Nabalik ako sa huwisyo nang tapikin ako ni Mama sa pisngi. Nakarating na pala kami.
Nauna akong bumaba dala ang magandang bulaklak na binili namin kanina habang papunta rito. Ang malamig at preskong hangin ang agad sumagi sa aking balat. Hinayaan ko lang na tangayin nito ang mahaba kong buhok.
Nakakabingi ang katahimikan pero normal naman ito sa lugar na ito. Alangan naman na magsaya ang mga kalansay dito. Walang masyadong tao maliban doon sa mga nagbebenta ng bulaklak at mga kandila sa tabi-tabi.
"Dito ba iyon, anak?" Napalinga si Mama sa paligid.
Mahina akong humimig at tumango tsaka naunang naglakad. Pagkarating namin ay nilapag ko ang dala kong bulaklak habang sinindihan naman ni Mama ang dalawang kandila.
"Anak ko..." bulong ko habang hinahaplos ang mga letrang nakaukit sa lapida ng aking anak.
Naramdaman kong marahan na hinahagod ni Mama ang likod ko kaya napangiti ako at the same time naiiyak. Napaka-swerte ko sa ina ko. Hindi niya ako hinusgahan at itinakwil dahil sa sitwasyon kong ito.
Marami na siyang rason para kalimutan ako katulad nitong sakit ko sa puso pero ginawa niya ang lahat para mapahaba pa ang buhay ko. Habang-buhay akong magpapasalamat sa Diyos dahil sa biyayang ito. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ako inunawa at inalagaan ni Mama.
Pumwesto siya sa tabi ko para mahawakan din ang mga letra sa semento.
'Baby Nieves'
Last name ko ang pinalagay ko riyan. Art lost his right to call this child his the day he chose his career over me, over us. Wala na siyang karapatan sa amin.
**
"Let's break up, Krissa. I had a good time with you pero dito na magtatapos ang araw na iyon. It was great fucking you," he smirked, "Kung ayaw mong may memorya ka pa sa akin, ipalaglag mo 'yang bata sa sinapupunan mo. My career is more important than staying in one house with you.. pregnant and ugly," nakangiwing sabi niya after I went back to his condo the next day.
Naabutan ko lang naman siyang may kalaplapan sa loob at 'yong babae niya ay tinago niya sa kwarto niya. Iyon lang naman ang partner niya sa isang shoot na nagpaputok ng pangalan niya sa industriya. Walang hiya!
Sunod-sunod ang pagpatak ng mga butil ng tubig sa mata ko. Hindi ko na rin napigilan ang paghaplos sa munti kong tiyan. Baby...
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Romance[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021