14

28 0 0
                                    

-
-
-



Umikot ang mata ko nang matagpuan si Art sa labas ng firm. May hawak itong bouquet at busy sa cellphone habang nakasandal sa sasakyan niya.

"Awit! Ikaw ha kayo na ba ulit ni Artor? Dumadalas na 'yang pagsusundo niya sa'yo ah at may pa flowers pa. Kahapon nag-date  pa kayo sa Lim's. Ano itong kaharutan na ito, Inday Kris?"

Agad kong tinampal si Renz. 'Kala ko ba nakalimutan niya na iyan. Noon kasi ay ganyan siya magsalita. Wala naman akong reklamo pero nakakatawa kasi. Lalo na kapag nanenermon.

"Date ka riyan. May kasama kasi kami kahapon. May contract signing sa panibagong gig niya." Nag-apply ako ng pabango at tsaka inabot kay Renz ang lipstick ko para siya na maglagay sa akin.

"Asus hindi naman iyon ang tinutukoy ko. Ang point ko ay nag-date kayo pagkatapos ng contract signing. Naku, babaita pag 'yan si Art iniwan ka na naman hindi lang siya ang sasakalin ko. Ikaw rin. Ang tanga mo bruha ka."

Sinamaan ko siya ng tingin. Makalagay ng lipstick 'to kulang na lang mabali iyon. Langya.

Naglakad na kami sa revolving door nang matapos si Renz sa pinapirmahan sa kanya ng front desk. I gave him a hug bago kami mag-iba ng daan pauwi.

"Tandaan mo ang sinabi ko, Krissa. Send my regards to Miracle. Sabihin mo may surprise ako sa kanya sa pasko." Nag-beso kami tsaka siya pumasok sa van nila. Tinatamad daw siyang mag drive kaya ayan nagpasundo.

Lumakad na ako papunta sa sasakyan ni Art nang may babaeng lumitaw nang bumaba ang bintana ng sasakyan niya. Sandali silang nag-usap at nang tinaas niya ang ulo para tingnan ang bukana ng firm ay tinago ko ang sarili sa likod ng poste.

Nagsalubong ang kilay ko nang pumasok siya ng sasakyan niya at umalis kasama iyong babae.

Sino 'yon? Girlfriend niya ba? Maputi iyong babae at may katangosan ang ilong. Para rin siyang model. Girlfriend niya ba iyon sa Amerika?

Puta pinaglalaruan ba ako ni Art? Kasinungalingan ba iyong mga sinabi niya?

Hindi ko alam kung ilang bato na ang nasipa ko dahil sa inis habang patungo ako sa sakayan. Hayop na Art na 'yon. May pa 'Let me make up to you,' pang nalalaman. Ganoon ba ang ibig sabihin niya?

Kung ganoon no thanks na lang. Hindi welcome ang panibagong sakit sa puso at ulo ko ngayon.

Ang tanga ko nga. Tama nga ulit si Renz.

May libreng trisikel kaya sumampa na ako roon. Hindi pa man lumapag ang pwet ko sa upuan ay may humila na sa akin. Langya ang sakit pucha.

"Krissa! Thank god it's you I saw walking on the side," hinihingal na turan ni Art. O ba't 'to nandito? Sino ba may-ari ng asong ito at nakalapit pa sa akin?

"Bakit ka ba nanghihila? Alam mo bang nabangga ang tuhod ko riyan sa bakal dahil sa hila mo?" Inis kong sabi. Aish mamumula na naman ito mamaya.

"Sorry, babe," binitiwan niya ang braso ko. "Tara na sabay na tayo umuwi. Naghihintay na sila sa'yo sa bahay."

Nanlisik ang mata ko sa sinabi niya. Babe?! At may gana pa siyang tawagin akong ganyan ah. Lakas ng loob!

"Che! Uuwi akong mag-isa, Canlas. Doon ka bumalik sa babae mo. Huwag mo ako ma 'babe, babe'. Babawi raw pero babaero pa rin. Tsk! Tara na po, manong. Sa Manobo po." Inirapan ko muna siya tsaka sumakay muli sa trisikel.

Inabot ko ang bayad kay manong at bumaba na. Binilisan kong lumakad nang makita kong paparating na si Art sa bahay. Sumunod pa talaga. Tsk!

"Ma? Ikaw lang po mag-isa? Where's papa po?" Bungad sa akin ni Miracle nang makapasok ako. Nasasanay na talaga si Miracle sa presensya ng bakulaw na iyon. Hindi ko alam kung paano ko ipaiintindi sa kanya na walang kwenta ang lalaking iyon.

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon