Well it's damn normal lang naman. Bakit ba ako nag over-react. Eh, I also did the same kaso, I can't see myself na i-video haha.Di naman big deal ‘yon, since kapwa lalaki naman kami eh. Naknang ang oa, Manuel first time makakita. Pero bakit….
Tinitigasan ako. Anlala gag—
“Ting-ting may extra ka pa naman na uniform dyan diba, pahiramin mo nalang bukas si Baltazar ha, pinahiram ko na rin pala ng damit mo, mag half bath daw sya.” sigaw ni Mama.
“Oo ma, inaayos ko lang kwarto ko!” pabalik kong sigaw. Normal lang to, kasi di masyadong marinig pag hindi lalakasan ang boses.
Malinis naman ang kwarto. Inaayos ko nalang yung magulo ko na study table, mamaya maselan pala ang isang ‘yon, kumuha rin ako sa drawer ko ng bagong punda ng unan. Pinalitan ko, bali tig dalawa kaming unan, tapos ipagitna ko nalang yung hotdog na unan.
Ewan ko ba kay Mama, bakit ang bilis magtiwala basta pogi, hahaha. Tingnan nyo nabola s'ya ng tatay namin, charot. Pero hindi naman kasi kita na masamang loob si Baltazar, sadyang masama lang pag-describe ko sakanya hihi.
“The door is locked.” saad niya. Tapos na mag half bath.
“Sandali, inaayos ko ang higaan,” saad ko sabay tapon ng huling inayos ko na unan, tumungo sa pintuan para buksan siya.
“Wow, fresh ha!” sambit ko, amoy ko pa ang body wash niya, dala nya pala yung bag niya.
Nakwento kasi ng mga kaklase kong babae na sana kagaya nalang daw nila si Baltazar andaming essentials. Well, mabango naman kasi, amoy pink na plushie, parang ganoon, basta hirap i-describe, di ko kasi hilig ang pambabae.
“Yeah. Where's my phone pala?” Tanong niya, sabay pasok. Nilibot niya ang tingin sa kwarto.
“Nandyaan sa study table gilid. Pasend na lang sa messenger ko yung picture ha, i myday ko bukas.” ani ko, habang tinutupi ang nagkalat na damit.
“Andami mo awards ha, it's rare na may tao pala super maalaga, in terms of achievement,” aniya. Pinagmasdan ko naman siya, kita ang pagkamangha sa mata niya. Dumako naman ang tingin ko sa suot nitong jersey ni Kuya, na kalaunan binigay din sa akin.
“Si Mama kasi, dapat daw itabi, kasi bawal sa mantra n'ya ang past is past. Kung ano raw ang good achievement mo, dapat kinekeep, kasi ayon daw ang humuhubog sa yo or magbigay ng fighting urge pag down na down ka.”
“You’re lucky with your parents, they are lovely.” puna niya.
“Sos. Baka agawin mo mama ko ha, tsaka grabe ka naman umorder ka talaga sa kakanin nya.” saad ko.
“Hey your mom is a good cook, kung pwede lang ako mag extra rice. I would do it, anyways na-add mo na ba ako sa socials ko, so I can send the pictures of yours.” aniya.
“Ay wait, naka charge kasi phone ko eh.” saad ko, naalala nanaman ang hindi ko dapat makita sa phone n'ya, hanep.
Kinuha ko ang cellphone ko sa pagka-charge. Inopen ang facebook icon, para i-add siya. Sinearch ko ang pangalan niya, dali ko naman nakita. Naka side view s'ya roon, kitang-kita ang perpekto niyang jawline.
Nagtataka lang ako dahil wala kahit isang friend ang account niya. Baka poser?
“Wala kaba friend sa facebook?” tanong ko, baka kasi poser ang ma-add ko.
“New account. Ginawa ko sa car kanina, wala naman kasi ako Facebook.” sagot niya.
“Edi paano mo kinakausap mama mo? Kung wala kang facebook?” nagtataka kong tanong.
