1

1.6K 149 22
                                    


"Ano ba 'yan. Your handwriting is disgusting, tapos you're planning to take architecture? Bro?" Edcel said, shaking his head as he looked over my notes.

“Alam mo, Edcel, walang pakialaman ng trip sa buhay. Ikaw nga, psychology degree ang kukunin pero parang sayad ka na sa utak," I shot back, rolling my eyes. Di naman nasusukat sa sulat ang kakayahan ko, basta pasado, 'di ba?

"Wala, pangit pa rin sulat mo. That’s final, and I sasha away!" Edcel added, walking off with a dramatic wave, parang contestant sa drag race. Nakakainis din minsan 'tong best friend ko, daming satsat.

Simula pa lang, alam ko na gusto ko talagang maging architect. Simula nung bata pa ako, ang pangarap ko ay ang gawan ng bahay si Mama at Papa. Hindi ako kasing husay sa pagsulat gaya ng iba, pero sa pagdidisenyo ng bahay, swimming pools, at mga gusali—diyan ako magaling. Kaya noong senior high school, STEM agad ang kinuha ko, kahit hiwalay ako kina Edcel at John na nasa HUMSS.

Sabi ni Kuya, maraming opportunities sa STEM. May scholarship pa mula sa DOST kung magaling ka. At oo, gustong-gusto ko talaga na makapasok sa DLSU para maging isang Green Archer. Pangarap ko 'to. Pero, sa kabila ng mga ambisyon, may mga bagay na pumipigil. Ang finances—hindi kami mayaman. Si Mama nagtitinda ng kakanin at si Papa, namamasada ng tricycle. Sobrang hirap. Pero di lang yon, ang tunay kong kalaban sa academics ay si Baltazar Lopez, isang nerd na may photographic memory. Pfft.



Nakatayo kami ni Baltazar sa harap ng classroom, staring each other down. His eyes always have this arrogant glint. Hindi ako papayag na matalo na naman sa kanya. Tahimik ang buong klase, tanging ang mahina at tuloy-tuloy na tunog ng fluorescent lights ang naririnig. Si Professor Rodriguez nasa harapan, nakatingin sa amin na parang natutuwa pa sa pasiklaban namin ni Baltazar.


Narinig ko pa ang bulungan ng mga kaklase namin sa likod. “Bes, kanino pusta mo now? Bente kay Manuel ako."

"Fifty kay Baltazar, obvious naman."

Seriously, bawat debate namin ni Baltazar, ginagawang pustahan ng mga kaklase namin. Ang aga-aga, pero nagsusugal na sila. Nagsimula ang diskusyon tungkol sa genetic engineering, at alam ko nang magiging mainit na debate 'to. Kailangan kong maging prepared.

I took a deep breath before delivering my argument. “On one hand, genetic engineering may hold the key to curing diseases, but we are messing with nature. We don't know the long-term consequences. We could be creating a bigger problem."

Baltazar, na laging chill pero may halong pang-aasar sa mga mata, responded with ease, “Come on, Manuel. You're overreacting. Genetic engineering is the future. Imagine the possibilities—crops that can thrive anywhere, medicines for incurable diseases. Hindi tayo naglalaro ng Diyos. We are solving problems."

Napakunot ang noo ko. “Solving problems? You're not even considering the ethics here. What about designer babies? We are crossing moral boundaries.”

Ngumiti siya, pero halatang may pangungutya. “Designer babies? You're exaggerating. There’s more good than bad here, and if you’re so worried, we can regulate it.”

Lagi nalang siya may rebuttal, pero ang babaw. I was losing patience. "Regulate? Corporations don’t care about ethics, Baltazar. They care about profit. You think we can trust them to act responsibly?”

Patuloy ang palitan ng ideya namin. The class was dead silent, listening to every word. Kahit si Professor Rodriguez nakangiti habang sumusundot ng tanong dito at doon. Naramdaman ko ang intensity ng debate—parang isang labanan kung saan ang bawat salita ko ay isang suntok na dapat tamaan siya.

As the discussion neared its end, naramdaman ko na di na kami bibigay pareho. The class erupted into applause as we both finished. Hindi ito tungkol sa pagkapanalo ng isa. Parehas kaming nagtutulak ng mga punto na mahirap labanan, pero sa totoo lang, walang nanalo. Parang chess na walang checkmate.

Pagkatapos ng klase, lumapit si Professor Rodriguez. “Well done, Manuel, Baltazar. Both of you presented strong, well-reasoned arguments. Keep that critical thinking up for your next assignments.”

I nodded, satisfied kahit hindi ko s’ya lubos na napahiya. Baltazar caught my eye as we both gathered our things. There was a flash of competitiveness still simmering between us. I gave him a quick smirk. He just raised an eyebrow, pa-cool na naman. Well, di pa 'to tapos.



Recess Time. Nasa cafeteria ako with Edcel and John. Parehong busy sa pagkain ng baon nilang tinapay.

“Nakakastress si Ma’am sa HOPE 2,” reklamo ni John. “Dami nang pinapagawa, parang major subject na!”

"Oo nga, parang di makatotohanan. Sobrang dami ng written activities," sabat ni Edcel, sabay higop ng juice.

"Huy, Manuel, narinig ko naglaban nanaman kayo ni Baltazar kanina," sabi ni Edcel biglang papansin.

"Yep. Genetic engineering na naman ang topic. As usual, nerd pa rin siya," I replied, rolling my eyes. Gusto kong ilihis ang usapan, pero talagang curious ang mga 'to.

"Nerd pero laging nasa taas ng rankings," Edcel teased. "Sino kaya sa inyo ang magiging valedictorian?"

Muntik ko nang malaglag ang tinidor ko sa kakanin. "Ako pa rin. Sure 'yan. Target ko mag-rank one para sa college scholarship. Wala nang mas mahalaga."

Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya kong talunin si Baltazar. Palibhasa, may photographic memory s’ya at parang walang kahirap-hirap sa kanya ang academics. Pero wala—hindi ako papayag na siya ang mag-top sa amin. Ako dapat.

Pagkahiwalay namin pagkatapos ng break, naglalakad ako papunta sa classroom nang mapansin ko si Baltazar, nakaupo sa isang bench at nagbabasa na naman. May ini-scan s'ya sa laptop n’ya na mukhang essay. Tinabihan ko siya, curious kahit ayaw kong aminin.

“Busy ka, nerd?”

Di man lang s’ya nagtaas ng tingin. “Checking something. Bakit?”

“Curious lang ako,” I muttered, kahit gusto ko talaga magtatanong kung paano n’ya napapagsabay lahat. “How do you manage? Yung laging mataas grades, tapos may social life ka pa.”

Tumigil s’ya sandali, sinara ang laptop, then finally looked at me. “Time management. You should try it sometime, Manuel.”

Medyo napikon ako, pero nakangiti lang s’ya. I hate how effortlessly he could throw those jabs, tapos ganun lang, balik ulit sa ginagawa niya.

We were rivals, but deep down, I knew that if I wanted to keep up, I had to figure out how to do what he does. Pero hanggang ngayon, ayaw ko pa ring talunin sarili ko para aminin na may respeto ako sa kanya. Masyadong close para sa comfort.

The Architecture (Batchelor Series #1)Where stories live. Discover now