Chapter 7

21.8K 937 101
                                    

Erin's PoV:

Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing kong pagtulog nang makarinig ako ng langitngit na tunog. Nanggagaling yun sa may sala. Agad akong naging alerto dahil baka mamaya ay may nakapasok ng magnanakaw dito sa unit ko.

Nako, majojombag ko talaga yun kapag nagkataon. Hmp.

Wala pa naman ngayon ang dalawa kong doggie dahil inihatid ko sila sa pet shop para magpatrim ng mga hair nila. Bukas ko pa makukuha.

I was thinking what to do nang maalala ko na may kasama pala ako ngayon dito. I guess, sya yung nag-iingay.

Argh! That girl! Hindi man lang marunong makisama eh.

Nakakaasar naman oh. Ang sarap-sarap na ng tulog ko. Makikiss ko na si Levi eh. Tas biglang... Aish nvm. Ayokong mabad vibes dahil ang aga-aga pa.

I decided na ipikit muli ang aking mga mata at ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik ang antok ko. Why naman ganon?

Inis akong napamulat at napatingin sa orasan. It was quarter to 12 na. Pang-asar talaga kahit kelan si Ella. Ayaw nyanh patahimikin ang buhay ko.

Wait. What if hindi talaga si Ella yun? What if... may nakapasok na talagang magnanakaw dito sa condo?

Agad akong naging alerto at kumuha ng pang-attack slash pangdefend. Mas maganda na yung ganto.

I am ready. Gay-- este Girl Scout kasi ako hihihi.

I slowly make my way outside of my room. Patingkayad akong naglalakad habang pinapakiramdaman ang paligid. Hmm. So far so good naman ang surroundings.

I felt nervous nang may marinig akong parang may nagbukas ng kung anl. I composed myself first when I decided to check what's happening. Pumunta ako sa kusina dahil doon nagmumula ang tunog.

Keya mo yan Erin cutie.

Napahinga ako nang maluwag. Wala akong nakitang kahit ano. Pero infairness, ang weird naman non. Hindi naman mahangin dito.

Gosh. Baka nangyayari sa akin yung sa Ratatouille na mga daga ang gumagalaw ng gamit. Oh my, may future ata akong maging chef.

Pasipol-sipol pa akong naglalakad pabalik sa aking kwarto. Finally, hindi na ako dapat pang magworry sa kung saan.

Suddenly, nakita kong walang ano-anong nagbukas ang pintuan ng bathroom. Nanlaki bigla ang mata ko dahil isang dyosa--- este, isang monster ang lumabas.

Mommy!!!

"Anong tinitingin-tingin mo dyan huh?" Mataray na saad ni Ella sa akin. Yes, sya nga ang nakita ko. Nakita kong nakataas na ang kilay nya habang nakatingin.

I gulped at hindi ko maiwasang tignan sya.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong nya pang muli. I don't know why pero parang natuptop ko bigla ang aking bibig at hindi makapagsalita.

Fudgee bar! Relax self. She's in her towel and I can see some drops of water on her. Gosh. Ganyan ka rin naman diba?

"You pervert!" Nanggagalait saad ni Ella sa akin. Maybe napansin na nya ang tinitignan ko.

"S-Sorry naman Ella. Peace muna tayo." Nauutal kong asik at talagang nagpeace sign pa sa kanya. Pero parang hindi ito tumalab dahil nanatili pa rin ang pag-aalab ng kanyang mga mata.

"Ugh! Damn you Erin! Ngayon ka lang ba nakakakita ng nakatowel lang ha?" Singhal nya sa akin.

Automatic na naglihis ako ng tingin. Mygoodness, bakit pakiramdam ko ay nag-init bigla ang aking mga pisngi?

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon