Chapter 03

167 5 0
                                    


CHAPTER THREE

I smiled bitterly as I entered the house. Gusto na namang kumawala ng mga luha sa mata ko. Bakit ba kasi ako nandito? Hindi ba nila alam na hindi pa ako nakaka-get over sa nangyari kay lola. Hindi pa nag-si-sink in sakin ang lahat.

"Kristine, don kayo matulog ni Aly sa dati niyon tinutuluyan. Mamaya na kayo tumulong. Ayusin niyo muna yung mga gamit niyo saka kayo mag-hain ng pagkain sa lamesa." sabi ni Tita Maggie.

Hindi kami sumagot na magkapatid dahil nauna na itong iwanan kami sa sala. Nagkatinginan kami ni Aly saka kami umakyat sa hagdan at nag-punta sa tinutukoy nitong silid. Mabilis kaming pumasok at ibinaba sa kama ang gamit namin.

"Kunwari pang pinag-pahinga tayo eh papagurin din naman tayo niyan mamaya." ani Aly.

Tumingin ako sa kanya. "Kaya nga tayo nandito, para maging katulong nila."sabi ko sa kanya at humiga sa kama ng matanggal ko ang sapatos kong suot.

"Tss, sabi kasi pag- bakasyon nalang eh. Bakit kaylangan ngayong kalagitnaan pa ng taon?"

Naramadam ko ang pag-lundo ng kabilang bahagi ng kama kaya humarap ako sa kanya.

"Ayaw mo nun? Malaki ang baon natin"

Napairap siya sa hangina. "Malaki daw. Kung bibigyan pa tayo ni Mama ng baon. Alam mo naman iyon."

Hindi na ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Tama siya. Hindi na kami bibigyan ni Mama ng baon pagkatapos nito. Yung perang makukuha namin nalang ang magiging baon namin. One week three hundred pesos? Kaya kaya yun?

Hindi na ako nag-salita at pumihit patalikod sa kanya. Pumikit ako. Pinilit kong kalmahin yung sarili ko dahin nag-uumpisa na naman akong mag-overthink.

Paano nalang yung tuition fee ko?

Paano yung projects ko?

Paano ako pag-college?

Ano pang dapat kong gawin?

Kulang na kulang sakin yung pera. Tapos idagdag mo pa itong sakit ko na hindi ko masabi sa kanila. Paano na yung future ko. Anong mangyayari sakin? Wala na si Lola. Wala na yung taong mahal ako. Wala na akong kakampi sa bahay na 'to.

What if hindi mangyari sakin yung mga plano ko?

Naramdaman ko ang pagpatak ng pawis ko sa noo. Napa-dilat ako at nag-punas. Ang puso ko, sobrang bilis niya. I cant breathe properly either. I-I need a diversion.

Mabilis akong tumayo. "Mauuna na ako sa baba" sabi ko kay Aly at hindi na hinintay ang sagot niya. Mabilis akong lumakad palabas ng kwarto at bumaba sa kusina. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko sa sala sina Tita Maggie.

"Anjan na pala si Kristine. Hindi na kaylangan tawagin." sabi niya.

"Ano po ba yung gagawin?" tanong ko ng makalapit ako sa kanila.

She smiled sweetly at me. You would not think she was one of the people saying something behind my Mom. She's very plastic. I smirked in my own thoughts. What else I'm doing here? Edi isa rin akong napaka-laking plastic.

"Sige, mag-walis walis ka muna dahil may pupuntang mga bisita dito. Dadalawin ang lolo mo. Tapos mag-papalit kayo ni Aly. Kung sinong mag-babantay sa lolo niyo sa araw at gabi. Pero bago ka mag-walis. Mag-hain ka muna sa lamesa. Nasaan ba ang kapatid mo at hindi ka tinutulungan?" aniya at tumingin pa sa second floor.

"Maya maya po siguro babaya yun. Tawagin ko lang po." sabi ko sa kanya.

Umiling siya sakin. "Hindi na. Ako nalang. Pumunta kana sa kusina."

Tumango ako sa kanya at nag-punta sa kusina. Mabilis akong kumilos para makapag-hain na sa lamesa. Ano kaya kung hindi ako umalis dito noon? Maganda kaya ang buhay ko? I mean, maayos ba? What if ipinag-patuloy ko ang pag-tira dito noon diba?

Nang matapos na ako ay saktong pag-pasok nila sa kusina. Sabay sabay kaming dumalo sa hapag. Walang ibang maririnig kundi ang mga kubyertos. Halos di ko malunon ang pagkain sa bibig ko dahil ramdam na ramdam ko ang mapanuring tingin ni Tita.

Hindi naman madami ang kinuha ko ah. Pasimple akong tumingin kay Aly at ganun din siya. Kakaunti rin ang kinuhang pagkain. Lihim akong nag-ngitngit. Kaunti nalang din naman ang kinakain namin pero bakit pakiramdam ko tingin nila sa kinuha namin ay isang truck.

"NAGUGUTOM PA AKO. IKAW BA?" tanong ni Aly sakin.

Nilongon ko siya. "Medyo langs" sabi ko. Tapos na kaming kumain at ngayon at naghuhugas ako ng plato. Ito naman ang nag-pupunas at nagbabalik sa lalagyan kung saan dapat ang mga ginamit namin.

"Oo. Nakita mo ba kanina yung tingin satin?"

Napangiti ako. "Oo. HAHAHA, kakatawa nga eh." sabi ko, sa likod ng ngiti ko ay ang mapait na katotohanan.

Nang matapos kami ay nagpunta na ako sa sala dala ang walis tambo at nag-umpisa ng mag-walis. Si Aly naman ay ang mag-pupunas at maglalampaso. Ilang oras din kaming nag-lilinis ng sala at pagkatapos ay nag-tuloy kami sa second floor. Yun naman ang sunod naming nilinisan.

Hapon na ng matapos kami. Gutom na gutom at uhaw na uhaw. Ilang kwarto ang meron sa second at third floor? Tig-anim yata pero wala namang ibang tao. May tatlong kwarto dito sa baba na hindi namin pwedeng pasukin ng walang pahintulot kaya di namin nalinisan.

Pabagsak kaming umuposa kama. Ako ay kakapasok lang sa kwarto at si Aly naman ay kakatapos lang maligo.

"Maligo kana. Kakain na daw maya maya." sabi niya habang nag-bibihis.

Hindi ko alam kung anong histura ni Aly. Nakapikit kasi ang mata ko dahil sa pagod. Wala na yata akong lakas para makapag-bihis o ligo man lang. Hindi ako sanay sa ganito. Di naman kasi ako naglilinis samin. Nag-lalaba oo, pero linis hindi.

"Hoy! Ate!" asik na tawag ni Aly. Pinilit kong dumilat at tumingin sa kanya.

"Bakit ba?" mahina kong tanong. Pagod ako at gusto ko ng matulog para makapag-pahinga.

"Maligo kana!" utos pa niya.

"Tss" padabog akong tumayo at lumakad papaosk ng banyo. Sinarado ko ang pinto at nag-hubad na ng damit. Mabilis akong lumapit sa tapat ng shower. Binuksan ko iyon at naligo na.

Tapos na at nagbibihis na ako ng marinig kong nag-ring ang phone ko. Kinuha ko yun at sinagot.

"By--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay inunahan na niya ako.

"Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo sinasagot"

"Busy kasi dito" mahina kong sabi at habang nagpupunas ng buhok.

"Bakit? Ano ba ginagawa mo?"

"Kakatapos ko lang naman pong maligo dahil kakatapos lang din namin mag-linis ng bahay. Salubong eh, linis agad." sabi ko at sinampay ang towel sa upuan at lumakad palabalik sa kama sabay higa. "Jusko, pagod na pagod ako, by. Nagugutom na din ako. Kaunti lang kasi ang kinain ko kanina eh" sumbong ko pa.

Narinig ko ang pag-buntong hininga niya sa kabilang linya. "Tss, di kita ginugutom tas gugutumin ka rin pala nila diyan."

Napangiti ako sa sinabi niya....

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon