Disturbance
"Super... close friends?" Naguguluhang tanong niya at seryosong nakatingin sa akin.
I just nodded and then I smiled.
"Oo. Nagkakilala tayo sa isla three years ago." Malumanay kong sambit at pilit na pinapakalma ang boses upang hindi ito mabasag.
He also just nodded, still confused.
"We were a thing back then—" Napahinto ako nang bigla siyang napahawak sa kanyang ulo.
Pain and frustration was very evident on him. Bigla akong kinabahan at napatayo bigla at pumunta sa harapan niya.
"Are you fine? Should I call a doctor?" Nanginginig ang kamay kong hawakan ang balikat niya para pakalmahin siya.
"Ahh!" He shouted in pain.
Pain and fear was the only thing that I felt. I called Tita Diana about his situation.
Ipinadala ko siya sa infirmary ng company namin para makapagpahinga. Nakahiga na siya sa kama habang nakaupo ako sa may dulo ng kama.
He was awake but he is closing his eyes. Nakakunot ang kanyang noo at umiigting ang panga habang nakapikit.
"What are you feeling now? Masakit pa ba ang ulo mo?" Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko siya pero pinilit kong huwag ipahalata.
"I saw you again. You were laughing, along the shore." Mahinang sabi niya habang nakapikit pa rin.
Kinabahan ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Does he remember everything about me now? About his past?
"You were laughing... with me." Pagpapatuloy niya nang nakapikit pa rin.
Sinamantala ko ang pagkakataon na pahiran ang luhang lumalandas sa aking pisngi. Kahit anong pigil kong hindi umiyak, hindi ko kaya.
Nasasaktan ako pero may lugar sa puso ko na masaya. Nasasaktan ako dahil wala siyang maalala pero masaya ako dahil kahit ganito ang sitwasyon niya ngayon, hindi pa rin pala niya ako tuluyang nakakalimutan.
Posible pala talaga no? Ang makaramdam ng sakit at saya sa isang tao—sa taong pinakamamahal mo—sa taong pinakamamahal ko.
"I was hugging you in that memory. I don't know why but why do I feel like there is something wrong?" Seryosong tanong niya at umupo na ng maayos sa kama.
Nakayuko lang ako at hindi mapakaling pinaglalaruan ang mga kamay ko. Umiiyak ako at hindi ko kayang makita ang kanyang mga mata at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"Am I in with love you? Do I love you before?" Pain and frustration is now evident on him.
Gusto ko ng sabihin sa kanya ang katotohan at kalimutan na lang ang lahat ng mga tao sa paligid namin pero hindi ko kaya.
I am not that selfish to only think of myself. I love him and I will never do such things that could harm him.
Maghihintay ako sa tamang panahon.
With no inhibitions, iniangat ko ang aking mukha para matitigan siya ng tuluyan.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago ko pinahiran ang mga luha sa aking pisngi.
Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng infirmary.
It was Tita Diana... with Amanda. Parehong nag-aalala ang mga mukha ng pumasok sa silid.
Tumayo ako at binigyan ng maliit na ngiti ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Rad bago ako tuluyang lumabas ng infirmary.
And right after I closed the door, I started crying again—never minding the people stare's around me.
YOU ARE READING
Along the Shore (Samal Island Series #1: COMPLETED)
General FictionSAMAL ISLAND SERIES #1. Mariana Emily Conciagra is an only child and is living her daydream. Like a princess whom living her life with no doubts and worries. No sadness nor sorrows can intervene with the happiness and contentment that she's feeling...