Chapter 21

18.4K 760 361
                                    

Erin's PoV:

Panaka-nakang sinusulyapan ko si Ella. Of course, palihim lang. Baka mamaya, may masabi pa syanh iba kapag masyadong halata.

Hindi ko maiwasang magtaka nang nakitang nakakunot-noo na naman sya. Hindi rin maipinta ang kanyang mukha habang nakacrossed ang dalawa nyang kamay.

Hay nako. Minsan talaga ay hindi ko sya maintindihan. Parang wala akong araw na nakita syang hinding naging dragon o monster. Kasama na ata yun sa daily routine nya. Hindi nawawala eh.

I just shrugged at itinuon na lang ang aking atensyon sa aking cellphone. We're here in the couch, sitting. Mayroon namang distansya sa pagitan namin.

Well, weekends naman ngayon kaya wala kaming ginagawa ni Ella.

Magfefacebook na nga lang ako. Tutal, tinatamad na akong maglaro. Sa susunod na lang uli. Makikichika muna ako sa paligid.

Mas maganda kung laging updated ka. Tulad nitong nabasa ko. Mukha atang nag-aaway yung dalawang magjowa na kakilala ko. Nagpaparinigan kasi.

I was busy scrolling the comment section when I felt something was placed on my lap. Gosh. Ano naman kaya yun?

Automatic na nagbaling ako ng tingin at nakitang legs pala yun ni Ella. I glanced at her. Diretso pa rin syang nakatingin sa kawalan at parang napakalalim ng kanyang iniisip.

Our skin are touching and trust me, parang nakuryente ako bigla.

I heaved a sigh at hinayaan na lang ang legs nyang nakapatong sa akin. Siguro ay isa yun sa mga mannerism nya.

I decided na ipagpatuloy na lang anv ginagawa ko. Gosh. Infairness, ang intense na ng away nung magjowa ha.

Wala pang ilang minuto ang nakakalipas nang maramdaman kong may kumalabit sa akin. Mabilis akong napalinga-linga sa paligid.

Pakiramdam ko'y namutla ako bigla nang mapagtantong wala pala kaming kasama ni Ella rito. Imposible namang sya yun dahil malalim pa rin ang iniisip nito.

Nahintakutan ako bigla. Mygoodness. Paano kung multo pala yun? Pero wait lang. Baka naman gusto lang makipaglaro nung ghost na yun sa cute na katulad ko. Oo nga, ganon nga. Ang brilliant ko talaga.

I glanced at Ella. I faked a cough to catch her attention at nagtugampay naman ako. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"What do you want?" Nakakunot-noo nitong tanong sa akin.

"I just want to ask kung bakit laging masama ang timpla mo. Tulad ngayon, nakasimangot ka na naman."

Mukha atang hindi inie-expect ni Ella yun dahil rumehistro ang panandaliang gulat sa kanya. Matalim nya akong inirapan afterwards.

Hmp. Parang nagsasabi lang naman ng totoo.

"Ano bang paki mo? Tss." Masungit nitong saad at humalukipkip pa.

I heaved a sigh. Mukha atang wala sa mood si Ella ngayon ah. Ayoko na nga muna syang kulitin. Alam kong anytime ay magtatransform na sya bilang dragon at ayaw kong mabugahan ng galit nya.

I averted my attention back again to my cellphone. Tamang scroll-scroll lang uli. Suddenly, I received a message from Misty through Messenger.

Agad kong pinindot ang chat heads.

Misty:

Hi CutieErin!

Gosh. Bet ko na talaga sya. Tinawag nya akong cutie hihihi... Friend na talaga kami. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na nireplyan sya.

Misty:

Are you up for today? Yayayain sana kita. May gagawin ka ba ngayon?

Hmm... Napaisip naman ako. Free ako ngayon dahil kanina pa nga ako walang matinong ginagawa. Might as well, sumama na lang uli sa kanya. Yey! Gagala na naman ako.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon