Hindi ko alam na dahil sa kung ano man ang nararamdaman ko ngayon ay kumuha na pala ako ng malaking slice ng pizza at diritso ko itong kinain kaya nabulunan ako.
Hindi naman magkamayaw si sugarol at si Eroy kung ano ang kanilang gagawin ng makitang nahihirapan akong huminga. At hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari dahil nawalan ako ng malay.
Nagising ako ng sobrang sumasakit ang aking ulo. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng lugar kung nasaan ako at base sa nakikita kung mga puting kurtinang nakatabing ay nasisiguro kong nasa langit na ako.
Tatayo na sana ako ng maramdaman kong may nakahawak pala sa aking kamay. Tinabing ko muna ang kurtina dahil natatabunan nito ang nagmamay ari ng kamay na nakahawak sa akin. Dahil sa ginawa ko ay nagising ang lalaki.
“Anong ginagawa mo rito? Kasama rin pala kita hanggang dito sa langit ah galing pinagdidikit tayo ng tadhana,” natatawa at napapailing kong saad kay Elmer.
Akalain mo naman talaga hindi ako iniwan sinamahan ako sa langit. Kinikilig ako nakss!
“Anong nasa langit? Nasa clinic ka lang Angel.” natatawang sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko at muling nilibot ang kabuuan ng room. Napakamo nalang ako sa ilong ko at natatawang nag angat ng tingin sa kaniya.
“Ah nanaginip kasi akong nasa langit na ako. Tsaka nakakita kasi ako ng guwapong anghel kaya akala ko talaga nasa langit na ako," nahihiyang sabi ko.
“Bakit pala ako nandito? Anong oras na? At bakit kasama kita?” sunod sunod kong tanong habang nakakunot ang aking noo dahil inaalala ko ang nangyari.
“Nahimatay ka kasi kaninang 2 p.m. hinatid kita rito kaya kasama mo ako.” sagot niya.
Napatango tango ako. Nahimatay pala ako at 2 p.m na.
“Ano! 2 p.m! OMG! Bakit hindi mo ako ginising? Absent na ako!” tarantang saad ko at dali daling bumaba sa kama.
Muntik pa akong matumba buti nalang at nasalo niya ako.
"God! Be careful will you!" pasigaw niyang sabi na ikinatigilko."Hayaan mo na pinaalam na kita! You're not absent but excused! So lie down. Now!" dagdag pa nito. Hindi ko alam pero parang maiiyak ako. Sumisikip yung dibdib ko at nahihirapan ulit akong huminga. Hindi nagtagal ay tumakas na ang ilang butil na luha mula sa aking mga mata.
"Bakit ka naninigaw diyan. Sorry naman,” nakayuko kong saad dahil ayokong makita niyang umiiyak na ako dahil lang pinagtaasan niya ako ng boses.
First time ko kasi ito kasi sina Mommy at Daddy never naman akong sinigawan eh.
“Angel, look at me. Look at my eyes," sabi niya na hindi ko sinunod.
Bigla ring nagbalik sa akin ang mga ala ala ng mga kaganapan sa cafeteria at sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nagtataas baba na ang aking balikat senyales na talagang umiiyak na ako.
“Geez!” sabi niya bago ako kinabig sa isang mahigpit na yakap.
“I’m sorry I didn’t mean to raise my voice. I'm just worried! You made me worry so much ng mawalan ka ng malay. Sorry sorry. Shhh stop crying.” pag aalo nito sa akin.
Nanatili lang akong natuod sa aking posisyon dahil hindi ko inaasahan ang yakap na igagawad niya sa akin.
Natulala lang ako sa kawalan. Naramdaman ko nalang na tinapik tapik na ang mukha ko.
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
RomanceLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...