Chapter 16

55 0 0
                                    

A/N: Hi Belladonnas, good evening! hope you like this update, thank you for waiting!

CHAPTER SIXTEEN

Napatingin ako kay Mama na nabitawan ang hawak niyang remote ng TV habang may kausap sa telepono. Dinamba ng kaba ang dibdib ko ng makitang namutla halos ang mukha nito at nag-umpisang umiyak.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

"Ma? Okay ka lang? Bakit raw?" sunod sunod kong tanong.

Humarap siya sakin at umiyak ng tuluyan. Kauuwi ko lang kasi galing sa hospital. Bukas ay babalik na ako. Umuwi lang ako ngayon para maglaba pero natapos na pala ni mama kaya nagpapahinga nalang ako.

"W-wala na yung l-lola mo." Mahina niyang sabi at binitawan ang kamay ko.

Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Nag-init ang magkabilang gilis ng mga mata ko.

"Ano ulit yon, Ma?" tanong ko sa kanya.

"Wala na si Tita!" aniya at tuluyang napahagulgul.

Natawa ako. "Ma! Di magandang biro yan!" ani ko, nag-uunahang tumulo ang luha ko. "M-Ma! Hindi pwede! Magkasama pa kami kahapon eh! H-Hindi pwede!" ani ko at napaupo ako sa lapag.

"Ma! hindi pwede!"

Mabilis akong kumilos at pumasok sa loob ng kwarto. Kinuha ko yung wallet at nagtatakbo palabas ng bahay namin. Pumara ako ng trike at sumakay don. Nagpahatid ako sa may Sto. Nino kung nasaan ang sakayan ng Jeep papuntang Malolos.

Habang nasa byahe ay pinag-titinginan ako ng mga tao dahil sa pag-iyak ko pero wala akong pakialam. Gusto ko lang makita si Lola. Gusto kong mapatunayan na hindi totoo yung sinasabi nila. Na hindi pa siya. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi pwede.

Mabilis ang nagging byahe at nakaratin ako sa Sacred Heart. Pumasok ako sa loob at nag-punta sa may tapat ng elevator, nang makitang puno yon ay tumakbo ako sa may hagdan saka nagtatakbong nagpunta sa kwarto ni Lola.

Naabutan ko sa loob ng kwarto sina Tita Maggie. Umiiyak siya habang yakap ang katawan ni Lola.

Dahan dahan akong lumakad papunta sa kanila.

"MA!"

"MAMA!"

Hagulgul nila at ng mga pinsan ko ang maririnig don sa ngayon. Si Lolo ay umiiyak rin habang hawak ang kamay ng kanyang esposa. Napalunok ako ng dumako ang mata ni Tita Maggie sakin. Naningkit ang mga iyon at binitawan niya si Lola.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw niya na nagpa-igtad sakin.

Umiiyak akong tumingin kay Lola bago sa kanya. "D-Di ba po... hindi pa naman wala si Lola? B-Buhay pa po siya diba?" mahina kong tanong habang humihikbi.

"Wala na siya. Wala na. iniwan na niya tayo." Mahina niyang sabi at lumayo kay Lola.

Dahil dahil don ay naglakad ako palapit kay Lola. Nahihirapan akong huminga.

Parang may kung anong dumakma sa dibdib ko ng makalapit ako sa kanya. Nakita ko ang maputla at walang buhay niyang mukha.

"Lola! La! A-Akala ko ba sabay tayong uuwi? A-Akala ko ba.... H-hindi mo kami iiwan?" mahina kong sabi sa kanya. Sunod sunod ang patak ng luha ko. Sunod sunod kong niyugyug ang malamig niyang katawan. But there's no response. She's really dead. She's not with us anymore.

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon