22

394 36 2
                                    

Dumating na ba kayo sa punto ng buhay niyo na ang wish niyo ay sana mawala na lang bigla ang katabi niyo? Ako, kanina ko pa iniisip. Paano ba naman, pati sa tapsilugan, narito ang tarantadong ‘to.

Mula sa kanto ng mata ko, nakikita ko si Baltazar. Kumakain siya, parang walang pakialam sa mundo. Sinadya niyang pumunta dito, I’m sure of it. Lalo na’t ito ang paborito kong lugar. Walang hiya talaga. Humigpit ang hawak ko sa kutsara, imagining what it would feel like to throw it at his face.

Pag lumapit siya, isusumbong ko siya sa asawa niya. Sa isip ko lang 'to, but I feel the satisfaction of the thought running through me. Cheaters run in the blood. His father was the same. Oh, wait—ay, napasobra na ata ako ng rant rito.

“Manuel! Ikaw na ba ‘yan? Ang anak ni Josephina?” Biglang nagsalita si Aling Bebang, ang matandang may-ari ng tapsilugan. Lumapit pa sa mukha ko, parang di makapaniwala. “Ikaw nga! Jusko, bigla ka na lang nawala! Tapos nakita namin ‘yung mukha mo sa TV, bigtime na talaga!”

"Oo nga, Aling Bebang. Pero pwede ba mag-order muna ako? Gutom na 'yung tao." Sinusubukan kong ngumiti kahit na kumukulo ang dugo ko. Lalo na’t nandito ang asungot sa gilid, pilit nagpapapansin.

"Anong order mo, hijo? Gaya ba ng dati?" Tanong niya, parang walang nababago. Suki kasi kami ni Kuya Drakon dito. Noong pumupunta kami ni Baltazar dito dati, tahimik lang, walang drama. Ngayon? Napakagulo ng loob ko. Tingnan mo nga naman ang irony.

Tumango ako bilang sagot, pero hindi ko maiwasang tingnan ulit si Baltazar. Nakatingin din siya sa amin, his eyes slightly narrowed, as if trying to read what I’m thinking. Kung tutuusin, wala namang makakapigil sa akin kung hamunin ko ‘to ng sapakan. Tangina, nakakainis talaga mukha niya.

"Gusto mo mag-sapakan tayo, Mr. Lopez? Pampainit lang," I said casually, hiding the sarcasm behind a tight smile. I saw the flicker of surprise in his eyes, pero mabilis niyang nabawi ang expression niya.

"I'm thinking about the project, Mr. Da Vinci. Huwag kang masyadong mag-brag," sagot niya, his tone colder than the iced tea in front of him.

Dumating ang order ko, pero hindi ko na siya pinansin.

Project: Suyuin si Architect, sa isip ni Baltazar.

Kainin ko na lang ang tapsi, baka mabawasan pa ang init ng ulo ko.

"Sarap ng tapsi mo, Aling Bebang. Mura na, masarap pa. Parang gusto ko tuloy magmura. Di ba, Mr. Lopez?" Sinabayan ko ng tawa, pero ang tono ko matalim.

"Yeah," sagot ni Baltazar, barely looking up.

"Potangina talaga ng mga lalaking walang bayag, walang emotional intelligence, at mga cheaters," I muttered, half-hoping he’d catch on.

"Manuel, ang ingay mo naman. Nakakaistorbo ka sa mga customer, lalo na kay Engr. Lopez, suki pa naman namin yan," sabat ni Aling Bebang, halatang ayaw ng gulo.

"Wala naman akong pinapatamaan, Aling Bebang. Unless, may tinatamaan, di ba Mr. Lopez?" I said, locking eyes with Baltazar. Taimtim siyang tumango, as if acknowledging the silent accusation.

Naiinis ako. Lalo na’t kaharap ko na naman ang tarantadong ‘to.

Sa susunod na araw, balik na naman kami sa opisina. Nakatitig ako sa design revisions na nasa screen. Muling nagbago ng plano si Baltazar, at nakakadismaya na naman.

The Architecture (Batchelor Series #1)Where stories live. Discover now