Chapter 20

18.7K 760 182
                                    

Erin's PoV:

"Wifey ko.."

"What?" Nakataas-kilay na tanong ni Ella sa akin. I just smiled at her at hindi nagsalita.

Nakita kong matalim na inirapan nya ako at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Ang cute. Pero mas cute pa rin ako. Walang pwedeng umangal.

"Wifey ko.." I called her again. Ilang sandali muna ang nakalipas nang magbaling sya ng tingin sa akin.

"What is it this time?"

Katulad nung nauna, ngumiti lang ako sa kanya. I heard she groaned in annoyance.

"Ugh. Nawawala na ata sa katinuan ang babaeng to. Itawag ko na kaya sya sa mental."

I heard that she's murmuring some things na hindi ko masyadong marinig dahil napakahina. Sana naman mabubuti yung sinasabi nya.

We're now in the kitchen and yes, si Ella ay nagluluto. Nakakagulat diba? Ewan ko ba sa isang 'to. Parang kelan lang ay hindi sya marunong. Tapos ngayon, sya na yung nagpepresinta na magluto.

I really wonder kung paano sya natuto. Pero well, what do you expect from her? Magaling naman talaga si Ella sa kahit na anong bagay.

"Wifey ko..." Pagtawag ko uli sa kanya.

Now, magkasalubong na ang dalawa nyang kilay. Nagsimula na rin nya akong paulanan ng matatalim nyang titig.

"Argh! Ano bang kailangan mo Erin at kinukulit mo ako h--"

"Ang ganda mo." I said while smiling widely at her.

Nakita ko kung paano sya natigilan bigla. She started to bit her lips. Unti-unting humupa ang masamang aura na nakapalibot sa kanya kanina.

"Tss. Really? Matagal ko nang alam yan duh." Mataray nitong saad at humalukipkip pa.

Hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa sinabi nya. Napakahangin talaga kahit kelan.

Naputol ang pagtawa ko nang maramdamang matamang pinagmamasdan nya ako.

"There's something wrong with you Erin hmm..." She said. "It's so unusual naman na tatawagin mo na lang ako out of a sudden." Dagdag pa nya.

Hindi ko maiwasang mapalunok. Oh my. Nakalimutan kong napakaobservant pala ni Ella. She knows when something is off. Gosh. Wala ka talagang lusot if ever.

Nakita kong naningkit bigla ang kanyang mga mata. "May gusto ka ba sa akin--- I mean sabihin sa akin?"

"A-Ano kase... Aalis sana ako ngayon." Kinakabahan kong saad. Gosh. Tulad nga nang sinabi nya dati, nagpapaalam na ako sa kanya.

"Saan naman at anong gagawin mo?" Tanong nya. She's eyeing me intently na para bang pinag-aaralan ang bawat galaw ko.

Ugh. Grabe talaga ang epekto sa akin ni Ella. Parang automatic na napapatiklop ako sa kanya. Siguro ginamitan nya ako ng witchcraft.

I gulped. "Ah... Dyan sa may mall. Bibili lang ako sa grocery ng Pringles. Paubos na kasi yung stock natin."

Parang gusto kong bigyan ng medal ang sarili ko. Ang galing ko kasing gumawa ng palusot. Pero medyo tabinge nga lang dahil hindi ko alam kung maniniwala ba sa akin si Ella.

I glanced at her at nakitang nakatingin na sya sa akin. Nakacross na rin ang dalawa nyang kamay.

"Hindi ka ba n-naniniwala?" Nauutal kong turan.

"Obviously, hindi. Kakacheck ko lang kanina at ang dami-dami pa kaya nating stocks ng pringles. Next time, kapag magpapalusot ka sa akin, siguraduhin mo na kapani-paniwala ha." Mahabang litanya nya at ngumisi pa sa akin.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon