-
-
-
Nang magising si mama ay nagpaalam na si Renz. May aasikasuhin pa raw ito sa firm pati na iyong mga kinakaharap ni Art na problema.
Ngayon ko lang na realize na may trabaho nga pala ako at maraming araw na akong absent! Sabi naman ni Renz na okay lang at siguraduhin ko munang okay na ako tsaka ako babalik sa trabaho.
Sumubo muli ako ng mansanas habang pinagmamasdan lang si mama sa ginagawa niya. Nililigpit niya ang bag kung saan may mga damit namin. Isa-isa niya iyong tinu-tupi.
Masinop kong sinusundan ang bawat galaw niya. Nagsasalita rin siya. Kinakausap niya ako kahit hindi naman.ako sumasagot. Inaaliw siguro ako lalo na't iyon ang sabi ng doktor.
"... binatuhan mo pa ng laruan 'yong kalaro mo noon sa Laparan. Dumugo ang noo niya kaya umiyak ka rin. Sabi mo pa nasugatan ang kalaro mo e ikaw naman may gawa no'n." Natawa siya. Tumayo siya at nagsimulang pulutin ang mga kalat sa mesa. Inayos niya rin ang mga halaman dito sa loob habang panay ang kwento niya sa akin.
"Ma,." Putol ko sa kanya. Automatikong lumingon siya sa akin, nag-alala na para bang nasaktan ako ng hindi niya alam. Maliit akong ngumiti at tinabi ang plato ng mansanas. Binuka ko ang aking braso.
Napailing siya pero lumapit pa rin sa akin. Nang makaupo siya sa kama ay niyakap ko agad siya.
"Ma, kamusta ka na?" Bulong ko, tama lang para marinig niya.
I lost Miracle. Until now hindi ko pa rin tanggap na bigla lang siyang binawi sa akin ng ganoon. Kumbaga pinaranas lang sa akin ni Lord kung paano maging ina. Kung paano makapiling ang bata na ipinalaglag ko noon. Para bang pinarusahan ako sa padalos-dalos kong desisyon.
But I believe wherever my baby is right now, she's in safe place. I bet nakita niya na roon ang totong magulang niya. Ang pamilya niya. I just need to give her the peace that she deserves.
It's now back to me and my mother. Gusto ko ng palayain ang kaluluwa ni Miracle. Aayusin ko muli ang buhay. Nasabi na sa akin ni mama na ang park na mismo ang gumastos sa libing ng anak ko. Pagkalabas ko rito ay doon ako unang bibisita.
What Renz told me made me realize an important promise.
Ayokong maiwan mag-isa rito si mama kung sakaling magpatuloy akong maging ganito. Magpapagaling na ako. Tatanggapin ko iyong sinabi ng doktor na maga-therapy. Alam kong hindi magiging madali. Pero hindi ko babaliin ang pangako namin ni Miracle. Pareho kaming nangako sa isa't isa na huwag pababayaan si mama mag-isa.
Tsaka natakot ako sa sinabi ng doktor na baka lumala pa ang sakit ko sa puso ngayong nagiging pabaya na ako sa sarili ko. Naalala ko rin noong nagpa-heart transplant ako, ang pinaka rason kung ba't nag-Maynila kami, sabi ng doktor ay baka i-reject ng katawan ko ang bagong puso. So far wala naman akong nararamdamang ganoon. Isang taon pa ang pusong ito sa akin. Pero kahit ganoon ay hindi dapat ako makampante dahil maaaring i-reject pa rin ng katawan ko kahit taon na ang lumipas pagkatapos ng surgery.
Kailangan ko na talagang bumangon.
"Okay lang naman ako, 'nak. Ikaw ba? May nararamdaman ka ba?
Umiling ako, "Wala naman ma. Kumain na po ba kayo?"
"Hindi pa-"
Natigilan kami sa katok. Nang sinabi ni mama na pumasok raw ito ay niluwa no'n si Art na may dalang paper bag. Simple lang ang porma niya ngayon. Pantalon at gray na t-shirt na halatang hindi plantsado. Magulo rin ang buhok na parang bagong gising.
Natigilan ito nang makita akong gising sa likod ni mama. Parang nakakita ng multo.
"Art sakto ang dating mo." Si mama na lumapit para makapagmano si Art.
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Romance[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021