Chapter 15

18.7K 833 175
                                    

Erin's PoV:

Isang tunog ang syang naging dahilan kung bakit ako nagising ngayon. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga cute na eyes. Gosh. Umaga na pala.

Chineck ko agad ang clock na nasa tabi ng bed. Ugh. It's already 10am. Mukha atang napasarap ang tulog ko ah. Mabuti na lang talaga at walang pasok ngayon. Hindi ako mag-aalala na malate.

Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang mayroon na naman akong narinig na isang tunog. Hmm... Ano naman kaya yun?

Baka naman si Monster lang yun at gumagawa ng mga ka-echosan nya sa buhay. Oo nga, pwede-pwede. May point ako doon.

I decided to just closed my eyes. Baka mamaya ay mawala na rin ang ingay na yun. Ang sarap pang matulog eh.

Patulog pa lang ako ngunit narinig ko na naman ang tunog na yun. I groaned. Mukha atang ayaw na akong patulugin. Eto na ang sign.

Napabuntong-hininga na lang ako sa kawalan. Kahit tinatamad, kailangan kong bumangon para icheck kung ano o sino yun.

I was about to stand up nang maramdaman kong may isang pares ng kamay ang nakalingkis sa aking bewang. Agad kong tinignan ang nagmamay-ari non. Hindi ko maiwasang magulat.

It was Ella, the monster and she's peacefully sleeping. Kung titignan sa gantong sitwasyon, ang bait-bait nya. Yung tipong parang hindi makabasag pinggan.

Totoo nga yung kasabihan na 'don't judge a book by its cover'. Saktong-sakto sa kanya eh.

Hmm... Tulog naman sya diba? Might as well, pagmasdan ko na rin ang features nya.

I can't deny na may itsura si Ella. Oh scratch that, maganda talaga sya. Kaya nga siguro maraming nagkakagusto at nagkakacrush sa kanya kahit na napakasungit nya.

Pero why naman ganon? Sinubukan kong hanapan sya ng pangit na anggulo pero wala akong nahanap. Ang unfair.

Siguro nung nagpaulan ng kagandahan si Lord, marami syang nasalo. I guess, tulog ako non kaya tira-tira na lang ang nakuha ko. In short, kacute-an ang nasalo ko.

Napailing na lang ako sa kawalan at dahan-dahang tinanggal ang pagkakalingkis ng kanyang kamay sa aking bewang.

Oops. Konti na lang talaga.

"Where are you going hmm?" Nagitla ako bigla nang marinig ko syang magsalita.

Gosh. Hindi ko alam na may pagka-ninja pala ang isang 'to. Ang lakas ng pakiramdam. Pero infairness, ang husky ng boses nya ha.

I took a glance at her. Nakapikit pa rin naman ang mga mata nya. Nakakapagtaka. Nagiisleep-talk ba sya?

"Tinatanong kita Erin. Now, answer me." At nilingkis muli ang kanyang kamay sa aking bewang. I gulped. Oh shoot. Hindi nga tulog.

Hay nako. Mukha atang may tama pa si Ella hanggang ngayon ah. Kakaiba kasi sya.

"Ichecheck ko lang kung ano o sino yun. Don't worry, babalik din ako dito."

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Instead, naramdaman ko na lang na unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin.

Napangiti ako bigla. I quickly kissed her forehead bago tuluyang lumabas ng room namin.

I groaned. Gosh, hindi pa rin tumitigil yung nagdodoorbell. Yup, yun pala yung naririnig kong ingay mula kanina pa. Infairness, ang consistent naman non. Hindi man lang napagod.

Hindi ako nagdalawang-isip na buksan ang pintuan. Nanlaki bigla ang aking mata nang makita kung sino yun.

"M-Mom ikaw pala yan."

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon