Chapter 13

19.6K 826 70
                                    

Erin's PoV:

"Ella let's go." Saad ko kay monster na busy ngayon kakanood ng TV at nakade-kwatro pa talaga. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Huy Ella, tara na kasi." Ngunit katulad din ng kanina ay hindi nya ako pinansin. Ay hindi pala, medyo upgraded ngayon dahil tinapunan nya ako ng tingin atsaka bumalik sa panonood.

Napanguso na lang ako bigla. Ini-ignore ng witch na ito ang isang katulad ko huhuhu. Hindi makatarungan yon!

"Tara na kasi. Maggrocery na tayo ngayon." Pangungulit ko pa sa kanya. Matatalim na tingin ang nakita kong ibinibigay nya sa akin.

"Argh. Hindi ba pwedeng bukas na lang ha? Busy ako ngayon." Masungit nyang saad sa akin. Eh? Nanonood lang naman sya ng TV. Hmp.

"Dali na. Para makabili na rin tayo ng Pringles." Ilang araw na kasi akong nagcecrave sa ganon. Naubos yung stocks ko.

Miss ko nang kumain ng Pringles. As in, super miss ko na talaga.

I heard Ella groaned. "Ugh. Wag mo ngang gamitin sa akin yan!" Asik nya sa akin. Hmp. If I know, parehas lang kami ng nararamdaman. Well, di ba nga favorite namin yun?

I glanced at her at talagang super na super ang pagpapacute ko sa kanya. Baka madala ko sa ganto. But to my dismay, matalim na irap lang ang natanggap ko mula sa kanya.

Napasapo na lang ako sa aking sarili. Mukhang hindi ko talaga makukumbinsi na sumama sa akin si Ella ah. Kahit ano pang pamimilit ang gawin ko.

Suddenly, I heard a rang on my phone. Napakunot-noo naman ako. Bakit naman kaya tumatawag si Hailey? Oo nga pala, may number na kami ng isa't isa.

Agad kong pinress ang accept button.

"Hello Hailey."

[Hi Erin! Sana hindi ako nakakaistorbo.] Magiliw na saad nya sa kabilang linya. Hindi ko maiwasang mapatawa.

"Ano ka ba... Hindi noh." Saad ko sa kanya. Napunta bigla ang tingin ko kay monster. Nakataas na ang isa nyang kilay habang diretsong nakatingin sa akin.

I just shrugged. Ano na naman bang trip nya?

[Yayayain sana kita ngayong umalis. Kung pwede ka.]

Pakiramdam ko'y nagningning bigla ang aking mata dahil sa aking narinig.

Gosh. Nakakaexcite naman yun. Pwedeng pwede na ako agad sa offer nya. Mahilig pa naman akong maggala.

Ngunit lahat ng excitement ko sa katawan ay nawala nang maalala ko ang gagawin ko ngayon. Mygoodness. Why naman ganon?

"Sorry Hailey. Kahit gusto ko ay hindi pwede. Maggogrocery pa kasi ako ngayon eh." Malungkot kong turan sa kabilang linya. Hay nako. Nakakalungkot talaga. Sa susunod na lang siguro.

I heard she chuckled. [Silly. That's easy! Edi sasama na lang ako sa'yo ngayon. Kung okay lang?]

Mygoodness. Bakit hindi ko man lang naisip yun? Ang galing talaga ni Hailey kahit kelan. Ang lawak nyang mag-isip.

"Sure. Tamang-tama at wala akong kasama. Thank you so much Hailey." Energetic kong saad. Maya maya pa ay in-end na rin namin ang call.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Yey! May kasama na ako mamaya. Mas masaya talaga kapag ganon. Hindi ko na kailangan pang kulitin si Ella monster.

Speaking of her, nakita kong tumayo sya bigla at walang pasintabing pumasok sa walk-in closet namin.

Nakakapagtaka naman. Ang hirap talaga nyang basahin kahit kelan. Mukha atang may biglaan syang lakad. Oh well, dapat hindi ko na sya pakielaman pa dahil kasama yun sa rules namin.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon