Chapter 36

15.3K 643 104
                                    

Erin's PoV:

"W-What? Anong sinabi mo Ella? Bakit naman yun pumasok sa isipan mo?" Naghihisterkal kong tanong sa kanya.

"Are you sure about that? Baka naman nabibigla ka lang. O kaya naman ay nagbibir——" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang maramdaman kong dumapo ang kanyang palad sa aking pisngi.

*Pak*

I bit my lips upang pigilan ang aking hiyaw. Ouch. Ang sakit nun huhu. Grabe naman si Ella.

"Wifey ko, bakit ka naman nananampal bigla?" Ungot ko sa kanya ngunit ang siste, ayun inikutan lang ako ng mata. Inirapan to be exact.

"Tss. Stop blabbering things. Kumalma ka nga muna." Masungit nitong turan. "Baka gusto mong matikman ito uli?" She added at itinaas ang kanyang kamay.

I gulped at mabilis na umiling. "S-Sabi ko nga, kakalma na ako." Nako. Ayoko na uling masampal. Ang sakit kaya. My precious cheeks huhuhu.

I heaved a sigh at sinimulang iproseso ang kanyang sinabi.

"Are you serious about that?" I asked. Mas maganda na yung sigurado.

"Of course I am! Ano ba sa tingin mo? You think, nagbibiro lang ako?" Balik-tanong nito sa akin at nagcrossed-arms pa.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Aish. Ang galing din ni Ella. Nagtatanong ako tapos magtatanong din sya. Pero atleast, nakuha ko naman yung sagot na hinahanap ko.

"But, is it really necessary na gawin natin yun? I mean, I'm not against with your suggestion pero kasi... Hindi ba parang nagpapadalos-dalos tayo?"

I don't know why pero yan ang pumasok sa isipan ko when I realized it. Just like what I said, hindi naman sa ayaw ko nung suwestyon nya.

Of course, hindi kami dapat magpadala sa emosyon namin dahil baka mamaya ay mas lalong lumalala ang sitwasyon. We need to be wise in making our move.

Pero kung yun talaga ang gusto ni Ella, edi dun na rin ako hihihi.

Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. I glanced at her. Mukhang malalim ang iniisip nya.

At eto naman si ako na parang nastarstruck sa kanya. Aish. Parang napako yung tingin ko. No words can describe how beautiful she is.

Sya na ang maswerte dahil ako ang naging baby nya. Duh. sa cute ko ba namang ito? Atsaka infairness ha, kering-keri ko sya minsan. Oo minsan lang.

I snapped into reality when I heard she heaved a sigh. A deep one.

"Is that what you think ,Erin?" Pagak syang napatawa. "Let's say na nasabi mo na sa parents mo yung kung ano mang namamagitan sa ating dalawa.... paano kung hindi nila tayo matanggap? Or worse, ipagpatuloy pa rin nila yung sa inyo ni Misty!"

"Paano naman yung mga babies natin?" Ramdam ko ang hinanakit sa kanyang boses. "Paano naman ako? Paano naman tayo, Erin?"

Kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha sa kanyang mata. Parang nanikip bigla ang aking dibdib dahil sa aking nakikita. It hurts. Pero alam kong mas nasasaktan si Ella ngayon.

I want to curse at myself. I'm really a jerk para paiyakin sya ng ganto. 

Napapikit ako nang mariin. Hindi ako nagdalawang-isip pa at muling niyakap sya. That's the time I know, she lost it.

Automatic na napakapit sya sa aking leeg na para bang ako ang pinagkukunan nya ng lakas. She's fragile right now.

Napagdesisyunan kong huwag na munang magsalita. Tanging hikbi ni Ella ang maririnig sa aking unit. Napakabigat ng atmospera sa aming dalawa.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon