Prologue

725 15 3
                                    

PROLOGUE

HINDI ko alam kung bakit hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay may kung sinong sumasakal sakin. I try to open my eyes but I cant. Sinubukan ko ding igalaw ang katawan ko ngunit ayaw niyang sumunod sakin. Ilang beses akong sumubok pero lahat ay walang nangyari. May kung sino ang nasa kwarto ko!

Nag-uumpisa ng umatake ang panic attack ko. Pinapapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang may kung sinong nakadagan sakin. Ilang beses ko pa ulit sinubukan hanggang sa magawa kong makadilat.

Mabilis akong bumangon at hinabol ang hininga ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok non. Nag-angat ako ng paningin at inilibot ang tingin ko sa lugar kung nasaan ako. Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng puso ko ay mas dumoble pa ngayon.

Hindi ko alam kung nasaang silid ako! Hindi ko kilala kung kanino ito.

Inilibot ko ang paningin ko habang tumatayo sa kama. Walang pinto, walang ilaw. Patingin ako sa isang maliit na bintana na siguro ay kakasya ako. O kahit sinong medyo maayos at maliit ang pangangatawan.

Mabilis akong tumakbo papunta don pero hindi ako lumalapit, mas lumalayo pa ako. Lumalayo ang mismong bintana sakin. Napatingin ako paa ko. Tumatakbo ako pero di ako makaalis!

Naiiyak na ako. Natatakot ako. Ang mga pawis ko ay tumutulo kasabay ng luha ko. I'm a hopeless case right now. i want to get out of her!

"Ma!!!!!!" sigaw ko habang tumatakbo.

"Mama! Tulungan mo ako! MAMA!"

Hikbi lang ang maririnig sa lugar kung nasaan ako. Napatigil ako ng wala ng makitang liwanag. Nagsarado ang bintanang dapat kong daanan. Napatingin ako sa kaliwa kung saan ako nakarinig ng mga kaluskos.

"S-sino yan?" napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lumakad ako ng dahan dahan papunta sa lugar na yun. Kung saan nang-galing ang kaluskos.

Malakas akong napatili ng lumabas don ang mga paniki. Ang daming paniki na kinukuyog ako ngayon. Napaupo ako at yumuko. Tinatakpan ko ang ulo ko. Nararamdaman ko ang hapdi saking mga braso dahil sa pag-kalmot nila. Pumikit ako ng mariin at tiniis ang sakit. Hindi ako makahinga.

NAPABAlikwas ako ng bangon habang hinahabol ang hininga ko. Ilang beses akong napalunok at inilibot ang paningin ko. I sighed as relief. That nightmare!

Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas ng kwarto. Napakamot ako sa ulo ko dahil napaka dilim naman. Lumapit ako sa switch ng ilaw at sinubukang buksan pero wala.

"Ma?" tawag ko at lumakad papuntang kusina. "Ma, ano yung ulam natin?" tanong ko at kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Kumunot ang noo ko habang umiinom. Umalis ba si Mama?

Dahan dahan kong binaba ang baso sa lababo at dahan dahang lumingon. Nabato ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang isang taong nasa pinto ng kusina. Napalunok ako.

"S-sino po sila?" tanong ko. Wala naman kasing ibang tao dito kung hindi kami ni Mama at si Aly, imbis na sumagot ay nagbigay lang siya ng nakakatakot na ngisi at itinaas ang braso. Napa-awang ang bibig ko ng makita ang hawak ng kutsilyo.

Umatras ako ng umtras habang siya ay palapit ng palapit sakin.

"H-huwag.... please. Huwag" mahina kong ani. Hinawakan ko ang unang mahawakan ng kamay ko. Itinapat ko sa akin ang hawak kong kaldero. Tumawa ito ng parang isang demonyo habang tumatakbo palapit sakin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ilang beses akong sumigaw ng malakas para humingi ng tulong pero walang dumating.

"MAA! Tulong! Tulong!"

Naramdaman ko ang isang mainit na likido na lumabas sa bibig ko. Pinunasan ko yun gamit ang likod ng kamay ko at nanlalaki ang matang tumingin sa lalaki. Dugo!

Humawak ako sa tiyan ko kung saan may masakit don. B-basa. Tinaas ko ang kamay ko at nakitang may dugo rin don. Natumba ako dahil sa panlalata at sinubukang gumapang papalayo. Umiiyak ako dahil sa takot at sakit. Ayoko pang mamatay.

Umiling ako sa kanya habang gumagapang palayo pero siya ay sumusunod lang at tumatawa pa rin. Malapit na ako sa pinto ng maramdaman ko ang sakit sakin binti. Napatingin ako don at mas lalong napaiyak dahil sa nakita ko. Inalis niya binti ko. Initak niya!

"M-ma....! A-Aly.....!" naninginginig kong tawag sa kanila. Tumingin muli ako sa lalaking yun, hawak na niya ay itak at kutsilyo. Nakangisi na para bang okay lang sa kanya ang lahat.

Binitawan niya ang hawak niyang kutsilyo at hinawakan ng mabuti ang itak. Napasigaw ako sa sakit dahil ang pinutol naman niya ay ang isang binti ko.

Napatingin ako sa mga binting nahiwalay sa katawan ko. Umiiyak ako at umiiling sa kanya. Napatili ako ng malakas dahil ang isusunod na niya ay ang katawan ko--

"KRISTINE!"

Napabangon ako ng mabilis dahil sa sigaw na yun. Mabilis kong inilibot ang paningin ko. Ang tibok ng puso ko ay sobrang bilis. Tumingin ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Mama na nakapamewang sa harap ko at kunot ang noo.

"Kristine! Ano ba?! Balisang-balisa ka. Umiiyak ka habang tulog!" pagalit niyang sabi.

Napahawak ako sa ulo ko at pumikit. Naramdaman ko ang mga pawis sa noo ko. Kinakapos ako sa hininga. Umiling ako at huminga ng malalim. Tumingin kay Mama.

"Wala po, Ma. Sorry po" mahina kong sabi. Umismid lang sakin si mama at tumalikod na palabas ng kwarto. Nang wala na siya ay tumingin ako sa paligid. Sinugurado ko munang may pinto at bintana. Baka mamaya ay bangunot na naman ito.

Muli akong humiga sa kama. While looking at the ceiling, I feel nothing again. My heartbeat is still fast but I don't feel anything.

I am, Empty

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon