"Krissa?! Anong ibig sabihin nit—"
Agad kong pinunasan ang basa kong mukha. Dali-dali akong tumayo para buksan sana ang pinto nang si Mama na mismo ang nagbukas noon. Shit naabutan niya pa akong ganito.
Nagsulubong ang kilay ko dahil unti-unting namumula ang mukha niya pagkakita sa akin. Tumulo ang luha mula sa mata niya na nagpa-trigger sa akin na umiyak ulit.
"A-anak..."
Naguguluhan ako pero naalala ko ang kinakaharap ko ngayon. Mas tumindi nga lang nang maramdaman ko ang mainit na yakap ng aking ina. Hinayaan ko lang ang pagbuhos ng kinikimkim kong sakit.
"Krissa anak..."
I didn't know I was hugging her tightly. Nabasa na rin ang damit niya dahil sa mga luha ko. Umalingawngaw sa aking silid ang hikbi namin ni Mama. Hinahaplos niya ang aking buhok habang mahinang umiiyak.
Ilang sandali pa at siya na ang kumalas. Sinapo niya ang mukha ko. Gusto ko iyong itago pero pinapaharap niya ako sa kanya. Wala akong magawa.
"Anak... Kailan lang? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Naiiyak na wika nito.
Shit alam na ba niya? Pero paano? Saan?
Umiling ako, "Hindi ko po alam ang sinasabi niyo, Ma."
"Huwag kang magsinungaling, Krissa. Sabihin mo sa akin, anak. Huwag kang matakot. Makikinig ako sa 'yo. Sabihin mo lang ang totoo pakiusap."
Mas naluha ako. All this time I thought she would disown me. Akala ko ipapalayas niya ako kapag nalaman niya. I even packed in advance at ilang gabi na akong hindi makatulog dahil dito.
I'm still a student. Wala pa akong matinong trabaho.
Magsisinungaling sana ako ulit pero tinaas niya ang dalawang bagay na binasura ko nitong mga nakaraang araw. 'Yung copy ng waiver na sinulat ko noon at ang ultrasound pictures.
"Totoo ba 'to? T-totoo ba?" pumiyok ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Romance[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021