Chapter 17

18.9K 790 161
                                    

Erin's PoV:

Tahol ng aking mga doggie ang syang naging dahilan kung bakit ako nagising. Unti-unti akong nagmulat ng mata at nakitang umaga na pala. Napatingin ako sa orasan. Past 8am na rin.

Mukhang napasarap ata ang tulog ko sa couch ah. Oo tama kayo nang pagkakabasa. Sa couch nga ako natulog. Tinotoo talaga ni Ella yung sinabi nya sa akin kagabi. Monster talaga sya.

Ang unfair ng wifey ko huhu.

Ni hindi ko nga alam kung bakit eh. Wala naman akong ginawang masama kagabi pero mainit pa rin ang ulo nya sa akin.

Siguro dahil yun sa sobrang kacute-an ko.

Dahan-dahan akong bumangon at pinakain sila Rain at Sky. Mukha atang gutom na sila. Awww... kawawa naman.

I quickly gave them their food and they started to eat while wiggling their tails. Ang cutie ng babies namin.

Speaking of, napatingin naman ako sa room namin ni Ella. Sarado pa rin ang pintuan. I guess, tulog pa rin sya hanggang ngayon.

Ihahakbang ko na sana ang aking isang paa nang makaramdam ako bigla ng pagkahilo. Mabuti na lang at nakakapit ako kaagad sa isang bagay.

Gosh. May hang-over ata ako sa kagabi ah. Pero sa pagkakatanda ko naman ay hindi masyadong hard ang mga ininom ko na drinks.

I shrugged and decided na uminom na lang ng gamot. Baka kasi mamaya, sumakit din yung ulo ko. Lagi kaming may nakahanda rito.

Gay Scout--- I mean, Girl Scout spotted.

Whem I'm done taking the medicine, I composed myself at nag-ayos na rin ng sarili. I also took a bath.

I decided na makichika na sa room namin. Dahan-dahan akong kumatok. Mas maganda na yung ganto. Para aware na rin sya.

Nakakailang katok na ako pero hindi nya pa rin binubuksan ang pintuan. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo.

What's wrong with her? Ganon na ba kalalim ang tulog ni Ella?

Chineck ko agad ang doorknob at nakahinga naman ako nang maluwag dahil napagtanto kong hindi ito nakalock. Hindi ako nagdalawang-isip na buksan na ito.

Napalinga-linga ako sa paligid. Mabuti naman at hindi nya ginulo yung mga gamit dito. Akala ko ay doon nya ibubunton yung inis nya.

Mas lalo akong napakunot-noo nang makita si Ella. Balot na balot sya ng comforter. I really wonder kung anong trip nya ngayon.

Agad akong nagpunta sa kanya. She's sleeping peacefully. Dahan-dahan kong tinapik ang kanyang pisngi.

"Oh my, ang init mo." Napaigtad ako bigla. Could it be na may sakit sya?

"I didn't know that you find me hot pala. But thanks, alam ko na yan." Ella said in her groggy voice. Does that mean kanina pa sya gising?

Napailing na lang ako sa kawalan. Ang hangin nya pa rin.

"Ugh. Bakit mo naman pinalakas yung aircon Erin? Gosh. It's so cold." I can feel that she shivers. Sobrang nilalamig nga sya.

"Hindi ko naman pinalakasan yung aircon." Pag-eexplain ko sa kanya.

I didn't think twice at pinatay na ang aircon. Baka mamaya, manginig na lang sa lamig ang isang 'to. Kawawa naman. Wala na akong makakasamang monster if ever man na mangyari yun.

Nakita kong unti-unti syang umupo sa may headboard ng bed. Agad kong sinapo ang kanyang ulo at leeg.

"Mygoodness. May sakit ka nga Ella." Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon