Chapter 32

40 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-TWO

"Kaylan nagsimula yang sakit mo?" tanong ni Kuya Caligh. "Kung okay lang sayong sagutin ha. Baka kasi mamaya ay hindi mo pa pala kayang magkwento."

Kaming dalawa nalang nanditong naka-upo sa likod. Si Demani ay naglalaro. Sina Jonjie at Ashley ay pumasok sa loob dahil may kaylangan raw gawin.

Malungkot akong ngumiti. "Hindi po. Okay lang."

"Osige."

"Nag-start siya nung mamatay yung Lola ko." Mahina kong sagot.

"Condolences." Aniya.

Tumango lang ako. "Nung araw kasi na umalis ako ay okay pa siya. Tapos kinabukasan ay sinabi nalang samin na wala na raw siya dahil sa heart attack. Ang hirap lang paniwalaan kasi bago ko siya iwan non okay pa siya. Malakas pa siya at nakangiti sakin. Nakakatayo pa nga siya non dahil sabi niya ay gusto na raw niyang umuwi sa bahay." Sabi ko.

Napatango siya at tinapik ang likod ko.

"Tapos non alam kong sinisisi ako ng mga anak ng lola ko kasi ako nga yung huling kasama niya."

"Hindi mo naman kasalanan yun kung sakali."

"Alam ko po pero sinisisi ko rin naman yung sarili ko." Tumingin ako sa mga mata niya. "Wala ako nung oras na kaylangan niya ako. Iniwan ko siya."

Umiling siya sakin at ngumiti ng maliit.

"Wala kang kasalanan don. Ginawa mo naman siguro yung best mo para alagaan siya. Hindi natin kontrolado ang buhay ng tao. Hindi natin malalaman kung kailan tayo mawawala." Sabi niya pa.

Napatango nalang ako dahil naninikip talaga ang dibdib ko.

Hindi na nagsalita si Kuya Caligh pero ramdam ko ang tingin niya. Nakaka-ilang kaya yumuko nalang at nag-cellphone ako.

"Alam mo ako... may ginawa rin ako noong sobra kong pinagsisisihan. Hanggang kabilang buhay siguro ay pagsisisihan ko ang nagawa kong yon." Ani Kuya.

Tumingin ako sa kanya.

"Siguro ganun talaga. Nasa huli ang pagsisisi. Pero ang isang naturo sakin ni Angeline ay yung patawarin ko yung sarili ko. Siguro di ko pa ganun napapatawad yung sarili ko. Pinupunan ko ang pagsisisi ko araw-araw. Di ko kinalimutan pero di ko rin hinahayaang kontrolin ako."

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Subukan mong kalimutan yon. O kung di mo kayang kalimutan ay wag mo nalang hayaang kontrolin ka." Sabi niya at tumayo na. "Sige, mauuna na ako. May klase pa kasi ako bukas." Lumakad ito palapit kay Demani at hinila ang kapatid sa loob ng bahay.

Naiwan naman akong nandito. Mag-isa sa likod bahay.

Kung di mo kayang kalimutan ay wag mo nalang hayaang kontrolin ka

Kung di mo kayang kalimutan ay wag mo nalang hayaang kontrolin ka

Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang sinabi ni Kuya. Hinahayaan ko bang kontrolin ako ng pagsisisi kong yon? Hinayaan ko ba?

Paano ko papalayain ang sarili ko? Paano ko papatawarin ang sarili ko kung di ko alam kung paano?

Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-ring yon. Si Mama ang tumatawag kaya naman agad kong sinagot.

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon