Chapter 12

45 0 0
                                    

I did cut ties with Jericho simula ng gabing iyon. I blocked him in any of my social media accounts. Pati number niya naka block din. As in no more connections and conversations anymore.

Sobrang tahimik tuloy ng buhay ko. Para akong loser na lonesome, laging nag iisa sa campus. Kung tatanungin niyo si Faxxel kung nasaan at bakit nag iisa lang? Parehas tayo ng tanong.

Hindi na kasi kaming dalawa nagkakasama. After her birthday naging parang sobrang busy na niya. No more conversation na nga rin kasi biglang nagpalipat ng section ang gaga. Chinachat ko nga pero hindi na nagrereply sa akin pati sa text. Parang naglaho lang bigla sa buhay ko no more explanations and such.

*** A month after ***

Nasa room ako abala sa pagbabasa ng isang makapal na novel. Wala akong teacher kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa. Nasa akto na akong maglilipat ng pahina ng biglang nangalabit itong katabi ko.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Samahan mo muna ako magmamarites tayo. Nandoon sila lahat eh tayo nalang naririto. I'm getting curious din kasi." kakamot kamot sa ulong saad niya.

Nilibot ko ng tingin ang classroom. Kaming dalawa nalang talaga yung tao.

"Saan?" naiintriga ko ring tanong. Umandar rin bigla pagiging marites ko. Kaloka!

"Follow me." saad nito. Sumunod ako. Napunta kami at nakisali sa nagkukumpulang mga tao. Bakit parang deja vu na naman to?

"Anong mayroon?" tanong ko sa isang estudyanteng kasama kong nakikimarites sa nagkukumpulang mga estudyante.

"Ah, kilala mo si Sharra Faxxel Alcantara?" tanong nito na hindi man lang ako tiningnan. Nagsalubong ang dalawa kong kilay.

"Oo bakit?" tanong ko ulit.

"May nanliligaw kasi sa kaniya. Sanaol ganiyan ka ma effort at sweet." kumento nito na parang kinikilig.

Ah I see...

Hindi na ako nagulat ng magsumiksik ako sa harapan at makita si Faxxel at si Jericho. As expected already.

"Faxxel my love, will you be my girlfriend?" tanong ni Jericho habang nakaluhod sa harapan ni Faxxel.

Hawak hawak nito ang isang bouquet ng pulang rosas at isang box ng ferrero chocolate. Habang nasa likuran naman niya ang dalawang lalaking may hawak ng tarpaulin na may litrato ni Faxxel at nakasulat na 'Please say YES'.

Tssk. Jejemon.

Luminga linga itong si Faxxel na parang may hinahanap at ng magtagpo ang mata naming dalawa ay bahagya itong ngumiti sa akin at nagwika. "Yes, I would love to."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I feel so betrayed the second time right now. Tatalikod na sana ako at aalis ng biglang tinawag ni Jericho ang pangalan ko.

"Angel?" tawag nito sa boses na hindi ko mapangalanan. Parang may lambing at pangungulila? Stop it self! Guni guni mo lang iyan.

Purest-Tainted HeartWhere stories live. Discover now