Chapter 10

92 2 0
                                    

CHAPTER TEN

Sabado ngayon at hindi kami pumunta sa Calumpit. Ayaw kaming payagan ni Mama. Ilang araw na rin akong hindi nakaka-pasok. Kami ni Aly dahil ayaw muna ni Mama. Simula kasi nung umalis si Tito Andy lagi na siyang tahimik. Minsan nga samin pa siya galit kaya naman di ko siya maintindihan.

Sana hindi nalang siya nakipag-hiwalay kung ganyan din naman siya. Kasalanan ba naming lumayas at pinalayas niya? Hindi naman diba?

"Ate, tawag ka don sa labas." bungad sakin ni Aly pagkapasok niya sa kwarto. Nakatapis lang si Aly ng towel.

Kumunot ang noo ko. "Bakit raw?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Ewan ko. Ikaw tinatawag diba?" mataray niyang sabi at tinalikuran na ako.

Inirapan ko siya at tumayo ako sa pagkaka-higa ko. Inayos ko muna ang suot kong damit bago lumakad palabas ng kwarto. Nagtuloy ako sa sala kung nasaan si mama.

"Ma" tawag ko.

Lumingon siya sakin at tinuro ang pinto. Nakita ko don si Dino na nakatayo. May dala siyang pagkain.

"Pumasok kana sa loob, Dino." sabi ni mama. Tumalima naman ito.

Nang makalapit siya sakin ay napa-awang ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala. Akala ko mag-titiisan pa rin kami ng matagal-tagal.

"Sorry na, by" sabi niya sakin at inabot sakin ang supot. "Takoyaki yan. Alam kong favourite mo. Bati na tayo." dagdag pa niya.

Na-touch naman ako dahil sa sinabi niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Sorry din." mahina kong bulong sa kanya. Ngumiti siya sakin at niyakap ako.

Ilang sandali kaming ganun bago ako humiwalay at kinuha ang kama ni Dino. Lumakad kami papunta sa kwarto. Kumatok muna ako dahil baka nag-bibihis pa si Aly.

"Pasok na"

Pumasok kami sa loob ng kwarto. Naabutan pa namin si Aly na nag-pupunas ng buhok niya. Umupo kami ni Dino sa may kama ko. Nasa likod ko siya at nakayakap siya sakin. Ang saya ko ng moment na 'to. Bati na ulit kami ni Dino. Okay na ulit kami.

HAPON NA AT WALA NA SI DINO. Umuwi na siya. Tatlo nalang ulit kami ngayon dito sa bahay. Kausap namin ngayon ni Aly si Papa.

"Nag-susumbong pala kayo"

Nagulat kami ng may mag-salita mula sa likuran namin. Lumingon kami at nakita si Mama. Nagkatinginan kami ni Aly at sabay na bumangon.

"Ma"

"Ano na naman sinumbong niyo sa Tatay niyong magaling? Hindi ba't sinabi ko ng huwag niyong kakausapin iyan! Mamaya ako na naman ang masama don sa mga kamag-anak niyan! Napaka-kulit ninyo!" sermon niya samin.

"Ma, nagkaka-mustahan lang po kami nila Papa" pag-tatanggol ko.

"Oo nga, Ma."

Galit ng tumingin samin si Mama. "Pinag-tutulungan niyo ba akong dalawa? Wag niyo ng kausapin yan. Alam niyo namang kaugali yan ng mga kamag-anak niya. Sige, susumbatan din niya kayo!" sigaw niya samin saka sinabayan ng alis.

I shrugged my shoulders. Sanay naman na ako sa kanila. Ganiyan naman sila palagi. Sisiraan ang isa't isa pagkatapos ay kung saan kami pabor kung kami lulugar. Kaylangan ko ng kakampit kahit paaano.

I looked at my sister who's now busy at her phone. She seems don't care to what our mothers say. She get used to it too.

I used my phone. I smiled when Dino's chat pop up. In hurry. I open his message and saw his I love you's but its stop when he send a picture. My smiled is easily faded when I saw what he sent to me.

Where the hell did he get this?!

Baby: enjoying ba?

Baby: hindi mo naman nasabi sakin na nakasama mo pala yang SIR mo.

Hindi ka pa ba nasanay? Palagi nalang kayong nag-aaway. Pati yang mga ganiyan eh napapansin. Ang sinend niya kasi sakin ay yung chat ni Sir. Paulo. Hindi kasi nag-pop up sakin kaya hindi ko nakita. Naka-ignore message siya sakin pero mukhang inalis ni Dino. Siya mismo ang gumagawa ng ikakaselos niya.

Baby: hindi ka sasagot? Galing naman pala ninyo. Kamusta na pakiramdam mo? Sweet naman.

Me: nakita mo ba kung kaylan pa yan? Ang tagal tagal na niyan.

Me: naka-ignore message siya sakin. Paano mo nakapag-chat sakin yan?

Baby: mabuti nga at inaalis ko. Kung hindi di ko pa makikita yang chat niyo na magkasama pala kayo.

Baby: ano ba? May gusto ka na ba sa kanya? Bakit na ganiyan ka? Alam mong may gusto sayo yung tao tas nilalapitan mo pa?

Baby: napaka-insensitive mo

Baby: manhid ka ba o sadyang gusto mo lang yung atensyong nakukuha mo sa kanya?

Kumukuyom ang mga kamao ko sa sunod-sunod niyang reply sakin. Insensitive? Manhid? Nanlalata ako. Parang pakiramdam ko ay sasabog ako sa inis at sa sakit na nararamdaman ko.

Me: Manhid? Attention seeker? You're calling me that because of your wrong accusations. Why don't you ask me first before you tell me your rants.

Me: Do you ask me if I'm okay that day? As I can remember, No. You didn't bother to ask me how's my feeling. And his in my Inbox I don't even remember I reply to his messages on me. I block him months ago. His in my ignored messages. And yet, your here and you unblock him. You removed him from my ignored messages.

Me: And congratulations. You judge me easily. Again.

Baby: wag mo akong I-english english diyan. Ang problema ay ikaw. Bakit hindi mo sinasabi sakin? Bakit ngayon ako na ang masama? Bakit ngayon nasakin na ang sisi kahit na ikaw naman yung nagkamali?

Baby: tangina naman! Ako na naman ang mali. Ako na naman? Well, sino nga ba ako diba? Boyfriend mo lang naman ako. Di pa ako legal sa tatay mo. Di ako legal sa mga kapamilya mo. Kaylan mo ba ako pinakinggan kapag sila na ang kalaban ko?

Napataas ang kilay ko dahil sa nabasa ko.

Me: so dahil pa rin 'to don? Di ka ba talaga maka-move on? O sadyang pinapahirapan mo lang ako? Alam mo yung dahilan ko. Alam mo...

Baby: Dapat kasi mag move-on kana. Kalimutan mo na yun. Ilang buwan na yung lumipas. Ilang buwan ng nakalibing yung lola mo. Wala ka ng magagawa.

Imbis na sagutin ay blinock ko siya sa messenger. Ang lakas naman ng loob niya para sabihin sakin kalimutan na yung nangyari sa lola mo. Anong akala niya? Na madali sakin ang lahat.

Hindi niya alam kung paano akong nalunod sa sarili kong isipin. Hindi niya alam kung ilang bangungut ang nakuha ko dahil hindi ko maalis sa isipan ko yung nagawa ko. Kasalanan ko lahat. If I didn't tell her everything she will not have a heart attack. She will not die. 

Brave Hearts Series #1: AnxiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon