Where
Simula sa araw na 'yon ay mas lalong hindi na talaga siya mawala sa isipan ko. Kahit pa panay ang pang-aakusa niya na 'manyak' raw ako ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.
Finally, after years of seeing her from a far along the shore, I got her attention
Ang bait niya sa ibang tao pero pag sa akin ay ang sungit sungit naman. Hindi ko naman maipagkakaila na lalo siyang gumaganda kapag nagtataray. Mas gusto ko ngang nagsusungit ito, lalo akong nahuhulog.
Isang umaga, papunta ako sa liga na gaganapin mamaya sa Plaza Miranda kasama sina Hunter. Nadaanan ko sa daan si Hazel, isa sa mga ex-girlfriend ko. Maayos naman kaming naghiwalay noon kaya walang problema.
Ihihinto ko na sana ang sasakyan para maihatid siya sa kanila nang biglang sumulpot sa kaniyang tabi si Kino, ang batang mayor ng isla. Isa siya sa mga dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Hazel. Hindi naman ako 'yong tipo na namimilit kaya hinayaan ko siyang sumama sa kanya at bilang respeto na lang rin, lalake sa lalake. Kahit hindi nila 'yon naibigay sa akin, wala na akong pakialam. If we're done then we're really done.
Kaka-park ko lang sa labas ng Plaza nang biglang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Papa. Kumunot ang noo ko pero sinagot naman ito.
"Yes, pa?" Bungad ko sa kanya.
"Where are you? Busy ka ba ngayon?" Agad na tanong niya.
"Nasa Plaza ako ngayon. Maglalaro kami nila Hunter para sa liga. Bakit?"
"Tumawag 'yong driver ni Elmer, eh. May beach hopping daw sina Marem ngayon kaso may LBM yata si Robert. Hindi naman ako pwede kasi luluwas ako ng Maynila ngayon. Busy ka rin naman, si Allan na lang tatawagan ko."
"No. I'll manoeuvre, pa. Uuwi lang ako at magbibihis."
Agarang sabi ko at mabilis na nagmaneho pauwi sa bahay at nagbihis agad. Dumirecho na ako sa yate nang kinakabahan. Hindi ako takot dahil ako ang magmamaneho ng yate, kung di takot ako dahil sasakay ang Mariana Emily sa yate na ipagmamaneho ko. Shit! Magaling naman ako pero para bang kulang pa lahat ng classes and training ko. Fuck! I need to be calm.
Naunang sumakay ang isang helper nila at ang dalawang kaibigan niya. Sobrang ingay nung isang kaibigan niya, V yata 'yong pangalan? Ang lagkit ng titig niya sa akin. Maganda siya, sobrang ganda. Pero si Mariana ang pinakamaganda sa mga mata ko na sobra ang epekto sa akin.
Nakikita ko siyang papaakyat na sa yate kaya nagmamadali akong pumasok sa captain's cabin dahil kinakabahan ako. Tangina! What's wrong with me? Fuck!
Naiinitan ako kaya umakyat ako sa deck ng yate para magpahangin saglit. Nakahawak na ako sa bannister ng yate nang nagsalubong an gaming mga mata. God, she's so beautiful!
I smiled at her, more like a grin. Gusto ko siyang inisin dahil alam kong nag-aalburoto siya sa akin ngayon.
Umalis siya sa railings ng yate at hula ko ay pupuntahan ako dito sa roof deck. Pinagpapawisan ako sa kaba pero pinapakalma ko ang sarili ko.
"Why are you here? Are you stalking me?" Agad na bungad niya, halos pasigaw niya.
"Easy there, kid." I chuckled. Hindi pinapakita na kinakaban ako ngayon nang dahil sa kanya.
"What did you say?!" She shouted.
"Nothing." I smirked.
"I'm your captain for today." Yes baby, I will be your captain for today.
Nagdaan ang mga araw at linggo ay palagi ko pa rin siyang nakikita sa may dalampasigan kasama ang mga kaibigan niya. Masaya silang naglalaro ng buhangin at minsan naman ay naliligo ng dagat kada hapon.
YOU ARE READING
Along the Shore (Samal Island Series #1: COMPLETED)
General FictionSAMAL ISLAND SERIES #1. Mariana Emily Conciagra is an only child and is living her daydream. Like a princess whom living her life with no doubts and worries. No sadness nor sorrows can intervene with the happiness and contentment that she's feeling...