Fuego
Ano daw? May ibinulong ba siya? I'm not sure. Ipinagkibit balikat ko na lang. Baka guni-guni ko lang 'yon.
It's been two weeks since my summer in this island started. Dalawang linggo na rin ang nakalilipas simula nang nakilala ko si Rad. He's not bad at all. Ang pangit lang talaga nung first meet up namin.
I accused him for being a pervert when he's just helping me. But you can't blame me, though. Wala naman akong alam sa mga ganoong bagay.
Humingi na naman siya ng tawad. At sino naman ako para hindi siya patawarin? He's forgiven, I think. Nakakahiya lang sa tuwing naalala ko ang pangyayaring 'yon.
It's been also weeks with these dorks of friends. Hindi naman ako nabobored kasi nandito naman ang dalawa. Mabuti na lang rin at masaya naman sila dito. Well, V loves beaching while Naomi loves hanging out with boys.
We just usually roamed along the shore. Minsan naghahanap kami ng mga maliliit na kabibe at tinitipon.
At kada hapon naman naliligo kami ng dagat hindi kalayuan sa may dalampasigan ng aming rest house.At ngayon, gumagawa kami ng sand castle. Pagod na sa kakalangoy ng dagat kanina at napagpasyahan na mag pahinga muna.
"Where's Naomi?" Tanong ni V habang tinatapos ang pag-aayos ng tuktok ng aming sand castle.
Umiinom lang ako ng fruit shake na inihanda ni Manang Seda habang tinitingnan si Naomi hindi kalayuan sa amin, may kausap na foreigner.
"She's with her new catch again." Sabi ko at umiling na lang.
V glanced at her and sighed.
"In fairness, hindi nag halikan ngayon." Sabi niya habang tumatango. Nasanay na kami sa tuwing may lalake si Naomi, she's a living boy magnet, after all.
"By the way, Dad called me earlier. Baka hindi pa siya makakabalik dito. May bago kasing investment sa company and I think it's from dela Vega Corp. and nasabi rin ni Dad na baka ipagbili niya kay Tito Benedict ang 8% stocks ng shipping line, may problema yata." Sabi ko habang pinaglalaruan ang buhangin sa may paanan ko.
"Really? So that means, the great Arellano dela Vega will be happy. Baliw pa naman sayo 'yon or maybe he forced his parents to invest on yours? But I don't think Tito Elmer will allow it if that's the case, though." Sabi niya habang nagpapagpag ng buhangin sa kamay.
"And surely Dad will buy that stocks kahit 8% lang. Matagal na kasi 'yong may plano. He's just waiting for Tito Elmer to offer." Pagpatuloy niya habang tumatabi sa akin.
"I don't think Arellano is involved with this. Alam mo naman si Dad, he doesn't gamble when he thinks it's not a sure win." Sabi ko habang nagmamasid sa mga turista sa kabilang dako ng dalampasigan.
"I'm happy that Tito will finally buy that stocks. For sure it's a great start for your new shipping line. Baka ten years from now, it will gonna be the number one shipping line in the country." Sabi ko habang tinutukso si V.
"I know right? But I really want to operate the company in the future. Pero alam mo naman diba? Dad doesn't want me to be involved in the business world. Baka sa Hacienda Javier lang ako all my life until I get old." Sabi niya at umirap habang sinisipa ang nabuo naming sand castle.
Nag-usap lang kami hanggang sa lumapit si Naomi sa aming kinaroroonan. Ang laki ng ngisi ng bruha. Naka jackpot yata ng boylet?
"Mauna na 'ko ha? May lakad ako mamaya eh." Ani Naomi habang kumikindat at nag flying kiss pa ang bruha bago tuluyang umalis.
"Wag kang bibigay ha? Kiss lang! Papatayin talaga kita." Sigaw ko sa kanya at tumawa na lang kami.
Napagpasyahan naming sumisid muna sa dagat saglit bago tuluyang umahon at umuwi. Nagsasabuyan kami ni V ng bigla siyang tinawag ni Ate Sabel.
YOU ARE READING
Along the Shore (Samal Island Series #1: COMPLETED)
Ficción GeneralSAMAL ISLAND SERIES #1. Mariana Emily Conciagra is an only child and is living her daydream. Like a princess whom living her life with no doubts and worries. No sadness nor sorrows can intervene with the happiness and contentment that she's feeling...