15

505 41 4
                                    

"Kumain na kayo dalawa rito. Hijo Baltazar tara na, ikaw naman ting-ting," tukoy nito kay Manuel. "Pakalandi mo nak, di manlang nagpakipot." Ani ng Ina ni Manuel.

Nasa hapag-kainan sila. Nakapa-ikot ang silya na nakaharap sa malaking lamesa. Nasa gitna ang ina ni Manuel, habang magkatabi naman ang kuya at papa nito sa kanan, habang sila Baltazar at Manuel naman sa kaliwa.


"Ano ba ang tinitili-tili mo kanina, Josephina. Para kang teenager na nakilig dyan. Dapat sa akin kalang kiligin, mahal." Madramang saad ng papa ni Manuel.


Ang dalawa naman lalo na si Manuel ay hindi makatingin sa ina. Nahuli ba naman sila nito nagchukchukan paano pa kaya kung hindi dumating ang ina.



"Wala kinilig lang ako sa nakita ko. Apaka oa mo talagang lalaki ka kahit kailan." Si Tita Josephina.




"Kinilig saan nga?" si Tito.




"Si Ting-ting kasi diba gigisingin ko na sila ni Baltazar, edi pinakialaman ko yung gamit nakita ko, Davidson. Yung wallpaper si Baltazar. Diba ganyan ka rin sa akin noong kolehiyo tayo, ako wallpaper mo."




Napanguso si Tito. "Si Lady Gaga ang wallpaper ko noon mahal, ampanget mo pa noong college tayo."


Hinampas ni Tita si Tito. "Okay lang. Si Zayn Malik naman yung akin, tapos lahat ng crush ko dati member ng one direction. Sorry di pa kita crush noon, kapag kumakanta ka kasi, naulan. Panget ng boses mo e."




Natatawa nalamang si Drakon sa nakikita sanay na sila ni Manuel dito. Lumingon si Manuel kay Baltazar na tahimik kumakain ng sinangag at itlog. "Pagpasyensyahan mo na sila Mama, ganyan talaga sila maglambingan. Akala mo mga teenager pa e."



"No worries. They are lovely. Ganyan din siguro tayo pag naging tayo noh?"



Manuel chuckled. "Asa ka pre. Mas matigas pa to sa rock."




Natapos na sila sa kanilang umagahan. Nagpaalam na si Drakon papasok na ito sa tinatrabahuhang fast food chain. Ang ama naman ni Manuel ay bumeso sa ina nito, binigyan ng fist bump ang anak, papasok na rin ito sa pamamasada. Ang ina naman nya, ay inaayos ang mga kakanin na dadalhin. Bago ito magpaalam.


Lumapit ito kay Baltazar. "Oh hijo kunin mo na ito. Best seller ko yan, bigay ko na, pasasalamat ko na sa pag-alaga mo rito sa bunso ko na iyakin pag lasing haha." Si Tita, tiningnan naman ito ng masama ni Manuel. Nanay ko ba to?



"Mas pogi pala sya anak sa personal, galing mo pumili anak. Mana ka talaga kay Mama. Kinikilig ako sainyo ka luka." Bulong ni Tita, si Manuel lamang ang nakarinig.



Napailing nalang si Manuel at bumeso sa ina. Tita Josephina left them and give Manuel the key of there house.



"Aalis kana? Sama na ako, bibili ako ng pinapabili sa atin sa Earth and Life." Si Manuel. "Pero wait lang magpalit lang ako damit, yung mukhang tao haha." dagdag nito.









Manuel's hands gripped the edge of his seat tightly as Baltazar navigated the winding roads, the dim light of the dashboard casting a warm glow on his features. Baltazar's eyes flicked towards Manuel, a sly smile spreading across his face.




The Architecture (Batchelor Series #1)Where stories live. Discover now