Chapter 1

50K 1.3K 394
                                    

Erin's PoV:

It's Saturday today and I decided na magpunta na lang sa pinakamalapit na mall. Alam nyo kung bakit? Kasi pwet nyo may rocket. Joke lang po hihihi. Alam kong corny pero hayaan nyo na.

Pauubos na rin kasi ang pinakamamahal kong pagkain. Ang *chereeennn* pringles. Favorite ko talaga yun guys. Super. Siguro, hindi ko kayang mabuhay nang hindi nakakakain non.

'Luh. Nahiya naman yung oxygen at tubig sayo diba.' Pagsabat ng aking echuserang mind.

Bakit ka bigla-biglang umeepal brain huhuhu? Basag-trip ka talaga eh. Hindi tayo bati nyan bleh!

Oo nga pala. Nakalimutan kong magpakilala sa inyo. Ako nga pala si Erin Ysha Oizuma. May lahi po akong Japanese dahil sa dad ko.

Pansin nyo siguro na hindi ko masyadong ginagamit yung name na 'Ysha' noh? Wala lang, ayaw ko lang. Mas gusto ko kasing tinatawag ako as Erin or mas better kung Erin cutie. I'm currently studying in Sarxel University. Okay na siguro yang mga info about me.

Nagbago na pala ang isip ko. I decided na sa ibang mall na lang pumunta. Yung medyo malayo-layo para makagala rin ako. You know guys, I'm the adventurous type of person. Para may thrill sa buhay.

Well actually, hindi ako nag-iisa because andyan si Xyzrielle at Margarette. Si Xyzrielle po ang Dora, Si Margarette ang Diego at ako naman si Boots. Parang ang saklap nung sa akin. Ganon na ba ako ka cute para maging unggoy?

With my age, I'm currently living on my own. Syempre with the help of my parents pa rin. What I mean is yung may sarili na akong condo. Gift yun sa akin ni Mom nung nagbirthday ako. Hindi ko na matandaan kung ilang taon ako non.

Anyways, gusto ko rin kasing maging independent. I taught myself how to cook. Alam ko rin ang mga gawaing-bahay except sa paglalaba. Nagpapalaundry na lang ako sa mga damit ko.

I have two dogs nga pala. Isang golden retriever at yung isa naman ay shiba inu. Ang cute diba? Sila yung kasama ko rito sa unit ko. Okay na ako sa kanila.

Nakarating na kaagad ako sa aking pupuntahan. Marami-rami rin ang taong naririto. I guess, sikat tong mall na ito kaya marami ang nagpupunta. Karamihan ay mga magjowa. Ang alam ko ay malayo pa naman ang February ah.

Nbsb din pala ako guys. Hindi ko pa kasi nararamdaman yung tinatawag nilang spark. Yung tipong makukuryente ako. Char lang.

Ang unang-unang pinuntahan ko ay ang grocery store. Syempre nandon yung kailangan ko eh. Agad kong hinanap kung nasaan nakapwesto ang pringles. Naka ilang ikot pa ako pero hindi ko talaga mahagilap sila huhuhu.

Halos nanlumo ako dahil sa nangyari. Ano ba namang mall to? Ang laki-laki pero walang tindang pringles hmp.

Papunta na sana ako sa exit when I saw a man. Mukhang dito sya nagtatrabaho. I guess, wala naman sigurong masama kung magtatanong ako diba?

"Uh Mister?" Pagtawag-pansin ko sa kanya. Nakita kong humarap naman sya sa akin. Napatulala sya ng ilang saglit ngunit maya-maya rin ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Yes, Ma'am Angel-- este what can I do for you Ma'am?"

"Asan po ba naka pwesto yung mga pringles?" Nahihiya kong tanong.

"Ahm... Ma'am doon po sa may bandang dulo." He said at itinuro sa akin ang direksyon.

Napahinga naman ako nang maluwag. Whoooo! Akala ko wala silang pringles eh. Sayang naman yung punta ko rito kung ganon. Kaya pala hindi ko makita dahil nasa may bandang dulo pala. Ayaw atang magpahanap sa akin hmp.

Dali-dali akong naglakad at halos magningning ang aking mga mata sa aking nakikita. Waaahhh! Finally! Ngunit agad din iyong nawala dahil iisa na lang ang natitirang sour and cream na flavor.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon