Chapter 24

15.8K 738 256
                                    

Erin's PoV:

"Erin.." Narinig kong turan ni Ella. Napatingin naman ako sa kanya bigla. "Yes, Wifey ko?"

"Am I gorgeous?"

My eyes widen in shock. Gosh. Parang masasamid ata ako sa tanong ni Ella ha. Why so sudden naman kaya na natanong nya yun? Nakakapagtaka kasi.

Minsan talaga ang hirap nyang intindihin. Mabuti na lang at cute ako, kayang-kaya ko syang tiisin.

Napaisip naman ako ng mga 2-3 seconds. "Hmm... Pwede na." At humalumbaba pa.

Nakita kong nagsalubong bigla ang kanyang kilay while me, hindi ko maiwasang mapakunot-noo. What's wrong with her?

"What? Bakit pwede lang ha?" She said at pinaulanan ako ng masasamang tingin.

I shrugged. "You asked me a question tapos sinagot ko naman."

After I said that, narinig kong nagsimula na syang maghurumentado. Napailing na lang ako sa kawalan. Ewan ko ba sa isang ito at ang lakas-lakas ng trip ngayong araw.

Maybe, may nangyari kanina sa class ni Ella kaya ganto sya. Kumbaga, sa akin nya ibinubuntong ang kanyang inis.

"Argh! Really? Sa gorgeous kong face na ito? Pwede lang ang isasagot mo? Tss. Nakakaasar..."

Hinayaan ko na lang muna syang magtatantrums dyan sa tabi ko. Well, itinuon ko na ang aking atensyon sa cellphone ko at nagsimula nang maglaro.

Konting kembot na lang talaga at mag-lelegendary na ako. Hmp.

I quickly jolted in joy nang makitang nanalo kami. Mygosh. Konting konti na lang talaga sya hihihi.

"Finally. Natapos na rin yang nilalaro mo."

Automatic na napaangat ako ng tingin and there, I met Ella's gaze. Magkasalubong pa rin ang dalawa nyang kilay.

"Now, sa akin na ba ang lahat ng attention mo?" Masungit nitong turan at nagcrossed-arms pa talaga.

"What's wrong with you wifey ko?" Natatawang saad sa kanya.

Automatic na nakatanggap ako malakas na hampas sa kanya. Aww. Parang nagtatanong lang naman eh hmp.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo Erin ha." I chuckled because of that. Dahan-dahan kong inilagay ang aking kamay sa kanyang bewang at hinapit sya papalapit sa akin.

"Oo nga po. Wala naman akong sinabing nakikipagbiruan ako sayo." I said but she just hissed. Ang weird naman.

"Ano problema at hindi na naman maipinta ang mukha mo, Wifey ko?" Malambing kong saad sa kanya. Nakita kong sandaling natigilian sya bigla. Uh-oh.

"Argh! Hindi ka ba nagagandahan sa asawa mo?"

I giggled. Dahil pa rin pala to sa kanina. "Baby, you're wrong. My wife is one of the gorgeous woman I met in my life."

"Sino naman yung iba ha?" Mataray nitong tanong. "Si Mom kasi yung isa."

Nakita kong napakagat-labi sya bigla na para bang pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. "Tss. Baka mamaya ine-echos mo lang ako ha."

"I swear Ella, I'm telling the truth." Pag-amin ko pa. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

I heaved a sigh. "Bakit ba lagi mo na lang akong inaaway?" I asked.

Hmp. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginagawa sa kanya. Tapos lagi nya pa rin akong inaaway. Kawawa naman ang cute na si ako kay wifey ko.

Nakita kong napataas-kilay sya bigla. "Kung gusto mo, palit tayo. Ikaw naman yung mang-aaway."

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon