Friends
"She loves him, Marem. She loves Rad... at mahal na mahal din ito ni Rad."
Tatlong linggo na ang nakalipas at lahat lahat pero hindi pa rin maiwaglit ng isip at puso ko ang mga salitang binitiwan ni Tita Diana sa akin.
Kung mahal ito ni Rad, paano naman ako? Mahal din naman niya ako 'diba? Ako pa rin naman 'diba? Nakalimot lang naman ang isip niya pero nakaukit ako sa puso niya 'diba? I don't want to beg but if I should, I will.
Hanggang sa maalala niya ako muli.
Sabado ngayon pero nilunod ko ang sarili ko sa trabaho sa kompanya para di ko maisip ang mga bagay bagay na makokonekta ko kay Rad. Pero sa tuwing natutulala ako, hindi ko pa rin mapigilang masaktan.
Gusto ko siyang makita at makausap pero pinagbawalan ako ni Daddy at baka mag trigger lahat ng mga ala-ala niya na pwedeng dahilan para tuluyang makalimutan ang lahat.
Ayoko namang tuluyan niya akong hindi maalala at kalimutan na lang. Ayoko. Ayokong mangyari 'yon. Mamamatay ako kung sakaling mangyari 'yon.
Halos tatlong taon akong na delubyo nang nalaman kong wala na siya. Tatlong taon akong naghirap at nasa kadiliman.
Tapos ngayon, bigla na lang sa isang iglap magpapakita.
Fuck! I need to focus on my work but memories with Rad kept on playing on my head.
Naibalik ko lang ang wisyo ko nang biglang tumawag si Daddy sa akin.
"Yes, dad?"
"Diana called me earlier. I need to talk to you. Are you at work?"
"I am. Uuwi na lang ako ng bahay pagkatapos ko dito."
"Alright. Take care of yourself, okay?"
Am I just overthinking or my Dad really sounded so sad?
"Of course, Dad. Love you!"
Jennie went inside right after I ended the call with Daddy. I wrinkled my forehead out of confusion when she smiled at me widely, more like a teasing smile.
"What?" Mataray na sambit ko at nakakunot pa rin ang noo.
Sparks in her eyes are very evident. I almost saw her drooled before she talked.
"May gwapo pong naghihintay sa labas, Miss. Tinanong ko po kung may appointment ba, wala naman daw. I called you thru the intercom, naka off po 'yata kasi hindi kayo sumasagot, Pinahintay ko na lang po sa lobby, Miss." She giggled while talking.
"Si Arellano ba?" Confusion is still with me.
"Hindi po! Mas gwapo pa kay sir Dela Vega, Miss!" Kinikilig na ani nito.
"What's his name? Baka 'yong package ko na 'yan from France?" Naguguluhan ko pa 'ring sambit dahil wala naman akong maalala na ime-meet ngayon or any scheduled meeting.
"Pangalan? Nakalimutan ko pong itanong Miss, sorry. Kay gwapo naman pong delivery boy Miss kung ganun?" She said with a teased.
"Jennie!" I glared at her and more angry now for making such a fuss about god-knows-who.
"Sorry, Miss. Ang gwapo po kasi. Papapasukin ko po ba?" Malumanay na ngayon na sambit nito.
I just nodded and I continued doing my paper works. Ang dami ko pang stocks na dapat i-review at pipirmahang mga proposals na pasok sa budget, naantala lang naman kanina dahil sa mga pinag-iisip ko at sa tawag ni Daddy.
I sighed heavily.
"Miss, nandito na po si Mr. Fuego." Bungad ni Jennie nang pumasok ito at nakasunod ang isang lalake sa kanya.
"Vincent Fuego pala ang pangalan, Miss." Bulong ni Jennie sa akin bago lumabas ng opisina.
My spacious office looks so tiny as the man as regal as him roamed around my office, as if a walking god trying to look for its prey to become his slave.
He was only wearing a black dress shirt inserted on his black pants but his posture and aura speaks monarchy.
Hindi ako nagkakamali.
My heart is really pounding like it will cage out on my ribs. Namamawis na ang mga kamay ko at baka pati na rin ang singit ko sa sobrang kaba.
Hindi ko alam kung patuloy ko lang ba siyang tititigan o magsasalita na ako? Ano ang sasabihin ko? Ni hao? Annyeong?
Fuck! Hindi naman ako nininerbyos sa loob ng conference room sa tuwing presentation ko pero ang kabang nararamdaman ko ngayon ay nakakahimatay—nakakawalang buhay.
Huminga ako nang malalim upang kalmahin ang sarili at para makausap siyang kalmado.
He looked at me before he sat down on the chair right in front of my table. He wasn't smiling but his eyes glistened... o baka namamalik mata lang ako.
"Good morning, Mr. Fuego." I greeted and smiled at him... a sad smile.
"Good morning. I am really sorry for the sudden visit. I just wanted to ask you something." Seryosong sambit nito habang nakatingin ng direcho sa aking mga mata.
"I maybe piled up with works right now but it's fine. I can spare some time." I smiled, more genuine now. Hindi ko na lang ipinahalata ang kabang nararamdaman ko.
Sana hindi niya naririnig ang lakas ng dagundong ng puso ko!
"Ano bang itatanong mo?" I continued as I noticed that he was just staring at me, not able to talk.
"I have amnesia." He pointed out like it was just a normal thing. I just nodded.
Parang may punyal na tumusok sa dibdib ko nang sinabi niya ito. But I remained calm, acting as if I am not hurting...
As if I am not breaking into pieces just by talking with him now, right in front of me talking about his situation.
Naiiyak ako but I just continued blinking my eyes to stop my tears from falling.
"Wala akong maalala sa nakaraan ko pero nakita kita sa kaisa-isahang naaalala ko. That was a year ago but I can't forget you since that memory of mine flashed like a thunder. Mabilis lang 'yon pero hindi ko makalimutan ang ngiti mo simula ng makita kita sa alaala ko." Seryosong tanong niya na may lungkot sa mga mata. But he remained stiff, as if we were just talking about normal things.
I gave him a smile, a sad one. Hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil sa nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya at nagagalak dahil sa kahit konting alaala niya, nandoon pa rin ako.
He remembered me. Amidst the things that have happened to him, he remembered me. Only me.
"We used to know each other." Sambit ko ng nakangiti kahit ramdam ko nang nawawasak ang puso ko.
Gusto kong sabihin sa kanya ang katotohan at ang lahat lahat pero ayokong ito ang maging dahilan para hindi na tuluyang bumalik ang lahat ng nawalang alaalaa niya.
Love can wait... and so do I.
Nakakahintay nga ang pag-ibig, ako pa ba kaya? Nakaya ko nga ang maghintay ng tatlong taong pagbabakasakali. Kakayanin ko ring maghintay sa kanya hanggang sa muling bumalik ang lahat ng kanyang nawalang alaala.
Hanggang sa kaya ko at hanggang ang puso ko na ang kusang mapagod.
"Are we friends? Close friends, perhaps?" Nakakunot-noong tanong nito.
"Yes, we were close friends. Super close friends even." I said. This time, I smiled at him genuinely. No lies and pretentions at all.
YOU ARE READING
Along the Shore (Samal Island Series #1: COMPLETED)
Narrativa generaleSAMAL ISLAND SERIES #1. Mariana Emily Conciagra is an only child and is living her daydream. Like a princess whom living her life with no doubts and worries. No sadness nor sorrows can intervene with the happiness and contentment that she's feeling...