-
-
-"Tagal naman n'on?" Irirtang bulong ko sa sarili. Sa halip na maghintay sa wala ay humiga ako sa malambot na kumot na nilatag ko rito sa paborito namin tambayan ni Art.
Sobrang dilim na, may mga alitaptap na rin akong nakikita. Gusto kong ibabad ang paa ko sa lawa kaso malamig ang tubig. Malamig din ang hangin.
Nagsimula akong mag scroll sa aking cellphone habang hinihintay ang pagdating niya. May bagong brand ng mg alahas na ni-rekomenda sa akin ng kakilala sa school. Maraming mura at napakaganda ng design.
Hindi ako mahilig sa ganito. Pero kasi nabudol ako ni Mylah. Ang cute noong binili niya kaya ito na ang ginagawa ko nitong mga nakaraang araw. Tumitingin sa mga singsing at kwintas sa website nila.
"Mahal!"
Inarko ko ang likod at nakita si Art na may dalang basket at flashlight. Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko at sinalubong siya ng hampas sa braso.
"Ang tagal mo. Nilalamok na ako rito kanina pa akong alas-nuwebe naghihintay sa'yo. Alam mo namang hindi ako pwedeng gabihin ng masyado. Aish! Haharapin mo talaga si mama mamaya." Walang-preno kong sermon.
"Aray naman. Sorry na. Natagalan sa studio kasi dumating 'yong may-ari ng brand at pinabago ang ilang shots. Mahal, I'm sorry. Ihahatid naman kita, kakausapin ko rin si Nay Lena. Sorry.." Humalik siya sa noo ko tsaka nilapat iyong sa kanya sa akin.
Unti-unting nawala ang inis ko sabay pagpulupot ko ng braso sa kanyang leeg. Bakit ang dali lang mawala ng inis ko sa kanya? Isang 'sorry' niya lang nawawala na agad. Hays. Marupok ka talaga, Krissa.
"Forgiven. Kamusta pala shoot mo? Ano iyang dala mo?" Inabot ko ang basket na may laman palang ice cream, tinapay, marshmallows, at iilang chichirya. Hinila ko siya papunta sa kumot sa dulo ng foot bridge para makaupo.
Doon ko napansin na may kaunting makeup pa sa mukha niya. Hindi rin nakabutones ng maayos ang polo niya at tumutulo ang pawis mula sa kanyang leeg. Halatang nagmamadali siya.
"Pang-snacks natin. May strawberry cake nga pala riyan. Binigay sa amin doon pero hindi ko kinain para sa'yo." Kinuha niya mula roon ang isang container kung nasaan ang cake. Binigyan niya rin ako ng tinidor kaya ayun nagkamustahan kami habang kumakain ako ng cake.
"Sa susunod, mahal. May bago akong shoot sa susunod na linggo sa isang beach sa kabilang—" Dumukwang siya palapit sa akin para pahiran ang gilid ng aking labi at pinasok sa bibig niya ang daliring may icing, " —bayan. Isasama kita para magdi-date tayo pagkatapos."
Parang nasa karera ang puso ko dahil sa ginawa niya. Pabigla-bigla talaga 'to. Hindi niya alam na matindi ang dulot niyon sa puso ko.
"Mahal, 11:11 na! Dali mag wish na tayo!" Tili ko kaya naputol ang kwento niya sa akin.
Narinig kong tumawa siya. "You're acting like a child again. You're cute. Okay, mag-wish na tayo. Give me your hands." Naguguluhan man ay pinagsiklop niya ang kamay namin. "Pikit kana. Sabay tayo mag-wish," aniya.
I rolled my eyes. Sinong mukhang bata sa 'tin ngayon? Tsk!
Nag-comply ako at taimtim na humiling. Pagkatapos ay humiga ako sa braso niya habang tinatanaw namin ang mga bituin sa kalangitan. Inaantok na ako. Pero ang daldal nitong kasama ko kaya parang umaatras-abante ang antok lalo na't nagjo-joke si Art.
Napaigtad ako nang biglang may nag-vibrate sa pwetan ko. Sabay na napaupo si Art sa akin, nag-aalala.
"Mahal, okay ka lang? Anong nangyari?"
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Roman d'amour[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021