kung saan siya mapunta ay wala siyang kasama. Napatayo ako at tatakbo sana ng marinig ko ang mala-demonyong mga tawang yon. Kung ano anong salita ang sinasabi.

Napatigil ako sa gagawin ko at napatingin sa isang well na nandun sa tabi.

"Kaylan pa nagkaroon ng balon dito?" wala sa sariling tanong ko. Sumilip ako don at nanlaki ang mata ko ng mahulog ako.

"AHHHHHHHH!"sigaw ko. Tumingin ako sa itaas para makita ang pangahas na tumulak sakin. Ganun nalang ang gulat ko ng makita ko si Tita Maggie. Nakangiti siya sakin at may mga kasama siyang nakasilip lang don.

Lumagapak ako sa lupa at hindi tubig. Malalim ang balon at lagpas tao. Napalunok ako. Walang tubig ang balon.

"Tita!" sigaw ko. "Tulong po! Tita Maggie!" napahawak ako sa lupa at nagiisip ng gagawin para makapanik pero nagtataka akong tumingin sa itaas ng makita ang mga alikabok na tumapon sakin.

Napaiyak ako ng makita kung anong ginagawa nila.

"ITIGIL NIYO YAN!" sigaw ko dahil ang mga kasama ni Tita Maggie ay nagpapala ng lupa at nag-tatapon dito sa balon.

"HAHAHAHHA"

Mga tawa lang ang binigay nila sakin hanggang sa unti unting napupuno ang balon at nalulubog ako. Naiiyak ako ngayon! Ayoko pang mamatay. Ayoko pa. Ayoko. Ayoko.

Napabangon ako dahil sa panaginip ko. Napapikit ako. Ang mga bangungut ay hindi ako tinitigilan hanggang ngayon.

Tumingin ako sa orasan at nakitang alas tres palang ng madaling araw. Napangiti ako ng mapait. Balik na naman ako sa dati.

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon