Hindi ko alam kung ilang minuto akong nalulula sa pagtitig sa kaniyang mga mata. Habang ginagawa ko naman iyon ay labis na kaba ang aking nararamdaman.
Naroon iyong pakiramdam na parang gustong lumabas ng aking puso sa kaniyang kinalalagyan ngunit sa sandaling panahon lamang. Pareho kaming nagtitigan ng ilang minuto na parang inaalisa ang isa’t-isa.
Nakakakunot pa ang mga makakapal at itim nitong kilay habang ako ay kaniyang tinititigan. Hindi rin naman ako nagpatalo sa pakikipagtitigan.
This guy has a foxy blonde hair color that was styled into a crew cut, he has this aquiline nose, thin full rosy lips and yeah, a pair of sapphire eyes. He has well built body also and a toffee colored skin. He is wearing all white starting from his shirt, to his jogger pants and his Fila shoes.
Hahakbang na sana siya palapit sa akin at akmang magsasalita ng marinig ko ang boses ni Daddy.
“Baby nasaan ka?” saad ni Daddy.
Lumingon ako kay Daddy at binigyan siya ng ngiti ng magtagpo ang aming mga mata. Hahakbang na sana ako palapit rito ng maalala ang lalaki kanina kaya lumingon ako sa dating kinatatayuan niya kanina ngunit wala na ito. Nilibot ko pa ang aking tingin pero wala na akong nakita ni anino nito.
“Baby sinong hinahanap mo?” tanong sa akin ni Dad ng makalapit ito sa akin.
“May nakita ka bang lalaki kanina na nakaputi lahat Daddy?” curios kong tanong sa kaniya. Kumunot naman agad ang noo nito at humawak sa kaniyang sentido.
Nag iisip yan kapag ganiyan.
Hinintay ko muna ang kaniyang sagot ngunit maya maya pa ay nanlalaki ang kaniyang mga mata na tumitig sa akin.
“Baby, anong nakaputi na lalaki wala naman akong nakita na kausap mo rito. Nakakakita ka na ng multo ngayon baby?” palinga linga niyang sabi.
Napahawak naman agad ako sa braso ni Daddy. Wahh. Multo raw eh bakit parang totoo?
“Wahh, seryoso ka ba riyan Daddy wala ka talagang nakita? Uwi na tayo Daddy ayoko sa multo.” huling saad ko bago natagpuan ang sariling hila hila ni Daddy dahil mas takot rin ito sa multo.
***
Nang makarating kami sa bahay ay naabutan naming dalawa ni Daddy sa sala si Mommy nanood ng Dragon Ball.
“We’re home,” agaran kong sabi at humalik sa pisngi ni Mommy.
“Welcome home nak,” sabi naman niya at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
“Kamusta school mo?” dagdag pa nito.
“Okay naman Mom as usual nakakapagod. Akyat na po muna ako magbibihis lang ako.” sagot ko at gumanti rin sa yakap niya. Nakiyakap din sa amin si Daddy.
Pagkatapos ng yakapan na nangyari ay umakyat na ako sa aking kuwarto. Inilagay ko muna ang aking mga gamit sa tamang lagayan bago nagbihis at humiga sa kama. Pagkalipas ng ilang sandali ay hindi ko namalayang natangay na pala ako ng antok.
“Angel, hey!” rinig kong tawag sa akin ng isang boses lalaki kaya napalingon ako. Nakita ko ang tumatakbong lalaki patungo sa aking direksiyon.
“Ahm h-hi,” hinihingal nitong sabi ng mapatigil sa aking harapan. Nakayuko parin siya kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha.
“Hello, kilala po ba kita?” sagot ko rito. Napaangat ito ng tingin sa akin at kinunotan ako ng noo. Pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko kung hindi ang kaniyang mga mata. Mga matang parehong color sapphire.
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
RomanceLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...