CHAPTER 7: Boner

86 14 2
                                    

Boner

Alas otso na ng gabi nang umuwi si Rad. We just talked about some random things and we always ended up kissing. I hate to admit it but I am addicted to his kisses already.

Rad... what did you do to me?

Dumirecho ako ng kusina nang umuwi na si Rad para makainom ng tubig bago umakyat ng kwarto.

Nadatnan ko si Manang Seda na patapos na sa paglilinis at ibinaling niya ang tingin sa akin at huminto sa kanyang ginagawa.

I was about to open the fridge when Manang suddenly talk that made me stop.

"Sigurado ka na ba, Mariana?" May pag-aalinlangan niyang tanong.

I wrinkled my forehead as I glanced at her, confused with her sudden question.

"Po?" Naguguluhang tanong ko.

She smiled.

"Si Rad... sigurado ka na ba? Mabait naman 'yon. Yun nga lang mapaglaro sa mga babae. Matinik 'yon sa mga chix dito sa isla kahit ang mga turista ay nabibighani sa kanyang tikas kasi nga gwapo, manang mana kay Arthuro. Baka magsisi ka lang. Kaya sigurado ka na ba?"

Nag-isip ako saglit bago binalingan si Manang na kuryosong naghihintay sa aking isasagot.

I smiled at her.

"Manang, hindi pa naman ako magpapakasal. Kayo naman, ang seryoso niyo." Natatawang sabi ko habang umiinom ng tubig, kinakabahan.

"Sinasabi ko lang, Mariana. Alam ko namang matalino ka pero sana huwag kang magpapakabobo sa pag-ibig. Bata ka pa." Nakangiting sabi ni Manang habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa kanina.

Hindi ako sumagot at umupo na lang sa upuan ng aming dining table at pumangalumbaba habang iniisip ang lahat ng sinabi ni Manang.

Alam ko namang playboy at matinik si Rad sa mga babae pero hindi naman siguro siya mangangaliwa sa akin diba?

Kung dadating man ang araw na 'yon, papakawalan ko siya nang buong-buo. I'll set him free. I'll probably be in pain for letting him go but if happy is her, I'm happy for him. I will be happy for them.

Hindi ako magpapaka-martyr at lalong hindi ko ipagpipilitan ang sarili sa taong hindi naman ako ang kailangan. What's the point of staying, then?

Kung makakahanap man siya ng ibang magugustuhan, buong puso ko siyang pakakawalan. Anong silbi kung mananatili siya sa piling ko ngunit iba naman ang tinitibok ng puso nito?

Magpaparaya ako kahit masakit.

I sighed heavily because of the thoughts that keep on boggling my mind. Hindi pa nga kami nag-iisang araw na magkasintahan, ang dami ko ng iniisip na masama.

I should loosen up and set aside those negative things. I don't want it to eat me up. Dapat happy lang and we shouldn't let other people dictate us on what to do.

It's our life and it is definitely our choices.

Sa sobrang lalim at dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan na wala na si Manang sa harapan ko.

Umakyat na lang ako at dumirecho sa aking kwarto. I took a bath again, blow dried my hair and wore my sleep wear before going to bed. Hindi pa naman ako inaantok.

I stared at my ceiling for a while when suddenly my phone rang.

Fuego is calling...

I smiled widely before answering his call.

Along the Shore (Samal Island Series #1: COMPLETED)Where stories live. Discover now