This is the last chapter. Thank you for reading my story!
-
-
-"Miracle!" Sigaw niya sa isip.
Hindi magkamayaw si Krissa nang may nakita siyang pagsabog na nagdulot sa kanyang katawan na kumislot. Mula sa daliri, pataas sa braso hanggang sa mata.
Nangangamba na na-e-excite si Elena nang madama ang munting galaw na iyon ng anak. Tumaas ang pag-asa niyang baka ngayon na ang araw na babalik ang anak niya.
Parang nasa karera nga ang puso niya nang makita ang unti-unting pagmulat ng mata ni Krissa. Finally! Matagal na nila itong hinihintay.
"Diyos ko! Renz! Renz! Gising na si Krissa! Tawagin mo ang doktor bilis!" Excited na sigaw ng ginang.
Sa tawag na iyon ay agad dinispatsa ni Renz ang laptop sa sofa para makita kung totoo ang sinasabi ng ginang at totoo nga! Hindi lang ang mata ni Renz ang bumilog, pati rin ang bibig niya.
Oh.. My.. God! Sa isip ni Renz. "My, my... Doc! Nurse!"
Agad itong tumakbo palabas. May halong saya at pangamba. Sa bawat pagbisita talaga nito ay palaging siya ang tumatakbo sa doktor. Parang ito na ata ang role na ginawad ni Lord sa kanya.
Nilibot ni Krissa ang mata sa paligid. Nang bumaba ang tingin niya ay doon niya napansin ang ina na mahigpit palang nakakapit sa kamay niya. Nakapikit ito habang nagsituluan ang luha. Animo'y nagdadasal habang umiiyak.
"Aa.." Ngayon lang naramdaman ni Krissa ang tubo sa bibig kaya iba ang narinig niya imbes na 'Ma'.
"Anak.. Diyos ko salamat. Salamat! Salamat!" Paulit-ulit na tugon ng ina niya habang humahagulhol.
Sinubukan ni Krissa na umupo sa kama para yakapin ang ina pero agad pumigil sa kanya ang pananakit ng katawan.
Kumunot ang noo niya dahil sa pagbabago na nakita sa ina. Kung noon ay may katabaan ang ina, ngayon ay pumayat-payat na ito. Imbes na mahaba rin ang buhok ay hanggang leeg na lang.
"Totoo ba, Renz? God, this is a miracle!"
Mas binilisan pa ng doktor ang paglalakad palunta sa silid ni Krissa. Kasama nito ang ibang doktor at nurse na naki-osyoso sa balita. Pagkakita nila sa pasyente ay sabay silang napasinghap.Totoo nga! Nagising na si Krissa. Ang binansagan nilang 'sleeping beauty' sa ospital.
Masayang nakangiti ang doktor ni Krissa. Naiiyak rin dahil sa wakas, makalipas ang pitong taon, ay nagkamalay ng muli ang kanyang pasyente. Hindi nila ito inaasahan kahit araw-araw silang nagdadasal na magising na siya. Parang mahirap paniwalaan.
"Krissa.. God.. Welcome back!" Paos na tugon ng doktor niya. Nagpalakpakan naman ang mga kasama nito sa likod.
Nagsalubong ang kanyang kilay sa narinig mula sa doktor. Bakit parang pinapahiwatig nito na nagmula siya sa malayo?
May nagbigay ng bulaklak sa kanya tsaka nagsi-alisan iyong nagkukumpulan sa pinto. Mabilis na nagsagawa ng tests ang doktor niya. Tinanggal na rin nito ang tubo sa bibig niya.
"W-wala naman akong n-nararamdamang kakaiba, d-dok." Sagot nito sa itinanong ng doktor. Bumaling siya sa ina para humingi ng tubig at agad naman siyang inabotan.
"Your chest? Wala bang masakit o kahit ano?"
Muli ay umiling siya.
"Hmm.. How about your head? Masakit ba? Ano ang nasa isip mo ngayon?"
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Romance[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021