-
-
-
"'Di joke lang. Ikaw, do you have a place in mind? Saan mo ba gusto?"
Umikot ang mata ko. Bakulaw talaga 'to. In the end napunta kami sa isang malapit na mall. Ngayon nag-aaway kami kasi gusto ko ng steak.
"Hindi nga pwede. Akala mo ba hindi ako ina-update ni 'Nay Lena? Dito tayo sa Lim's kasi maraming gulay. Huwag kang mag-alala, pareho tayong kambing ngayon. Kailangan ko rin mag diet."
May gana pa siyang tumawa. Wala na akong magawa. At least hindi naman ako nag-iisa sa pagiging kambing ngayon.
"Kamusta 'yong lawsuit laban sa 'yo?" Tanong ko habang naghihintay sa order namin. Bored siyang bumaling sa akin, nakapatong ang siko niya sa table at ang panga niya sa kamay.
Parang walang problema 'to ah. Mukhang wala lang sa kanya.
"We talked it out. Inatras na nila. I told them that my daughter died hence my poor performance infront the camera. But Kailangan ko pa ring galingan para makabawi. Renz was a great help." Aniya.
Napatango ako. "Mabuti naman. Kaya ba wala ka nitong mga nakaraang araw?"
Nakanguso siyang tumango. "May mga chismis din na kumakalat kaya nagpakalayo muna ako. I don't like their words against you."
Kumunot ang noo ko. Minsan ko lang mahawakan ang phone ko dahil kinukuha ni mama. Unless gaya ngayon na hindi kami magkasama. Pero hindi naman ako tumitingin sa internet kapag nahawakan ang phone.
"Bakit? Ano bang sabi?"
"Nah, your precious ears don't need to hear those harsh words. 'I love you' lang ang pwede riyan."
Timing na dumating ang order namin kaya hindi niya nakita ang pamumula ko. Panay ngiwi ang mukha ko dahil hindi talaga ako mahilig sa gulay. Parang sanay na siya dahil sunod-sunod ang pagsubo niya. Ilang beses nga akong napa-ismid sa isipan. Hindi naman masarap.
Paalis na kami nang mag ring ang phone niya. Hinayaan ko naman siyang pumunta muna sa restroom para sagutin iyon. Naiwan ako sa table namin na nililigpit ang mga plato. Para madali na sa tagalinis na kunin ito.
"Babe, tara na?" Agad kong inangat ang tingin sa pamilyar na boses. Kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming umalis na roon.
"Mahal, tumawag sa 'kin si Renz." Sabi niya. "Tinanong niya sa akin kung kasama ba kita kaya sabi ko oo. Sabihin ko raw sa 'yo na kung gusto mo ba kako dumalo sa christmas party ng firm."
Dahil sa sinabi niya ay nanlaki ang mata ko. Shit! Kailan nga ako huling nag-trabaho? Hindi ko na maalala! Gosh ang dami ko ng absent!
"Oh gulat ka? Pupunta ka ba? Pwede namang hindi rin. Tayo na lang magsasama." He cheekily smiled. Wala sa isip ko na nasapak ko siya.
"Pupunta ako. Shit ang dami kong absent! Ang mga kliyente ko! Oh my gosh!"
Inuwi niya agad ako ay mabilis akong nag bihis. Wala si mama ngayon dahil 24 hours sila sa ngayon resto lalo na't besperas ng pasko.
Isang puting dress ang sinuot ko. Ni-half ponytail ko ang buhok at naglagay ng kaunting makeup. Wala akong ibang heels kundi puro itim kaya iyong open toe ang sinuot ko.
Naghihintay si Art sa labas dahil ihahatid niya raw ako. Natigilan siya nang makalabas na ako. Kumunot lang ang noo ko. Bakulaw na 'to kung makatingin.
"Wow.. Gorgeous.." Mahinang sambit niya.
"Ano?"
"Sabi ko maganda ka. Para kang anghel. Well you have always been an angel." Sinapak ko ang braso niya at nauna na sa sasakyan para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Romance[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021