Chapter 5

98 4 0
                                    

Magkasabay kaming tatlong pumasok sa room. Ironically, tig iisa kami ng building na pupuntahan. Parang intended talaga samin tatlo ang lay out ng campus. O siya, feeling yarn?

Nasa kaliwang hallway kaming tatlo. May dalawang malapad na hallway kasi rito isa sa kanan at isa sa kaliwa. Konektado ang mga iyon sa tatlong matatayog na gusali.

Nasa gitna kaming tatlo ngayon ng hallway. Nakaharap kami sa gitnang gusali.

"Oh siya, dito na ako. Maghiwalay na muna tayo," natatawang sabi ni Keith.

Tinatahak niya ngayon ang gusaling nasa kaliwang bahagi. According to what I've heard the buildings were ranked according to years. Yung gusaling pupuntahan ni Keith ay building ng 3rd year since she's on the 3rd level. She's taking up BS Criminology.

Meanwhile, Amber is taking up BS Information Technology and she's now in her second year. While, I'm taking up BS Hospitality Management and in my first level.

"Sige, dito na rin ako. Kita nalang tayo mamaya." rinig kong saad ni Amber.

"Teka lang! Alam kong sa kanan ako papunta pero saang floor ba yung para sa Hospitality Management?" tanong ko sa dalawa habang nakatanaw sa gusaling pupuntahan ko.

"Nasa 10th floor my dearest Angel." Keith answered.

10th floor?! What?! Gulat kong tiningnan si Keith.

"Totoo? You're not kidding right?" paninigurado ko.

Tumango ang dalawa. Shit. Susmeyo Marimar?! Bakit nasa top floor?!

"Bye. Kitakits nalang." sigaw ko sa dalawa bago kumaripas ng takbo papasok sa building.

Habol ko ang aking hininga ng makarating sa first floor ng building. Nakatingin ako sa hagdan patungo sa taas.

"Wala ba silang elevator dito?" bulong ko sa hangin habang tinitingnan kung may elevator ba.

Hindi ko napigilan ang aking sariling pasadahan ng tingin ang aking kinaroroonan. May mangilan ngilan naring estudyante na nakatayo at nagmumuni muni katulad ko. I heaved a deep sigh. This is gonna be it!

Hindi na ako nag aksaya ng oras at sumampa na ako sa elevator ng makita ko ang sign board. Nagpasalamat ako ng palihim at hindi ko na pala kailangan maghagdan. May nakasabayan pa akong limang lalaki na napaka ingay. Hindi ko nalang pinansin dahil isinuksok ko na sa tenga ko ang earphones na dala saka nakinig ng kanta.

Sakto namang paglabas ko ay nagbell na hudyat ng pagsisimula ng klase. Hinanap ko agad ang section at ang room ko na BSHM - Heart at laking pasalamat ko nalang dahil magkatabi lang sila ng elevator. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Pumasok na agad ako at kasunod ko namang pumasok ang una naming professor.

"Good morning heart students!" agad na bati nito pagkapasok na pagkapasok palang sa room.

Sumagot naman kami ng sabay sabay. "Good morning sir!"

Hindi lumampas sa aking paningin ang pagtili ng ilan sa mga babaeng estudyante ng binigyan kami ng professor ng kaniyang pamatay na ngiti. Hindi naman kasi maipagkakaila na talagang may hitsura itong si sir. Bata pa kasi ang hitsura parang nasa mid 20's pa. Moreno din at matangkad. Parang Daniel Matsunaga ang dating.

"I am Mr. Ace Klevin Guerrero your advicer and your World History professor. Because it's your first day we will just do the introduce yourself in front for you to be able to know each other and for me to know each one of you better. Is that okay with you guys?" ngiting tanong ni sir.

Purest-Tainted HeartWhere stories live. Discover now