-
-
-My eyes never leave the blank wall in front of me. Parang nanigas na rin ang mata ko dahil minsan lang ako kumukurap.
"Please be gentle with her. Kung maaari huwag niyo siyang pabayaan mag-isa. Aliwin niyo. Kausapin niyo kahit hindi siya sumasagot. With the symptoms shown, Krissa right now is depressed. Good thing you quickly brought her here before the worst could happen..."
Gusto kong iikot ang mata sa narinig ko mula sa doktor. Nasa labas niya kinausap si mama. Nakaawang kaunti ang pinto kaya rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila.
Hindi ako depress. Tama. Hindi ako depress.
Gusto ko lang mawala na rito. Gusto kong samahan ang anak ko. Takot na siguro iyon ngayon sahil nag-iisa lang siya kung saan. I can't bear seeing my baby cry. Sumisikip ang dibdib ko kapag nagkataon.
Hindi ko na kinaya ang pagsakit ng mata ko kaya nagpahinga na ako. Sinandal ko lang ang ulo sa dingsding, not bothering to lie down properly.
Nang mamulat kong muli ang mata ng kaunti ay may kumikiliti sa braso ko. Base sa kamay at nunal nito sa gilid ng hintuturo ay si Art iyon.
Dahil sa pagod na rin ay hinayaan ko ito imbes na singhalan at paalisin. Ngayon ko lang din napansin na tuluyan na akong nakahiga ng mabuti sa kama. Bago pa ako hatakin ng antok muli ay napaki-ramdaman ko pa ang sinusulat nito sa braso ko.
I.. L.. Y.. S.. M..
"Katawag ko pa siya noon. Kung alam ko lang na gano'n na pala ang nangyari sana hindi muna ako umuwi ng Cebu."
"Binisita mo ba ang lola mo roon, Renz?"
"Hindi po, tita. Nagkasunog po 'yong Joy House. Kailangan kong asikasuhin ang mga naroon sa foundation ni mom."
"Naku kamusta ang mga bata roon? Marami bang nasaktan?"
Sunog? Sunog! Ang anak ko!
"Miracle!" Agad akong bumangon, hinihingal, nang hindi ko magawang isalba ang anak ko sa mga humihila sa kanya papasok sa nasusunog na building.
Gulat na napatingin si mama at Renz. Dinaluhan agad ako ni mama at niyakap. Dahil na rin sa takot at pangungulila ay nauwi na naman sa pagdaloy ng tubig mula sa aking mata ang eksena. Habol-habol ko pa rin ang hininga habang nakakapit ng mahigpit kay mama.
"Renz, tawagin mo ang doktor," utos niya. Sinakop ni mama ang pisngi ko, pilit akong pinapatingin sa kanya.
"M-ma.. S-si Miracle.. Ang anak k-ko.."
"Shhh... Andito lang ako, anak.. Shh.. Tahan na.." Pag-alo niya sa akin. Tumango ako. Sinusundan ko ang paghinga niya para kumalma ako.
"Krissa!" Sabay kaming napabaling sa malakas na pagbukas ng pinto. Lumapit agad sa tabi ko si Art. Taranta niyang nilapag ang dala niyang paper bag para daluhan at himasin ang likod ko.
Kumunot ang noo ko. Hindi ba ako naging malinaw sa sinabi ko sa kanya?
"A-anong ginagawa mo rito?" Inalis ko ang kamay niya sa likod ko. Pinahiran ko ang basa kong mukha. Bumuntonghininga siya at akmang kukunin ang kamay ko pero nilayo ko iyon.
"Mahal—"
"Huwag mo akong ma-mahal mahal, Art! Bakit ka pa nandito? Hindi ba malinaw sa'yo na ayaw kong makita ang pagmumukha mo? Tapos na ang responsibilidad mo kaya umalis ka na!" Nanggigigil ako. Lalong-lalo na't malapit lang siya sa akin. Gusto ko siyang sampalin pero ramdam ko ang panghihina ko.
"Krissa, I won't leave. My intentions were clear and genuine. Aayusin ko tayo. So please, don't ask me to leave." Direkta siyang nakatingin sa akin para siguro makita ko ang sinceredad niya.
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Romansa[FIN] "Seven dreadful years of being apart from you, now I'll do everything to make our young plans and dreams come true." - Arthur Canlas -- A STORY IN TAGLISH. start:12·26·2020 end: 03·28·2021