Naalimpungatan ako dahil parang may yumuyogyog sa balikat ko.
"Love, gising!" sabi ng isang boses.
Sino ba itong isturbo sa tulog ko?! Hindi ko ito pinansin ngunit sadyang makulit talaga ang human na ito. Kaya naman bumangon nalang ako at papikit pikit pa habang nagkukusot ng mata.
"Bakit?!" saad ko sa nanghihimutok na boses! Isturbohin ba naman beauty rest ko!
"Ano bang kai-" nabitin ang sasabihin ko ng mapagtanto kung sino ang nasa harapan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Anong ginagawa nito rito?
"Drake? Bakit?" tanong ko ng makabawi. Inayos ko muna ang sarili ko baka kasi may laway pa tayo nako! Nakakahiya.
"Kanina pa kasi kita hinahanap. Hindi kita mahagilap sa campus, nandito ka lang pala." naiiling nitong ani bago umupo sa tabi ko.
Kinabahan naman ako. Heto na ba yung hinihintay kong confrontation? Ready na ba ako? Susmeyo!
"Ah eh, bakit naman hinahanap mo ako? May kailangan ka ba?" tanong ko. Ngumiti lang ito ng pilit.
"I'm here to apologize, about what happen. I'm really sorry, Love." madamdaming saad nito.
Kinapa ko ang aking puso. Bakit wala akong maramdamang sakit?
"Ah okay, apology accepted." sagot ko. Natigilan naman siya.
"You're not mad at me? Ganoon lang iyon?" naguguluhan nitong tanong.
"Alam mo Drake, isa lang naman iyong narealize ko sa nangyari. Alam mo kung ano iyon?" ani ko.
Umiling lang siya bilang sagot.
"It is to let things happen on its own. It is to let go of the things that I cannot control in the first place. Aaminin ko nasaktan mo ako ng sobra, feeling ko wala akong kuwenta kasi I'm pretty sure na hindi ko deserve maiwan sa ere. But what can I do?" naiiling kong saad.
"I'm really sorry, Love. I meant it." madamdamin nitong paghingi ng tawad.
Ngumiti lang ako at tinitigan siya ng diretso.
"It's okay. I think I've already accepted what had happened. Tsaka gusto ko talagang magalit sayo pero ewan ko ba hindi ko kaya. Maybe because I love you that much and maybe it is because your my first love. I don't know what's your reason of doing such thing and I don't want to know as well." ani ko.
Hindi naman siya sumagot.
"Apology accepted so you don't have to feel guilty anymore. Isa lang naman yung gusto kong makita sayo. Iyon yung maging masaya ka. And I can see that you're happy even though that broke me. I'm letting you go, I'm letting you fly. So sana, mahalin ka rin ng minamahal mo ng labis pa sa pagmamahal na binigay ko." nakangiti kong sabi.
Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin at kinabig ako sa isang mahigpit na yakap.
"Salamat Love." bulong niya. Ngumiti lang ako at tinapik ang kaniyang balikat.
"Hatid na kita? Mag gagabi na eh." saad nito pagkatapos akong yakapin.
Tiningnan ko agad ang kapaligiran. Madilim na nga. Ganoon ba kahaba yung tulog ko para maabutan talaga ng gabi? Shocks!
"Sige. Tara na at baka mag rap na naman sa akin si Mommy." sang ayon ko nalang.
Naglakad nga kami pauwi. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay.
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
RomansLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...