Epilogue

202 2 0
                                    


Yey! andito na tayo sa Epilogue HAHAHHA. thank you sa pagbabasa ng Anxious!

love lots!





EPILOGUE

"Someone told me that money will not change me. It only brings the real me. And since that day? I can't forget that. It haunt me always. I don't know why. Pero totoo siya. Yung akala mo mabait kasi pinapakita niyang mabait siya? Hindi pala. Sa gitna ng kagipitan. Pag mawawala na ang pera, don mo makikita ang totoong siya." Sabi ko sa mga batang kaharap ko ngayon.

Nakikinig sila sakin. Nandito ako ngayon sa isang bahay ampunan na pinatayo ng team namin. Sinasagip namin ang mga batang nasa lansangan. Pati mga matatanda. We use this to repay for what we have now.

"Ate Tin? Bakit po hindi niyo makalimutan yon?" inosenteng tanong ni Len-Len.

Tumingin ako sa kanya. "Hindi ko rin nga alam, Lenlen eh. Pag nalaman ko kung bakit sabihin ko sayo ha." Sabi ko sa kanya.

Tumango siya sakin at tumawa. Gumaya ang ibang bata at nagsitayuan na sila. Mukhang mga mag-lalaro na naman. Napailing nalang ako. Bago kasi sila magsi-alisang lahat ay itinabi muna nila ang mga papel at Crayola nilang ginamit kanina para sa pagkukulay.

Ang saya lang nilang panuorin. Kasi hindi na nila kaylangan magtrabaho sa gitna ng kalsada. Hindi na sila makikipag-patentero kay kamatayan. Bata lang sila.

Tumayo na rin ako sa pagkaka-upo ko at iniligpit na ang mga ginamit naming libro at lapit. Ang mga papel at lapis na walang nagmamay-ari.

Ang tagal na rin simula ng sabihin sakin ni Tita Maggie yon. Its been what? 10 years?

Yeah, 10 years na simula nong araw na mas pinili namin ang tahimik na buhay. Naka-graduate na ako at isa na akong abodaga. Hindi ko akalaing magiging ganito ako ka-successful ngayon. I have my own house, own car. Money.

Lahat ng pinapangarap ko lang noon na sakin na ngayon. Nakakapunta na ako sa ibang bansa. Nakakagala at nakakabili ng kung ano mang gusto ko.

At higit sa lahat, nasuklian ko na si Mama. yung maliit naming bahay noon sa Sta. Monica ay iniwan na namin. Pinapa-upahan nalang sa ngayon. May sarili na kasing bahay si mama. well, kasama naman niya don si Aly.

Nag-aaral pa rin ito dahil mas gusto nitong mag-doctorate. Kumuha ito ng BS Psychology. Gusto raw niyang makatulong sa iba. And I'm so proud of her.

Lumakad ako paalis ng lugar na yon at pumasok sa bahay ampunan. Malaki ang pinagawa naming bahay. Kasya ang maraming bata. May mga hinire rin kaming mga tauhan. Puno ng CCTV ang lugar para ma-sure ang kaligtasan ng mga bata.

Ayaw naming inaabuso sila. Dahil anong laban nila diba? Kumpara samin ay mahihina pa sila. Makukulit pero mahihina pa.

"Good afternoon po, Ms. Tin."

"Good afternoon, Ate Tin."

"Hi Ate Tin!"

Bati sakin ng mga nakakasalubong ko at nginingitian ko lang sila. Nagtuloy ako sa office naming lima. Yes, lima. Kami kami nila Kuya Jonjie.

Nang makagraduate si Yan-Yan at napagkasunduan naming magtayo ng bahay ampunan. Ang nakukuha naming pondo galing sa donasyon at ang ibinibigay namin galing sa sarili naming mga bulsa ay napupunta sa mga bata. Ang iba ay napapag-aral pa namin ng high school at ng college.

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon