TW: Suicidal thoughts, Depression
Hi, as you can see on the warning please be aware po. If you're not comfortable with this, please I suggest huwag niyong basahin na lang ang chapter na 'to.
I am available if you want to talk. I'm here :)
Wattpad & Twitter: ycllaire
-
-
-Isang linggo. Isang linggo akong nakatulog dahil sa atake sa puso. Isang linggo na rin akong nakikipaglaro sa anak ko sa aking panaginip. Isang linggo na akong umiiyak sa aking isipan, matinding nagdadasal sa Diyos na ibalik niya ang anak ko.
Hindi ko akalain na sa isang iglap ay mangyayari lahat ng ito.
Ang saya pa namin no'n. Nag-date kaming mag-ina. Tapos ganoon lang? Lord, ganoon lang talaga?
Akala ko ba panaginip lang iyon? Masamang bangungot. Pero hawak ko ngayon ang mga naiwang gamit ng anak ko. Naka-plastik, naka zip lock.
May bahid ng dugo ang ilang punit na parte ng damit ni Miracle. Naputol din ang paborito niyang pantali. May butas ang isang medyas na nakita roon. At higit sa lahat, itong mga litrato ng mga dugo kung saan ko huling nakita ang bisekleta ng anak ko.
Parang namatay ako. Namatay no'ng una. Nabigyan ng pagkakataon mabuhay ulit. At heto, pinatay na naman. This time wala ng pag-asa..
Lord, galit Ka ba sa akin? Anong bang ginawa ko? Kabayaran ko ba 'to sa pagiging bulakbol ko noong panahon ng aking kabataan?
Lord naman... Paano ako babangon ulit nito? Sagutin mo naman ako pakiusap..
Inisa-isa ko ulit ang mga litrato. Isa lang talaga ang tanong ko. Bakit? Ang bait ng anak ko. Napalaki namin siya ni mama ng maayos. Marami pang pangarap ang anak ko..
Unti-unting lumabo ang aking paningin. Sumisikip ang dibdib ko habang inalala ang sinabi ng pulisya sa amin. Parang hinulog na rin ako sa bangin.
"Ayoko pong i-detalye masyado, ma'am. Pero kailangan niyo rin pong malaman. Sa totoo po ay wala kaming nahanap na katawan ng iyong apo. Pwera na lang diyan sa mga ebedensiyang nasa plastic, masasabi po naming tuluyan pong.. Uhm.. Tuluyan pong pinaslang ng mga hayop doon ang anak ninyo."
Nakapikit pa ang mata ko niyan habang inaanunsyo ng pulis ang mga nakalap nila. I was still in coma, pero narinig ko. Narinig ko lahat. Kaya noong tuluyan akong magising kahapon ay binigwasan ko ng poot ang mga pulis, ang representative ng park, si mama, si Art.. Lahat sila.
Muntik pa akong atakehin ulit. Pero mabilis silang kumilos.
Sobrang hina ko ngayon. Gusto ko lang na gumaling agad nang mapuntahan ko ang lugar kung saan ko huling nakasama si Miracle at hanapin siya, bagay na hindi magawa ng mga pulis dahil sa paniniwala nilang wala na talaga ang anak ko at kinain ng mga hayop doon.
It's hard for me to accept this.. Downfall.. This is painful than any of those almost deadly heart attacks I encountered before.
Masama ba akong tao? Hindi ba ako nararapat maging ina?
Malalim akong nagpakawala ng hangin. Masama kong pinukolan ng tingin ang asul na kalangitan sa bintana. Galit ako sa Kanya. Pero mas galit ako as sarili ko. Hindi mangyayari 'to kung hindi ko siya hinayaang mag-isa. Punyetang pagkain.
"Krissa?"
Naabutan ako ni mama na ganoong masamang nakatitig sa kalangitan. Marahan niyang pinapikit ang mata ko at sinakop ako sa mainit niyang yakap.
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Romance[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021