Chapter 16

18.8K 778 147
                                    

Ella's PoV:

"You sure na pupunta ka ng party?" Tanong sa akin ni Erin. "Wala ka bang gagawin ngayon? You know, school stuffs?" Dagdag pa nya.

I groaned. "Argh! Ang kulit. Wala na nga akong gagawin at pupunta ako sa party. Bakit ba panay ang tanong ha?" Hindi ko maiwasang magtaray sa kanya.

Tss. Ang kulit kasi. Paulit-ulit ang tanong. Unli ba sya ngayon ha? Tampalin ko yang bibig nya.

"Sorry naman. Naninigurado lang." She said at nagpeace-sign pa talaga. Napairap na lang ako sa kawalan.

I really wonder kung bakit panay ang tanong nya sa akin. Hmm... Ang weird lang kasi. Akala nya siguro hindi ko napapansin yun. Something is wrong and I'm sure malalaman ko rin yun later on.

Matamang pinasadahan ko sya ng tingin. Dahan-dahan kong inilapit ang aking sarili sa kanya.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" J saw how she gulped and by that, masasabi kong kinakabahan na sya. Tama nga ako.

"A-Ano... Wala naman. Bakit mo naman naitanong?" Turan nya sa akin but of course, hindi ako maniniwala sa sinabi nya. Duh.

"Nothing. You look so suspicious kasi." Narinig kong natawa naman sya bigla. Hindi ko maiwasang mapataas-kilay.

Anong nakakatawa? "Nagjoke ba ako ha?" I said to her. Nakita kong natigilan sya.

"Pfft-- Wala, wala. Wag mo nang isipin pa yun." Sagot nya sa akin. Tsk. Talaga lang ha? "Halika na nga dito, Wifey ko. Let's take a nap muna. Mamaya pa naman yung party eh."

Gosh. She called me again with that 'wifey ko'. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. But I find it sweet though.

Argh. Hindi dapat ganon Ella! Erase, erase, erase.

Hindi pa ako nakakaalma nang maramdaman ko na lang na hinigit na nya ako papunta sa room naming dalawa.

Ugh. The nerve of this girl.

"Y-Yah Erin, stop. Hindi pa nga natin nagagawa yung routine natin." I said to her. Nakita kong tumigil nga sya bigla at nagbaling ng tingin sa akin.

Of course, hinding hindi ko makakalimutan yun.

Nakita kong napakunot-noo sya bigla. "Why? Gusto mo ba ng kiss? Sa susunod na lang yung hug."

Natampal ko bigla ang kamay ni Erin dahil sa sinabi nya. Gosh. I didn't know na may pagka straightforward din pala sya. Argh.

Pero mygoodness. May sense naman ang sinabi nya.

"I... Ahm... Slight lang." Atsaka nag-iwas ng tingin. Fuck. I feel embarrassed. Nakakahiya. Ano bang ginagawa mo sa akin Erin?

I said slight lang. Duh. Hindi ko sasabihin na bet na bet ko yun. Pabebe na muna ako sa ngayon. Hindi ko muna lulubus-lubusin.

Isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking pisngi. Dahan-dahang dumampi ang kanyang labi sa akin. It's so soft.

Bumilis bigla ang pagkabog ng dibdib ko. Shit. Here we go again. Isama mo na rin yung feeling na hindi ko maexplain. Ang weird.

Hindi pa ako nakakapagreact nang magbawi at lumayo na rin sya agad. Napasimangot ako. Tsk. Bakit ang bilis naman? Hindi ko pa nga naeenjoy.

"Why? What's wrong? Tama naman diba?" Nagtatakang tanong ni Erin. Maybe, nakita na nya ang naging reaksyon ko.

Napahalukipkip ako bigla. "Bakit kasi ang bilis naman? Tsk. Isa pa nga. Let me enjoy it."

I heard she giggled suddenly.

"Akala ko naman kung ano na." She said. Napairap na lang ako sa kawalan at agad na syang hinila para halikan.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon