Chapter 25

50 0 0
                                    


CHAPTER TWENTY-FIVE

"Paano mo nalamang may sakit rin ako?" hindi ko maiwasang itanong kay Yan-Yan habang naglalakad kami papunta sa may nagtitinda ng street food.

Yap, nakapag-usap na kami at naalala ko siya. School mate ko nga noon dahil nakita ko yung video at pictures na same uniform, same school din. Di ko lang siya gaanong nakaka-usap dahil suplada at snob ako noon eh. Ito na rin ang nagsabing I can call her Yan-Yan dahil sa di ko malamang dahilan.

"Well, nakita na kasi kitang ngumiti noon." Sabi nito. Tumingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.

"Etchosera ka ghorl, di mo knows?" aniya. Umiling ako.

Huminga ito ng malalim at tumingin sakin. Nakapilantik ang daliring humarap sakin at nakataas pa ang kamay.

"Ghorl, knows ko naman yung real smile at hindi. I've been in your shoes bago ako na-knows ni doctora." Sabi pa niya at inilabas ang phone. Binuksan niya at sinerach ang pangalan ko sa fb. Nang makita niya ay ang-punta siya sa photos at pinakita sakin yung picture ko nung grade eight to nine ko.

"Look, maganda kang ngumiti dito. Hanggang sa mata mo yung ngiti mo. Makikita mo sa mga mata mo na masaya ka talaga. Pero ngayon..." inalis niya ang picture at inilagay sa camera. Pinakita niya sakin ang repleksyon ko. "At tingnan mo siya ngayon."

Napatitig lang ako sa sarili kong repleskyon. Tama naman siya. Ibang-iba na ako sa dating Kristine na nakilala ng madami. Hindi na ako tulad ng dati. Yung mga ngiti ko, hindi na totoo. Ang mga mata ko ay walang buhay.

"Alam kong wala ako sa lugar. Hindi mo naman ako ganung kakilala, di mo nga ako matatawag na kaybigan. Pero pinagdaanan ko at pinagdadanan ko ang nangyayari sayo ngayon. I hope you have a courage to accept the truth and seek help to others." Aniya, nawala ang cellphone at tumingin ako dito.

"Alam ko ang totoo. Yung tulong? Paano ako hihingi ng tulong kung wala naming tutulong sakin. Paano ako hihingi ng tulong kung alam kong pagtalikod ko ay huhusgahan na nila ako?" mapait kong ani.

"Hindi naman lahat."

"Hindi nga lahat dahil yung iba harap harapan kang dudurugin." Pagkasabi ko non ay tumayo ako at tinalukuran ito. Mabilis akong lumakad paalis don.

Nadagdagan ang bigat ng dibdib ko. Bakit ba kasi may mga taong nagsasalita na para bang kilalang kilala ka nila? Bakit ba nagsasalita sila at nagsasabi ng payo pero hinahalintulad nila sa buhay nila.

Iba ako. Iba siya. Maaring ang pareho kaming may pinagdadaanan pero hindi yon magkatulad.

PAG-UWI ko sa bahay ay sinalubong ako ng isang malakas na sampal ng Tita ko. Napa-awang ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Galit na galit ang histura niya ng magkaharap na kami. Sapo sapo ko ang pisnge ko.

"WALANG-HIYA KANG BATA KA!" sigaw niya at pinaghahampas ako sa braso at iniilagan ko naman.

"Tita!" sigaw ko dahil hindi pa rin siya tumitigil. Kinagat ko ang labi ko para hindi umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Pinag-aaral kita tapos hindi ka papasok?!" sigaw niya at sinabunutan ako. Hindi kona napigilan ang luha ko dahil sa pagsakit ng anit ko dahil sa sabunot niya.

"T-Tita! T-Tama na po." Pakiusap ko habang hawak ang kamay niya upang mabitawan ang buhok ko. Pero mas lalo lang yung humigpit.

"Saan ka nagpupunta ha?! Alam mo bang tumawag sakin yung prof mo dahil hindi ka raw pumasok!" gigil na sabi niya. Isang malakas na sampal ang lalong nagpasakit sa mukha ko.

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon