7

34 2 0
                                    



"Baks, bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Naku, Miracle ano ba gusto mo? Ibibili 'yan ni tita gumaling ka lang agad."



Napa-irap ako nang haplosin ni Renz ang mukha ng natutulog kong anak. Ini-ispoil talaga niya ang bata kaya ayokong magkita silang dalawa eh.



Dalawang araw lang kami roon sa ospital at nadischarge na si Miracle kahapon lang. Unti-unti na siyang gumagaling. Dalawang araw na rin akong absent sa trabaho kaya tinawagan ako ng bakla kanina at ayun nakipagkarerahan daw siya sa daan para mabilis na makarating dito sa bahay. Tangang 'to sinugal pa talaga ang buhay niya sa daan.



"Hindi mo na talaga makikita 'yang inaanak mo baks pag patuloy mo 'yang ini-ispoil! Huli na 'yong para sa birthday niya na ikaw gagastos, huli na talaga 'yon Renz."



Inismiran niya ako, "Oo na! Para sa inaanak ko naman 'yon, e'. Hays!"



Pinilig ko nalang ang ulo. "Diyan ka muna. Tutulungan ko lang si Mama sa kusina."



Tumango lang ito kaya umalis na ako. Naabutan ko si mama na nilalagay sa maliit na lalagyan ang niluto niyang adobo. Tumungo nalang ako para kumuha ng gagamitin naming utensils at nilagay sa lamesa.



"Mauna nalang kayo ni Renz kumain anak. Gigisingin ko muna si Miracle para magkalaman ang tiyan no'n. Itong arozcaldo ang request ng batang iyon, e'. Kung gusto niyo may naiwan pa riyan sa kaldero," ani mama habang nagsasalin ng tubig.



"Sure ka po? Sabay nalang tayong kumain, Ma. Mahimbing pa ang tulog ni Miracle at marami naman siyang nakain kaninang umaga."



Maliit siyang ngumiti, "Hayaan mo na ang ako 'nak. Matanda na ako at malakas sa akin ang batang iyon. Palagi kong naaalala 'yong mga panahong sabay ka pa naming inaalagaan ng Papa mo noong bata ka pa, eh."



Si Mama habang tumatanda ay parati niyang inaalala ang mga panahong buhay pa si papa. Napapanaginipan niya rin raw ito madalas.



Sa panahon na iniwan kami ni Papa ay hindi ko siya nakitang naghinagpis. Parang tinatago niya nga siguro sa akin. Ayaw niya sigurong makita ko siyang mahina lalo na't kami na lang dalawa.



Kinabukasan ay pumunta ako sa pinakamalapit na mall para mamili ng pwedeng iregalo kay Miracle. In-extend ni Renz ang leave ko at sa Nobyembre pa ang balik ko sa trabaho. Laking pasasalamat ko talaga sa baklang 'yon. Kung hindi ko 'yan kaibigan siguro wala akong ni-katiting na oras para sa anak ko.



Hindi naman 'to unfair sa mga ka-trabaho ko kasi kung ano ang treatment sa akin ni Renz ay ganoon din sa iba. Ayoko nga sanang ipaabot ng Nobyembre pero kailangan ako ng anak ko ngayon. Nanghihina kasi ito tapos minsan naman ay napaka-hyper. Baka ito ang sinasabing side effect ng doctor noong pinainom kay Miracle ang bagong gamot para sa allergies.



Bumili ako ng ilang damit at isang napakagandang dress para masuot niya sa party niya. Hindi masyadong mahilig ang anak ko sa mga laruan. Ang gusto niya ang mga aklat at arts. Namana niya siguro 'to sa totoong magulang niya. I heard pintor 'yong totoong Papa ni Miracle at teacher naman 'yong Mama niya.



"M-manong, dito na lang ako bababa," sabi ko sa driver ng trisikel. Binayaran ko ito tsaka ako naglakad papuntang pedestrian.



May nakita akong shop sa tapat ko. May mga naka-display na bisekleta sa labas kaya naisipan kong baka may scooter doon. Titingin lang naman ako. Kung mayroong papasok sa budget ay bibilhin ko pero pag hindi eh 'di huwag na lang.



Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon