Nagising akong nasa bahay at nakahiga sa aking kuwarto. Nakita ko pa si Daddy na nasa study table ko at nagfafacebook sa laptop ko habang si Mommy ay nakaupo at nakayuko sa tabi ko habang hawak ang aking kamay. Natutulog yata.
Pilit ko namang inalala kong bakit nandito na agad ako sa aking kuwarto gayong wala akong matandaan na nakauwi ako.
*** Flashback ***
Natuod ako sa aking kinatatayuan at halos hindi makapaniwala sa lahat ng narinig ko. Kitang kita ko pa ang papalayong bulto ni Axxel at rinig na rinig ko rin ang bulungan ng mga tao na nasa cafeteria.
Kitang kita ko rin ang gulat sa mukha nina Amber at Keith habang sina Ivan, Eroy, Bradley at Sugarol ay kalmado lamang. Si Elmer naman ay nakayuko at nakakuyom ang kamao.
“Hindi! At hindi ako magiging okay hanggang nandito ka. Mang aagaw!”
“Hindi! At hindi ako magiging okay hanggang nandito ka. Mang aagaw!”
“Hindi! At hindi ako magiging okay hanggang nandito ka. Mang aagaw!”
Paulit ulit na umaalingawngaw sa aking tenga at isip lahat ng katagang binanggit ni Axxel. Ilang minuto akong nakatayo lamang at hindi makagalaw dahil sa sobrang gulat. Mang aagaw? Ako? Seryoso ba siya? Ano namang inagaw ko sa kaniya?
Ang daming tanong sa isip ko ng mga oras na iyon na walang kasagutan dahil alam kong na kay Axxel lahat ng sagot. Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa para sundan si Axxel ng hawakan ako sa kamay ni Elmer.
“Stay. Ako na ang kakausap.” walang emosyon nitong sabi.
“No, I'm not going to be that weak girl anymore. Punong puno ako. Mang aagaw?! Ha! FYI wala akong inagaw!" nanggagalaiti kong sabi.
"Bitawan mo ako. Pupuntahan ko muna ng magkaalaman kaming dalawa kung sinong mang aagaw!" dagdag ko bago binaklas ang kamay na nakahawak sa akin at nagmartsa palabas ng cafeteria.
Nang makalabas ay agad kong hinanap si Axxel. Hinalughog ko lahat ng pwedeng tambayan at nakita ko naman siyang nakaupong mag isa sa may gazebo.
“Axxel mag usap nga tayo.” saad ko ng makalapit ako sa kaniyang kinaroroonan.
Nakita ko siyang natigilan at ng siguro ay makabawi ay agad siyang tumayo upang lumabas ngunit hindi ko naman hinayaan.
“Axxel! I’m serious lets talk.” malamig kong saad habang nakahawak sa kaniyang kamay upang pigilan siyang umalis.
“We don’t have anything to talk about.” malamig na saad nito na halatang iniiwasan ako.
“WE have a lot to talk about, now sit.” maawtoridad kong saad na sinunod naman niya. Susunod rin pala tss.
“What’s your problem? You know that since before I treasure you a lot because best friend kita at kapatid na ang turing ko sayo. So why the hell would I do that pang aagaw thing? Anong inagaw ko?” tanong ko agad.
“Are you done talking? Kasi kung oo aalis na ako.” walang ganang sagot nito. What the?!
“Ano ba talagang problema mo!” hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses dahil sa inis.
“Sagutin mo ako Axxel hindi ako nakikipagbiruan sa iyo.” seryosong saad ko.
“Gusto mo talagang malaman ha Lovaiine? Gusto mo talagang malaman kung anong problema ko?” nanggagalaiti sa galit nitong saad.
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
RomanceLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...