Pagkauwi ko ay agad akong pumasok sa aking kuwarto. Gusto ko munang matulog ng makalimutan ko kahit saglit ang kung ano mang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Naligo at nagbihis muna ako ng pampatulog at pagkatapos ay humiga sa kama. Ngunit ilang minuto na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dinalaw ng antok.
Pilitin ko mang pumikit ay walang epek. Sumakit nalang ang aking ulo pero dilat na dilat pa rin ang aking mga mata.
“Ano ba naman yan kung kailan gusto nating matulog saka naman tayo hindi dadalawin ng antok!” reklamong saad ko bago bumalikwas ng bangon at nagtungo sa kusina.
“Dad may chocolate cake pa bang natira diyan sa refrigerator?” sigaw ko habang bumababa ng hagdan.
Ikakain ko nalang itong nararamdaman ko mabubusog pa ako.
“Check mo baby.” sigaw naman pabalik ni Daddy.
Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa kusina at kumuha ng dalawang slice ng Belgian Chocolate Cake na gawa ni Mommy. Umupo na rin ako sa lamesa at nagtimpla ng kape. Habang kumakain at sarap na sarap sa kinakain ay bigla namang sumulpot sa likuran ko si Daddy.
“Baby may natira pa ba pakuha ng isang slice.” saad nito at umupo sa harap ko.
“Yes Dad, kape gusto mo? Ipagtitimpla kita.” suhestiyon ko.
“Sige thank you my beautiful princess.” nakangiting saad nito.
Ngumite lang ako pabalik at tumayo na upang magtimpla ng kape.
“Kamusta naman school mo baby?” tanong sa akin ni Dad.
“Okay naman po kering keri ko lang mana ako kay Mommy eh matalino.” sagot ko.
“Sama mo naman baby ko sa akin ka kaya nagmana hindi sa Mommy mo.” nakangusong saad nito.
“So, sinasabi mo na bobo si Mommy Dad? Hala ka sumbong kita mamaya sa kaniya sa sala ka ulit matutulog for sure.” pananakot ko sa kaniya.
“Baby naman! Magtatampo na ako niyan sayo hindi mo na ako love.” kunyaring nasasaktang saad nito.
Nakahawak pa siya sa may dibdib kong saan banda matatagpuan ang puso.
“Joke lang Daddy syempre love ko kayong dalawa ni Mommy kaya sa inyong dalawa ako nagmana.” natatawang saad ko na ikinangiti naman ng huli.
“Love na love ka rin namin ng Mommy mo baby. Ikaw ang pinakamagandang biyayang aming natanggap.” puno ng pagmamahal na saad ni Daddy.
Bigla namang pumasok sa isipan ko si Mr. President at ang anak nitong si Reign.
“Daddy umamin ka nga sa akin ampon ba ako?” tanong ko kay Dad na ikinakunot ng kaniyang noo.
“Hindi, anak ka namin ng Mommy mo
ba—” saad ni Daddy na hindi natuloy dahil tinanong ko ulit.“May kakambal ba ako?” sabi ko.
“Wala rin baby ang hirap makascore sa Mommy mo kaya nag iisa ka lang. Bakit mo naman natanong iyan?” kunot noong saad nito.
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.
“May nakilala lang po ako sa school Daddy. Napagkamalan lang akong anak niya kamukha ko raw kasi.” sagot ko matapos sumubo ng cake.
“Anong pangalan baby?” tanong sa akin ni Daddy.
“Name ng nakilala ko?” tanong ko. Uminom muna ng kape si Daddy bago tumango bilang sagot.
YOU ARE READING
Purest-Tainted Heart
RomanceLove is really incredible. It can mend a person's soul but at the same time it can destroy someone's sanity. Angel is just as innocent as a true angel when it comes to love. She might be strong and unbreakable to look at, but she is as fragile as th...