Palabas na ako ng firm para maglakad patungo sa sakayan nang huminto ang itim na sasakyan sa gilid ko. Bumalot sa didibdib ko ang takot. Mas binilisan ko ang paglalakad sa pag-aakalang baka'y kidnapper iyon.
Kita ko sa peripheral vision ang pagbaba ng bintana kaya mas binilisan ko ang lakad.
Jusko ba't ba 'to nakasunod?
Inipon ko ang aking lakas. Napakagat ako ng labi at malalim na huminga. Pagsasabihan ko sana nang mauna na itong magsalita. Narinig ko ang pamilyar na boses na nagpawala ng kaba ko.
"Krissa! Hatid na kita, come get in!"
Dumuko ako at nakita kong ibinaba ni Art ang suot niyang sunglasss. Tanga ba 'to? Gabi na nga naka-wayfarer pa? Ambobo.
At the same time I felt relieved dahil hindi pala ito kidnapper. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkataon.
"Thank you sa offer pero magta-trisikel ako." I shortly waved at him before walking away.
Tss 'kala ko ba wala ng mamemeste sa akin. Ba't ba bumalik iyon?
Hindi na ako tumalikod para tingnan ito. Deretso lang ang lakad ko papuntang sakayan. Sobrang dami ng tao kaya sana ay may masakyan pa ako.
Rush hour din kaya siksikan talaga. Kung marunong lang sana ako mag-motor para walang hassle at mabilis makalusot sa traffic, hindi sana ako nahihirapang makasakay pauwi.
Buong akala ko wala na siya. Pero nang hinawi ko ang makapal kong buhok dahil sa malakas na hangin ay nahagip ko na mahinang umaandar ang sasakyan nito sa gilid ko para sundan pa rin ako.
Agad kumunot ang noo ko. Mahina rin akong napa-buntong-hininga.
Hays sabing ayaw, e'.
"Sakay na, Krissa. Baka may makakita sa atin dito," aniya, mas tinaasan pa ang boses para marinig ko.
Umikot ang mata ko at humalukipkip.
Tss.. He's still the same jerk. 'Yong career pa rin niya ang inaalala niya. He shouldn't have done this if he's worried about people seeing him. Hindi ko naman siya inutusan na sunduin ako.
"Umalis ka na. Hindi naman kita sinabihan na sunduin ako ah? Shoo! Go away!" Iminuwestra ko pa gamit ang kamay na umalis siya.
Nakita kong pinilig niya ang ulo.
"Kung makabugaw.. Tss.. Hindi ako aso, Krissa. Sa gwapo kong 'to..."
Nagsalubong ang kilay ko dahil 'di ko narinig ang panghuli. Tatalak-talak tapos hindi maririnig ng kausap, buti pa huwag na lang magsalita.
"Alam mo kulang na lang talaga maniwala akong may feelings ka pa sa akin. Bakit mo ba ako tinatanggihan?" ani ng hambog.
Umirap ako at humalukipkip. Koya assuming ka po ang sarap mong sapakin sa gums.
"Eh, sa ayaw ko nga. Pake mo? Tsaka matagal ng nabura sa isip ko ang nakaraan, Mr. Canlas. Ikaw nga siguro itong may feelings pa, e'. Past is past. Never discuss," may diin kong saad.
Napatigil lang ako nang mag ring ang phone ko. May sasabihin pa sana ako para umalis na ang pesteng ito, e. Hindi lang natuloy dahil nakita ko ang pangalan ni Mama sa screen.
"Paano kung meron pa nga?" rinig kong sabi niya.
I froze. Muntik ko ring mabitawan ang cellphone buti na lang ay agad ko itong nahawakan ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Romance[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021