32

327 27 2
                                    



Nag-file si Manuel ng leave for a week, at ganun din si Baltazar. Personal matters daw ang rason nila, pero alam nilang parehong may ibang dahilan. Sana hindi halata sa site. Isang linggo pa bago ma-discharge si Baltazar mula sa ospital.

Hindi ko rin alam kung paano ako napilitang alagaan ang loko. Baka pag gumaling na siya, pwede ko na siyang sapakin big time. Kung tutuusin, ang ingay ng tropa niya, parang nasa bar lang kami tuwing magkakasama sila. Pero wala akong magawa kundi tiisin lahat ng ito, kahit na minsan, gusto ko na lang lumayas.

"Sige pre, alis na kami. Kingina, may mga nagtatampo na dito," pabirong sabi ni Levi, sabay kindat.

Sumunod na nagpaalam sina Edcel at John, habang yung mga tatlong 'to—sina Renz, Karl, at Kuya Drakon—nag-stay pa sa labas para mag-chikahan kasama ang mama ni Baltazar.

"Hub," tawag ni Baltazar.

Parang may kuryenteng dumaloy kay Manuel nang marinig ang tawag na yun. Matagal na rin siyang di natawag ng ganun. "Bakit? Magpagaling ka na muna dyan. May iaayos lang ako."

"Who? Si Ryder na naman ba yan? Sabi mo unfollowed na siya sa Instagram," may halong galit at selos sa tinig ni Baltazar, at halatang mapipikon na kung may marinig pang tungkol kay Ryder.

Napangiti si Manuel, hinahanap na naman ng loko ang mga insecurities niya. "Relax ka lang, in-unfollow ko na nga siya. Mag-explain na lang ako kung magkita kami ulit, sasabihin ko muntik na may mamatay dahil dun sa pag-follow ko sa Instagram," pabirong sagot niya.

"I’m just making sure," nagngingitngit si Baltazar. "Andami ko nang kaagaw sa ‘yo, babae, lalaki, bakla, lahat na! Kingina, pre, pwede bang wag ka na magpapogi sa site? Di mo alam ang dami kong kalaban!"

Pinisil ni Baltazar ang kamay ni Manuel, at nakaramdam siya ng konting kilig, pero hindi niya pinalata.

"Talaga ba? Sabihin mo yan sa mga Angela mains mo sa Mobile Legends, ‘yung di marunong mag-edit ng maayos sa CapCut. Nakngputcha, may watermark pa!" sagot ni Manuel, sabay irap.

"Hoy, ikaw nga ‘tong nag-post ng thirst trap sa Instagram dahil nagseselos ka, 'di ba? Don’t you dare deny it! Alam mo, nung nakita ko yun, gusto ko na talagang puntahan ka sa condo mo para ipa-bura yun!" Humalakhak si Baltazar, pero halata ang tensyon sa boses niya.

"Edi sana pinuntahan mo ako," hamon ni Manuel, nakangisi.

"Puntahan kita tapos sasapakin mo ako? Wag na. Nagseselos ka na nga, tapos papaluin mo pa ako. Ano na lang ang mangyayari sa mga pogi points ko?"

"Pogi points? Talk to my hand, pre. Yabang mo," biro ni Manuel, pero lumambot na ang tono. "Anyway, anong account mo ginagamit para mag-stalk sa Instagram ko? Baka ikaw yung puro heart reacts sa post ko."

"I am."

"Sino ka ron sa limang daan? Hahaha," natatawang tanong ni Manuel, alam niyang pikon si Baltazar.

"Manuel, don't tease me, baka di ko mapigilan ang sarili ko, maputukan kita."

Napabugnot si Manuel at sinuntok nang mahina ang braso ni Baltazar. "Manyakis ka talaga, pre! Uy, di ka pa nga nanliligaw ulit. Di pa kita sinasagot."

"Yeah, pero ikaw nalang liligawan ko, wala nang iba."

Naguluhan si Manuel sa sagot ni Baltazar. "What do you mean? May iba ka pa bang nililigawan? Awts gege, yon nalang i-pursue mo. Hard to get ako eh."

Damang-dama ni Baltazar ang pagka-cute ni Manuel. "No, I mean, Manuel, niligawan ko na yung parents mo."

Nanlaki ang mata ni Manuel. "The fuck? Anong ginawa mo?"

"Bumili ako ng make-up set para kay Tita kasi nagpapaganda raw siya, tapos kotse naman kay Tito. Pinahugas pa ako ni Tita ng plato for three straight days! Si Tito? Pinalinis niya yung kwarto mo. Alam mo, nakita ko mga old photos mo sa tablet, crush na crush mo ako, huh? Tama yan, hub, mataas taste mo," pagmamalaki ni Baltazar.

"Ulol! Sira na talaga taste buds ko sa 'yo!" hirit ni Manuel, pero halata ang kilig sa boses niya.

"Gusto mo ba siraan natin ulit?" ganting biro ni Baltazar.

Binato siya ni Manuel ng unan, pero hindi pa rin matanggal ang ngiti sa kanyang mukha. Wala talagang kupas ang kamanyakan ng tukmol na 'to, pero... bakit ba parang di niya na kayang magalit?




There are days when I catch glimpses of the old Manuel—the one I loved back in senior high. Every time he smiles, every little touch he makes, parang bumabalik lahat ng memories. He hasn’t changed much, really. If anything, mas lalo ko siyang minahal. Pero he just wants to be civil with me now. Ouch, gege.

When we're out with my friends—Atty, Levi, Karl, and Renz—they always tease us. "Baltazar, bakit dikit na dikit ka kay Manuel, parang glue?" joke nila. Pero I just laugh it off and hug him tighter. I know he doesn't mind. Gusto ko lang ipagyabang si Manuel. He’s mine. Gusto ko lang ipakita sa kanya how much he means to me, kahit na di pa kami official.

Pero minsan, Manuel can be overwhelming. Sobrang emotional. He's like a bundle of energy, always bouncing around, making everything seem more... alive. But God, how I love that about him. He lights up the room, makes even the simplest things fun. He'd probably turn a trip to the grocery into an adventure. His excitement, his passion, his energy—lahat yun—nahahawa ako.

One time, when we were at the mall, Manuel saw this giant teddy bear. "Hub! Dali na, get that teddy bear! Gusto ko nyan!" he said, practically pulling me towards the store. Pucha, sino ba naman ako para humindi? We ended up buying it, and seeing his joy? Priceless.

Moments like that make me so grateful to have him. Kahit pag nagluluto lang kami ng adobo, he'll find a way to make it fun—making corny chemistry jokes, laughing as if everything’s just perfect. Kahit na I know sa ilalim, we're still figuring things out.

"Sana makilala na kita sa mundo," I whispered one night as he fell asleep beside me. Pero for now, civil muna. Mahirap, pero kaya. For now, kailangan ko mag-tiis.

The Architecture (Batchelor Series #1)Where stories live. Discover now