11

21 0 0
                                    

-
-
-


"Ang cute niya. Masaya ako at napalaki mo ng maayos ang anak natin, mahal." Sabay akbay ni Art sa akin. 



Natigilan ako sa pagkuha ng mga gamit namin, pumait ang mukha pagkaharap sa kanya. 



Bumukal ang inis sa loob ko. He's sincerely smiling which makes my blood boil even more. He has the guts huh? Gusto ko siyang punitin at itapon sa basura.



Nalimutan ko agad ang kakaibang version niya na nakita ko kanina dahil mas umapaw muli ang inis ko kesa pagtataka at pag-aalala. 



He's adding more reasons to my list. Mga rason ng pagka-inis ko sa lalaking iyon.



Una, sumampid ito sa amin sa pauwi rito sa Laparan. Pangalawa, nag assume siyang anak niya si Miracle. Pangatlo, tinawag niyang anak ang anak ko. Pang-apat, sasampid na naman siya sa bahay namin. At panglima, tinawag niya ako gamit ang endearment namin noong kami pa. 



I swear susunugin ko na talaga siya kung madadagdagan ang listahan na iyan. Isa siyang 'walking reason of my irritation'.



Hindi ko napigilan ang pagkawala ng halakhak mula sa aking bibig. Hinawi ko ang kamay niya tsaka kinarga ang aming gamit. Patuloy akong natawa hanggang makapasok. Tumigil lang iyon at umikot ang aking mata nang malapag ko ang mga bag sa sala. 



You wish, Arthur Canlas. You wish.



Saglit kamng naglinis para alisin ang alikabok sa mga gamit. Dala ng pagod ay hinila agad kami ng antok. Maaga akong nagising kinabukasan. Akala ko wala pang gising sa amin. Pero..



"Alam mo hindi naman ako galit. May kasalanan din ako. Noon pa napapansin ko na ang galaw ni Rhea. Hindi pala sapat ang simpleng pangangamusta ko sa'yo noon kapag pumapanhik kayo ni Krissa sa bahay. Kung alam ko lang na ganoon pala dapat hinila kita palabas."



Naabutan ko si mama at Art sa kusina. Nangangape si Art habang nagluluto naman si mama.



"Huwag mo ng isipin masyado iyon, nay. Tapos na iyon. Ang gusto ko lang ngayon ay maayos ang sirang iniwan ko rito noon." 



"Tapatin mo ako. Mahal mo pa rin ba ang anak ko, Art?" 



Bahagya akong sumilip ulit. Nakaharap na si mama kay Art.

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon