9

32 1 0
                                    



Mahina akong dumaing nang makaramdam ako ng pagtampal sa aking kamay. Parang yumuyugyog din ang hinihigaan ko. Dahan-dahan kong iminulat ng mata at ang puting kisame agad ang aking nakita. 



"Ma?" 



Kita ko si Miracle sa aking gilid. She leaned in to me. Parang ine-examine niya ang mukha ko. 



"Hey, don't lean too close," rinig kong boses ng lalaki.



Lumayo ang anak ko sa akin at may tinampal sa likod niya. "Don't touch me. We're not friends. You hurt my mama," aniya.



Sino bang kausap nito? 



Muli siyang bumaling sa akin at hinaplos mula sa aking noo pababa sa aking pisngi. Hindi ko napigilang ngumiti. Miracle is so sweet and caring. Lahat na ata ng mabuting asal ay nasalo ng batang ito. Kaya lang kakaiba magalit. 



I've seen her get mad once sa skwelahan. A kid was teasing her dahil wala raw siyang papa. Sabi ko huwag ng pansinin iyon at umalis na kami but instead Miracle threw dirt on the girl before pulling her hair. Iyak ng iyak ang babae habang panay ang pigil ko sa kanya. She was unstoppable. Kahit ako hindi ko mapigilan. Kung hindi lang dumating ang nanay noong batang babae ay hindi titigil si Miracle. 



"Hi mama! Are you okay now?" umalingawngaw ang malambing niyang boses. 



Dahan-dahan akong umupo. Inalalayan niya naman ako sa braso. Doon ko napagtantong nasa ospital ako. May nakita akong nurse na dumaan mula sa maliit na space ng kurtina. 



"Okay lang ako, anak. Umiyak ka ba?" Napansin ko ang mapula niyang ilong. Teka ano nga pala ang nangyari sa akin?



"Opo. That guy hurt you po. I don't like that mister. Inaway niya po kayo." 



Parang naging cue iyon at lumitaw ang lalaking sa tingin ko ay ang tinutukoy ni Miracle. Sa likod niya ay si mama at isang nurse. 



"Anong ginagawa mo rito?" Pinanliitan ko ng mata si Art. 



"I'm... Uh..." 



"Krissa, anak, kamusta pakiramdam mo?" 


Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon