Chapter 14

19.7K 841 141
                                    

Ella's PoV:

Talagang pinapainit ng Hailey na yun ang dugo ko. Argh. Nakakainis. Lagi na lang ume-extra sa amin ni Erin.

Tss. Akala nga siguro, hindi ko napapansin ang mga pasimple nyang ginagawa sa wifey ko.

Isa pa yun. At talagang pinapatulan nya si Hailey witchy. Ang sarap nilang pag-untugin.

I hope na hindi na sila muling pagtagpuin pa ni Destiny at baka kung ano pang magawa ko sa kanila.

I composed myself. Hindi ko na dapat pa sila iniisip. Baka mamaya, masira ang beauty ko. Sayang naman kapag nagkataon.

Napatawa naman ako bigla sa aking naisip. Kelan nga ba nasira ang ganda ko? Never palang nangyari yun.

Nope. I'm not boastful. Nagsasabi lang ng totoo. Sana kayo rin.

Erin's PoV:

*Blag*

Nagitla ako bigla nang marinig at makitang malakas na binuksan ni Ella ang pintuan.

Fudgee bar! Ano na naman kayang trip nya sa buhay?

Gosh. Iiwasan ko na nga ang pagkakape nitong mga susunod na araw nang hindi ako madaling magulat. Baka atakihin ako bigla. Mahirap na. Mawawalan pa ng isang cute na nilalang dito sa mundo. For sure malulungkot si monster non.

Hindi ko maiwasang magtaka habang tinitignan si Ella. As usual, magkasalubong na naman ang dalawa nyang kilay. At parang nanggigigil sya?

Don't tell me, ako ang pinanggigilan nya? Ang cute ko kasi.

Kidding aside. I decided na tanungin sya. "Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa dyan sa reaksyon mo?" Natatawa kong asik.

Marahang bumaling sya sa akin. "Shut up! Baka gusto mong makatikim ng sapok." At pinaulanan ako ng masasamang tingin.

"Badtrip ako ngayon. Tamang-tama dahil naghahanap ako ngayon ng punching bag." Dagdag pa nga.

I gulped. Hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi nya. What if totohanin nya yun?

"W-Wag naman Ella. Bati naman tayo diba?" Kinakabahan kong saad sa kanya at nagpeace sign pa talaga. Tinatanya ko kung magbabago ba ang expression nya ngunit hindi. Nanatili lamang ito.

I gulped. "Kung gusto mo, sasamahan na lang kita sa gym. Maraming punching bag don. Yon na lang gamitin mo." Suwestyon ko sa kanya nang bigla sumagi ito sa aking isipan.

Whoo! Ang brilliant mo talaga Erin.

"Why would I? Tutal andito ka namam na diba? Bakit kailangan mo pang maghanap ng iba?" Mabilis nyang turan.

Napakagat-labi ako bigla. Gosh. Ako lang ba pero parang may ibang meaning yung sinabi nya?

Ugh! Erin hindi ka dapat nag-iisip ng ganyang bagay sa gantong sitwasyon. Mamaya mo na pairalin ang kaharutan mo self.

"Sayang naman yung cute kong mukha kung gagawin mo lang na pun---" Hindi ko na natapos ang dapat kong sassbihin nang isang kamao ang naramdaman kong dumapo sa aking mukha.

Wala na finish na. Sinapok na nya ako huhuhu...

Napadaing naman ako bigla. "Napaka sadista mo talaga Ella. Monster ka nga talaga. Bagay na bagay sayo." Saad ko sa kanya habang hinimas-himas ang aking pisngi.

Gosh. Ang sakit. Ganon ba talaga sya kabadtrip ngayong araw at sa akin nya lahat ibinubuntong?

Nakita kong napairap sya bigla. Ano bang nangyari sa isang ito?

"Tss. Serves your right. Nakaganti na rin ako sayo. Walang-wala pa yan sa naramdaman ko dahil sayo. Argh!" Nangigigil nyang saad sa akin. Napakunot-noo naman ako.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon