Chapter 04

147 5 0
                                    


CHAPTER FOUR

Flashback

Kagagaling ko lang sa school at saktong pauwi na ako ng mapansin ko si Mama na nagmamadaling lumabas ng bahay. Nag-aabang siya ng masasakyan at halata sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. Kumunot ang noo ko at mabilis na nilapitan si Mama.

"Ma, saan ka punta?" tanong ko. Tumingin siya sakin at napansin ko ang pamamaga ng mata niya. "Umiyak po ba kayo?" dinaluahn ko siya at hinawakan sa balikat.

"S-si Tita R-Rose.... nasa hospital, Tin-Tin. Pupuntahan ko. Sa Malolos daw siya dinala." aniya.

Nanlaki ang mata ko at para akong nanlata. "B-bakit daw po?"

Nanginginig ako dahil sa nalaman ko. Bakit nasa hospital si Lola? Kahapon lang ay masaya kami dahil nga nag-celebrate kami ng birthday niya. Paanong nangyari yun?

"Na-stroke daw. Pangalawang beses na. Maiwan ka dito at ako na muna ang pupunta don. Walang kasama si Aly sa bahay."

Hindi ko pa siya nasasagot ng sumakay na ito sa tricycle na huminto sa harap namin. Mabilis akong umuwi sa bahay namin at pumasok sa kwarto. Naabutan ko si Aly na tulog na tulog. Padabog kong binaba ang bag ko at umupo sa kama.

Ang daming problema ang dumadating. Una yung sa school namin na hindi pala maganda ang turo, sumunod naman si Christine na iniwan kami ni Astrid sa ere. Pangatlo ito. Bakit ba nangyayari samin ang ganito?

"By, nasa hospital yung lola ko. Gusto kong sumunod kay Mama eh. Nag-aalala ako sa kanya." sumbong ko kay Dino habang magka-usap kami sa telepono.

"Ano daw bang nangyari, baby? Gusto mo bang pumunta ako jan? Sino bang kasama mo?"

"Si Aly nandito kaya lang tulog. Tapos pauwi na siguro si Tito Andy."

"Pupunta na ako jan" yun lang at binaba niya na ang telepno. Hindi ko alam kung good or bad ba yung pagkakaroon ng boyfriend na malapit sayo eh.

Ilang sandali lang at nakarating na dito sa bahay si Dino. Medyo gumaan naman ang loob ko dahil sa may nakikinig na sakin. Mabuti nalang.

ILANG araw na ang lumipas at ganun pa rin ang nangyari. Nasa hospital pa rin ito at kaylangan na ng taga bantay. Ako ang naatasan. Di rin naman daw kasi ako pumapasok kaya dun nalang ako. I'm more than willing na bantayan siya.

Naiiyak ako habang pumapasok ako sa loob ng kwarto. Ayokong makita si Lola sa ganung sitwasyon o kahit sino sa mga kapamilya ko kahit na yung iba eh bagay sa ganun. Charot.

Nang makapasok na ako ay nakita ko si Lola na nakahiga sa kama. Nakangiwi ang pisnge niya at bakas ang pag-hihirap sa mukha niya.

"Lola" mahinang tawag ko sa kanya.

Nag-dilat ng mata si lola. Pinilit niyang ngumiti sakin kahit na hirap siya. Mas lalo akong napaiyak. Mabilis akong lumapit sa tabi niya at hinawakan an kamay niya.

"Lola ko"

"Tin--"

"Ate!"

Isang tawag mula sa likod ang gumising sakin. Lumingon ako at nakita ko si Aly na dala ang mga damit na nilabhan namin. Isasampay nalang.

"Kanina pa kita tinatawag wala ka na naman sa sarili mo. Ano bang nangyayari sayo?" sita niya sakin.

"Wala naman. Di ko lang narinig" sabi ko at kinuha ang basket na dala niya. Lumapit ako sa sampayan at sinampay yun.

"Dapat kasi di ka nag-de-day dreaming kapag may ginagawa tayo dito." sermon pa niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nag-sampay nalang. Kapag kasi pinatulan ko ay mas lalo pang lalaki ang away naming dalawa.

"Lagi kang tulala. Ano bang nangyauari sayo, ate?" tanong niya pa.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng maliit. Kapag ba sinabi ko sayo ay maiinindihan mo ako? Kapag ba sinabi ko ang sakit na nararamdaman ko ay hindi mo ako huhusgahan.

Gusto ko sanang sabihin yun kaso baka mag-away lang kami kaya mas pinili ko nalang na tumahimik. Nang matapos kami sa pag-sasampay ay pumasok na ako sa kabahayan. Nag-punta ako kusina. Bawal kasi kaming umupo sa sofa dito. Kaya andito nalang ako sa ibaba para kapag tinawag na kami ay hindi na kaylangan pang sumigaw.

Umupo ako sa upuan at kinuha ang cellphone ko. Ngayon ko lang ulit nahawakan ang cellphone ko. Nag-online ako at chinat si Dino kaya lang saktong pagbukas ng wifi ay mabilis nag-pop up ang mga messages.

Baby: Kumain kana po ah

Baby: anong oras ka matutulog mamaya?

Baby: I miss you!

Baby: anong ginagawa mo? Busy ka, By?

Baby: I miss you, by. Kanina may nakita akong takoyaki. Ikaw agad ang naisip ko.

Baby: Kaylan ka uuwi? Miss na kita. Wag kang papagutom ah. Ayokong namamayat ka

Napangiti ako sa messages sakin ni Dino. Miss ko na siya. At yung takoyaki. Sarap. Gusto ko kaya lang ay nandito ako. Mabilis akong nag-tpe ng ire-reply ko sa kanya.

Me: I miss you too. Slr, kakatapos lang kasi naming mag-laba ni Aly.

Me: ikaw ba? Ano ginagawa mo? Kamusta ka jan?

Ilang sandali alng ako nag-hintay at na-seen niya din. Mabilis itong nag-reply.

Baby: Okay lang ako dito. Pagod ka jan? Pahinga ka muna

Me: medj, magbabantay pa ako sa lolo ko mamayang gabi eh

Baby: di ka pa uuwi?

Na-I-imagine ko na ang mukha ni Dino. Ang sabi ko kasi ay uuwi din ako ng Sunday. Pero mukhang malabo akong maka-uwi dahil sabi ni Tita ay may pupunta pa siyang bisita bukas at kaylangan ng katulong.

Nag-type na ako ng reply ko sa kanya.

Me: Hindi pa eh. May bisita kasing darating si Tita. Kaylangan niya ng katulong.

Baby: Hanggang kaylan ka jan? May pasok ka bukas diba?

Me: edi hindi muna siguro ako makakapasok.

Me: wala rin namang nagtuturo kaya sa exam nalang siguro ako papasok o bago mag-exam.

Baby: Miss na kita. Di ba ako pwedeng pumunta jan?

Naalis ang ngiti ko sa labi ng mabasa ang chat niya. Kumunot ang noo ko. Alam naman niyang bawal kaming makitang mag-kasama. Bawal nga malamang may boyfriend ako. Bawal ang boyfriend! Period!

Me: Alam mo naman diba?

Baby: hanggang kaylan ba? Nag-sasawa na ako sa set up natin. Palagi nalang ganito. Ni-hindi mo ako maipakilala sa mga kamag-anak mo.

Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa kong reply niya. Anong hindi maipakilala? Legal nga siya sa parents ko. 

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon